Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wang Yi, makikipagpulong sa mga counterpart mula sa mga bansang ASEAN; ugnayan palalalimin, kooperasyon isusulong

(GMT+08:00) 2020-10-10 10:46:49       CRI

Kaugnay ng pagsasagawa sa malapit na hinaharap ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ng isang serye ng mga pulong 7 bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipinahayag nitong Biyernes, Oktubre 9, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay lubos na nagpapakita ng matapat na mithiin at matatag na determinasyon ng panig Tsino sa pagpapasulong ng kooperasyong Sino-ASEAN, at pagpapalalim ng mapagkaibigang relasyon sa mga bansang ASEAN.

Ayon sa ulat, ang nasabing serye ng aksyong diplomatiko ay kinabibilangan ng gagawing pagdalaw sa Tsina ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas at Espesyal na Sugo ng Pangulong Indones, at gagawing biyahe ni Wang Yi sa Cambodia, Malaysia, Laos, Thailand, at Singapore.

Tungkol dito, ipinahayag ni Hua na ang mga bansang ASEAN ay pawang mapagkaibigang kapitbansa, at mahalagang katuwang ng Tsina sa magkakasamang konstruksyon ng "Belt and Road."

Ani Hua, umaasa at nananalig ang panig Tsino na bilang mga miyembro ng kalaking pamilya ng Asya, patuloy na magsisikap ang mga bansang ASEAN kasama ng panig Tsino, para matatag na maipagtanggol ang multilateralismo, at pagkakapantay-pantay at katarungang pandaigdig, mapangalagaan ang kapayapaan at katatagang panrehiyon, at makapagbigay ng mas malaking matatag na elemento sa pag-unlad ng rehiyon at buong daigdig.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>