Ipinahayag Hunyo 13, 2017 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sinusubaybayan ng Tsina ang naiulat na pagpatay sa dalawang Tsino sa Pakistan. Aniya, sa kasalukukuyan, hindi pa natamo ng Tsina ang opisyal na pahayag mula sa Pakistan. Ipagpapatuloy aniya ng Tsina ang pagbibigay-tulong sa Paksitan para sa isinasagawang imbestigasyon hinggil dito.
Ipinahayag ni Lu kang na tinututulan ng Tsina ang lahat ng mga teroristikong aktibidad laban sa mga sibilyan, at kinakatigan nito ang pagsisikap ng Paksitan para bigyang-dagok ang terorismo, upang pangalagaan ang seguridad at katatagan ng bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng komunidad ng daigidg para ibayong pahigpitin ang pakikibaka sa terorismo, para sa pangangalaga sa katatagan at seguridad ng rehiyon at daigdig.