Vientiane, Laos – Ipinahayag Miyerkules ng gabi, Oktubre 9, 2024 ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang matatag na suporta ng kanyang bansa sa pagtatatag ng Komunidad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), pagsusulong ng sentral na katayuan ng ASEAN sa kooperasyong panrehiyon, at pagkakaroon nito ng mas matingkad na papel sa mga suliraning pandaigdig.
Sa kanyang nakasulat na mensahe sa Wattay International Airport sa Vientiane, inilahad din ng premyer Tsino ang pagnanais ng Tsina sa pagkakaroon ng malalim na pakikipagpalitan ng kuru-kuro sa lahat ng panig kaugnay ng mga pangunahing isyung may kinalaman sa kooperasyong panrehiyon.
Nakahanda aniya ang Tsina na mag-ambag sa magkakasamang pagsisikap para maging mahalagang lakas-panulak sa pandaigdigang pag-unlad ang rehiyon.
Sa kanyang pananatili sa Vientiane mula Oktubre 9 hanggang 12, lalahok si Premyer Li sa iba’t-ibang pulong tungkol sa kooperasyon ng Silangan at Timog-silangang Asya.
Kabilang dito ang Ika-27 China-ASEAN Summit, Ika-27 ASEAN Plus Three Summit, at ang Ika-19 East Asia Summit.
Bukod dito, sa imbitasyon ni Punong Ministro Sonexay Siphandone ng Laos, magsasagawa rin siya ng opisyal na pagdalaw sa naturang bansa.
Ang Laos ay kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN.
Salin/Patnugot: Jade
Larawan: Xinhua
Pulido: Rhio
Pulong ng mga lider ng Timog-silangan at Silangang Asya, dadaluhan ng premyer Tsino
Seremonya ng pagbubukas ng Ika-21 CAExpo, dinaluhan ng pangalawang premyer Tsino
Ika-6 na ASEAN-China Media Week, binuksan sa Nanning, Guangxi
Mga matataas na opisyal ng ASEAN, tinalakay ang pagpapalakas ng konektibidad at katatagan sa rehiyon
Mahigit 70 aktibidad, gaganapin sa China-ASEAN Education Cooperation Week