Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

EDITORYAL - ESTILONG TSINO, KASAMA SI RHIO Abril 8, 2020

(GMT+08:00) 2020-04-08 18:47:36       CRI
KANDADO NG WUHAN, TANGGAL NA!

Matapos ang 76 na araw, tinanggal na, Abril 8, 2020 ang kandadong naglilimita sa pagpasok at paglabas sa lunsod ng Wuhan.

Ito, ay isa na namang milestone sa digmaan ng mga mamamayang Tsino kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sa ilalim ng matatag na pamumuno ni Pangulong Xi Jinping.

Sa kasagsagan ng pagkalat ng COVID-19 sa Tsina noong Enero ng taong ito, ang desidido at mabilis na desisyon ng pamahalaang Tsino, na ikandado ang lunsod ng Wuhan ay siyang naging susi sa pagsasanggalang at pagliligtas ng mas maraming buhay, kapuwa sa Wuhan at buong Tsina.

Ang hakbang na ito, ay siya ring naging padron ng maraming lunsod at lalawigan sa Tsina sa pagpuksa sa naturang sakit.

Sa ngayon, ilang hakbang na lamang, at matatawid na ng Tsina ang huling linya tungo sa pagdedeklara sa COVID-19 bilang relikya ng nakaraan, at isa sa mga naging mahalagang kasangkapan ay ang sakripisyong ibinigay ng Wuhan at mga mamamayan nito.

Pagliligtas ng buhay, priyoridad ng Tsina

Isang palagiang tema sa mga pahayag ni Pangulong Xi Jinping, simula nang sumiklab ang COVID-19 ay pagliligtas at pagsasanggalang sa buhay ng mga mamamayan.

Sa kanyang pakikipagpulong kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), Enero 28 sa Beijing, binigyang-diin ni Xi ang pagpapauna sa buhay at kapakanan ng mga mamamamyan.

Samantala, ayon naman sa Kanadyanong Espesyalistang si Bruce Aylward, kapuri-puri ang mga hakbang ng Tsina sa paglaban sa COVID-19.

Sinabi niya ito, matapos pamunuan ang ekspertong grupo ng WHO sa 9 na araw na misyon upang imbestigahan ang mga hakbang ng Tsina kaugnay ng naturang sakit.

"If I had COVID-19, I'd want to be treated in China," dagdag pa ni Aylward.

Ito ay nagpapakita, na bilang isang ekspertong doktor, mayroon siyang malaking tiwala sa mga teknika at estratehiya ng Tsina sa paggamot at pagpuksa sa naturang karamdaman.

Aniya pa, "they know and they care about keeping people alive, and they do it successfully."

Ang prinsipyo at paniniwalang ito ay makikita sa mga kataga ni Pangulong Xi: "kapag nagtagumpay ang Wuhan, magtatagumpay ang Hubei; at kapag nagtagumpay ang Hubei, magtatagumpay rin ang buong Tsina.

Hindi biro, pero kinakailangang gawain

Enero 23, inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Wuhan ang pagkandado o lockdown ng buong lunsod.

Lahat ng uri ng pampublikong transportasyon at negosyo ay suspendido, at lahat ng mga residente ay kinakailangang manatili sa kanilang pamamahay upang maputol ang transmisyon ng virus sa mga kabahayan.

Sa lunsod na may mahigit 10 milyong residente, ito ay hindi birong gawain, at isang kagila-gilalas na desisyong magpapabago sa takbo sa laban ng buong Tsina at buong mundo kontra sa virus.

Tungkol dito, sinabi ni Helal Helal, Deputy General Secretary ng Arab Ba'ath Socialist Party of Syria, na ang mga nakamtan ng bansa sa digmaan kontra COVID-19 ay dakilang bunga, at umaalingaw-ngaw na tinig ng pilosopiya ng pangangalaga at pagbibigay-priyoridad sa buhay at kapakanan ng mga mamamayan.

