Upang isulong ang“bagong kalidad na produktibong puwersa,” ang“berdeng pag-unlad sa makabagong panahon”ay isa pang estratehiya sa modernisasyon ng Tsina. Isinusulong nito ang malusog’t komportableng buhay, sa pamamagitan ng intelehenteng teknolohiya, gaya ng mga de-kuryenteng sasakyan, habang pinangangalagaan ang kalikasan.
Sa ika-2 harurot ng seryeng“Sa Paligid ng Beijing,” muli kayong i-a-angkas ni Rhio Zablan sa kanyang de-kuryenteng motorsiklo, para mamasyal at tingnan ang mga kagawian, at suriin ang benepisyo ng berdeng pag-unlad sa buhay ng mga tao.
Artikulo/Video: Rhio
Patnugot sa nilalaman at website: Jade
Audio specialist: Ernest