Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-6 2014

(GMT+08:00) 2014-03-13 16:40:56       CRI
Kamakailan, nagpalabas ang isang kilalang website ng listahan ng sampung music video na may pinakamaraming view rating.

Ika-10, ang Wake Me Up na kaloob ni Avichi. Puwedeng sabihing ang kantang Wake Me Up ay Blackhorse ng sirkulong musikal sa taong 2013. Ang umawit ng kanta, si Avichii, ay mula sa Switzerland. Maaring hindi kayo pamilyar sa kanya as a singer, pero siya ay nasa third place sa sa listahan ng Top 100 na pinakamahuhusay na DJs sa buong daigdig. Isa sa kanyang ipinagmamalaking teknik ay harmonyang pinagsama ang folk song at electronic music. Ang kantang Wake me up ay bumenta ng 2.67 milyong kopya sa buong daigdig. Ito rin ang ika-2 single na bumenta ng pinakamarami sa buong daigdig, kaya marahil nakatawag ang music video ng gayon kalaking pansin.

Ika-9, Come And Get It na kaloob ni Selena Gomez. Noong isang taon, ipinalabas ni Selena ang kanyang unang individual album, buong-tapang na sinubok niya ang rock and roll at electronic music, at sa music video ng kantang Come And Get It, matagumpay na na-realize ni Selena ang pagbabago mula sa pagiging isang girl tungo sa pagiging isang woman. At ang kantang ito ay nagtamo ng second place sa billboard ng E.U.

IKA-8, kantang LA LA LA na collaboration nina Nauty Boy at Sam Smith. Ang kantang LA LA LA ay isang obra ng 28 taong gulang na Britanikong producer na si naughty boy. Si Sam Smith ay winner ng BBC Voice of 2013. Inilalaran ng kantang ito kung paanong mapapangalagaan ang puso at mapipigil ang pinsalang panlabas. Bumenta ito ng 145 libong kopya sa loob ng isang linggo at naging kampeon sa UK Chart noong unang pumasok sa music chart na ito.

Ika-7, ang kantang Stay ay inilakip sa ika-6 album ni Rihana, at siyempre pumasok sa top 10 na kantang nakakuha ng pinakamaraming klik at nagtamo ng first place sa mga music chart ng 19 bansa. At mayroon isang bagong mukha sa music video at ito ay si Mikky Ekko. Parang boses babae siya at kahit nagsimula ang kanyang music career nito lamang 2008, sa tulong ni Rihana, naging pamilyar siya sa mga music fans.

Ika-6, Blurred Lines. Ngayon lang, nasabi ko na ang kantang Wake Me Up ay bumenta ng 2.67 milyon sa buong daigdig at itinanghal na ika-2 single na bumenta ng pinakamarami sa buong daigdig. Pero, ang first place ay nakuha ng Blurred Lines nina Robin Thicke,T.I at Pharrell Williams. Umabot sa 1.44 milyon ang bilang ng benta at ayon sa datos, umabot sa 240 milyong ang bilang ng viewer rate ng kanilang music video sa mga website at nananatiling first place sa billboard ng 12 linggo.

Ika-5, sa bagong music video Just Give Me A Reason ni Pink, inanyayahan niya ang dalawang espesyal na cheer leaders-- ang isa ay iyong leading singer ng Punk na si Nate Ruess na kasama niyang umawit sa harap ng microphone at ang isa ay ang kanyang asawa na si Carey Hart na kasama niyang nagpakita ng sweetness sa harap ng kamera. At totoong mabisa ang kagawiang ito na nakatawag ng malaking pansin mula sa mga music fans.

Ika-4, kung sa loob ng isang taon wala kayong makikitang obra ni Katty Perry, tiyak na pinili niyang magpahinga sa kanyang sarili at noong isang taon, kasama ng pagpapalabas ng kanyang bagong kantang Roar, ang imahe niya ng babaeng Tarzan ay kumalat sa iba't ibang sulok ng daigdig. At ito rin ang ika-8 champion single ni Ketty.

Ika-3 at ika-2 music video ay galing sa isang tao, iyan ang kantang We Can't Stop at Wrecking Ball ni Miley Cyrus. Ang taong 2013 ay puwedeng tawagan na taon ni Miley Cyrus, dahil sobra sa daming balita sa sirkulong musikal ang may kinalaman sa nasabing babae na isinilang noong taong 1992. Ang bawat damit na suot niya, bawat aksyon sa performance at bawat plot ng music video ay naging pokus ng usap-usapan..

Sa wakas, can you guess, kung sino ang pinakamalaking winner at kung aling video ang pinakamaraming beses na nai-play sa taong 2013? Iyan, walang iba, kundi ang kantang Gentleman na kaloob ni PSY. Umabot sa 241 milyon ang bilang ng viewers' rate sa loob ng dalawang linggo at ito ay mas maraming sa mga music video ng mga super star na Europeo at Amerikano para sa buong taon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>