Sa kanyang mensahe sa kakatapos lamang na Asian Political Parties Online Conference, ipinagdiinan ni Helal Helal, na ang mga gawa ng Tsina ay dakilang kontribusyon sa pagsasanggalang ng buhay na may dignidad para sa buong sangkatauhan.

Mga dambuhalang ospital, naitayo sa 2 linggo

Ang Huoshenshan at Leishenshan ay mga ospital na itinayo para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Wuhan, at ang mga ito ay ginawa sa loob lamang ng 2 linggo.

Bawat ospital ay may kapasidad na tumanggap ng mahigit 1,000 pasyente.

Maliban sa dalawang ito, 16 na iba pang makeshift hospital ang itinayo sa mga istadyum at bulwagang pang-eksibisyon.

Ayon kay Chen Weiguo, Presidente ng China Construction Third Engineering Bureau Co, mukhang "mission impossible" ang pagtatayo ng naturang mga ospital sa loob lamang ng napaka-ikling panahon, pero dahil sa pagpupunyagi, determinasyon, at pagmamahal sa bayan, nagtagumpay ang kanyang kompanya na maitayo ang mga ito.

Mahigit 34,000 manggagawa mula sa lahat ng sulok ng Tsina ang walang-tigil na nagtrabaho upang magkaroon ng paggamutan ang mga may-sakit.

Bukod dito, mahigit 340 grupong medikal, na binubuo ng mahigit 42,600 doktor at nurse, mula sa People's Liberation Army (PLA) at ibat-ibang sulok ng Tsina, ang dagliang bumuhos sa Wuhan upang iligtas ang mga may-sakit.

Sinabi ni Wang Xinghuan, Pangulo ng Leishenshan Hospital, 3,202 tauhang medikal mula sa 286 na ospital ng Tsina ang dumating sa pasilidad upang isalba ang buhay ng mga nasa kritikal na kondisyon.

Aniya, iisa lang ang kanilang layunin at ito ang magligtas ng buhay.

Sa kabilang dako, 19 na lalawigan ang nakipag-partner sa 16 lunsod at county sa Hubei upang mai-mobilisa ang mga kinakailangang kagamitan, materyal, pagkain, at iba pang yaman.

Karanasan mula sa Wuhan, para sa buong mundo

Tunay na kahanga-hanga, na kayang kontrolin ng isang bansa ang isang pandemic sa loob lamang ng 2 hanggang 4 na buwan.

Pero, hindi madali at maraming buhay ang nabuwis dahil sa digmaang ito.

Sa kabilang dako, patuloy pa rin ang panganib ng impeksyon mula sa ibang bansa, kaya kailangang-kailangan pa rin ng Tsina ang mahigpit na pagbabantay.

Sa pandaigdigang entablado, patuloy na dumarami ang mga nagkakasakit at namamatay, kaya naman, nagpupumilit ang Tsina na magpadala ng tulong medikal, ekspertong doktor at nurse na Tsino, at walang humpay na nagbabahagi ng kaalaman sa mahigit 120 at bansa at 4 na internasyonal na organisasyon, upang mapuksa ang COVID-19.

Sa napakahalagang panahong ito, ang karanasan ng Tsina mula sa Wuhan ay nagsisilbing padron na ibinabahagi sa ibang mga bansang gaya ng Pilipinas, at ini-aakma sa pansariling pangangailangan upang mas maraming buhay ang mailigtas.

Ang sakripisyo at kabayanihan ng Wuhan ay napakahalaga para sa buong sangkatauhan.

Sa muling pagbubukas ng lunsod, muli nitong ipinakikita sa buong daigdig, na sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagsunod sa mga itinakda ng pamahalaan; kayang mapuksa ang virus, kayang makontrol ang sakit, kayang magtagumpay laban sa pandemiya, at ang Wuhan ang siyang maningning na halimbawa na maaaring sundan ng lahat ng bansa sa daigdig.

Rhio Zablan

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>