Wen Jiabao:

Mga kinatawan:

Ngayon, sa ngalan ng Konseho ng Estado, gumawa ako ng Government Working Report, ipinapaki-usap kong suriin ito ng iba't ibang kinatawan, at harapin ng mga kagawad ng CPPCC ang mungkahi hinggil dito.

 

Wen Jiabao: Paglagom ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan at lipunan noong panahon ng "Ika-11 Panlimahang-taong Plano"

Ang panahon ng "Ika-11 Panlimahang-taong Plano" ay di-karaniwang limang taon sa proseso ng pag-unlad ng estado. Sa harap ng masalimuot na situwasyon sa loob at labas ng bansa, at serye ng malalaking hamon at banta, namuno ang Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad ng bansa at komprehensibong pinasulong ang reporma at pagbubukas sa labas at modernisasyon, sa gayo'y lumitaw ang pagbabagong historikal sa estado.

 

Wen Jiabao: Nitong limang taong nakalipas, malinaw na tumaas ang panlipunang kakayahan ng produksyon at komprehensibong lakas na pang-estado ng Tsina. Mabisang naharap ng Tsina ang impact ng pandaigdigang krisis na pinansiyal at napanatili ang matatag at mabilis na pag-unlad ng kabuhayan, at matagumpay na natapos ang mga pangunahing target at tungkuling itinakda ng "Ika-11 Panlimahang-taong Plano", at pumasok din sa bagong yugto ng pag-unlad ang pambansang kabuhayan. Nitong ilang taong nakalipas, umabot sa 39.8 trilyong Yuan ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Tsina na lumaki ng 11.2% bawat taon, at tumaas din hanggang sa 8.31 trilyong Yuan ang kitang piskal mula 3.16 trilyong Yuan. Naisakatuparan ang malaking breakthrough sa pagsulong ng siyensiya't teknolohiya na gaya ng manned space program, proyekto ng pag-probe sa buwan at supercomputer project. Natamo na rin ng konstruksyon ng tanggulang bansa at modernisyon ng hukbo ang napakalaking progreso.

 

Wen Jiabao: Nitong limang taong nakalipas, mabilis na umunlad ang iba't ibang usaping panlipunan, at malinaw na bumuti ang pamumuhay ng mga mamamayan. Komprehensibong sumulong ang mga usaping gaya ng edukasyon, siyensiya't teknolohiya, kultura, kalusugan at palakasan. Halos 57.71 milyong mamamayan sa mga lunsod at bayan ang nagkaroon ng bagong trabaho, at nailipat ang 45 milyong lakas-manggagawa sa kanayunan. Magkahiwalay na lumaki ng 9.7% at 8.9% ang disposable income ng bawat residente sa mga lunsod at bayan, at netong kita ng bawat residente sa kanayunan, at unti-unting bumubuti ang panlipunang sistemang panseguro (social security system) na sumasaklaw sa lunsod at nayon.

 

Wen Jiabao: Nitong limang taong nakalipas, mabilis na umunlad ang iba't ibang usaping panlipunan, at malinaw na bumuti ang pamumuhay ng mga mamamayan. Komprehensibong sumulong ang mga usaping gaya ng edukasyon, siyensiya't teknolohiya, kultura, kalusugan at palakasan. Halos 57.71 milyong mamamayan sa mga lunsod at bayan ang nagkaroon ng bagong trabaho, at nailipat ang 45 milyong lakas-manggagawa sa kanayunan. Magkahiwalay na lumaki ng 9.7% at 8.9% ang disposable income ng bawat residente sa mga lunsod at bayan, at netong kita ng bawat residente sa kanayunan, at unti-unting bumubuti ang panlipunang sistemang panseguro (social security system) na sumasaklaw sa lunsod at nayon.

 

Wen Jiabao: Nitong limang taong nakalipas, natamo ng reporma at pagbubukas sa labas ang napakalaking progreso, naisakatuparan ang bagong breakthrough sa reporma ng mga mahahalagang larangan at masususing aspekto, at mas mabuti ang sosyalistang market economy system. Noong isang taon, umabot sa 2.97 trilong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas.

 

Wen Jiabao: Nitong limang taong nakalipas, malinaw na tumaas ang katayuan at impluwensiyang pandaigdig ng Tsina. Napatingkad ng Tsina ang mahalagang konstruktibong papel nito sa mga suliraning pandaigdig, at napangalagaan ang kapakanan ng soberanya, seguridad at pag-unlad ng estado, at natamo ng komprehensibong diplomasiya nito ang napakalaking progreso. Matagumpay na itinaguyod ng Tsina ang Beijing Olympic Games at Shanghai World Expo na nagsakatuparan sa pangarap ng Nasyong Tsino.

 

Wen Jiabao: Ang ganitong mga maningning na tagumpay ay lubos na nagpapakita ng bentahe ng sosyalismong may katangiang Tsino at ng dakilang puwersa ng reporma at pagbubukas sa labas.

 

Wen Jiabao:  Nitong limang taong nakalipas, gumawa tayo ng mga sumusunod na gawain: Pinalakas at pinabuti ang makro-kontrol at pinasulong ang matatag at mabilis na pag-unlad ng kabuhayan. Nitong dalawang taong nakalipas, sa harap ng grabeng impact ng pandaigdigang krisis na pinansiyal, gumawa tayo ng siyentipikong desisyon at nagsagawa ng proaktibong patakarang pinansiyal at maluwag na patakaran sa pananalapi na nagbihay-daan sa ating tagumpay laban sa kahirapang dulot nito at malakas na naigarantiya at napabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan, at nakapaglatag ito ng matatag na pundasyon para sa pangmatagalang pag-unlad.

 

Wen Jiabao: Patuloy na pinabuti ang gawain hinggil sa agrikultura, kanayunan at mga magsasaka, at pinatatag at pinalakas ang pundasyong agrikultural. Dahil dito, bumubuti nang bumubuti ang pamumuhay ng mga magsasaka at pumasok na sa bagong yugto ng pag-unlad ang kanayunan.

 

Wen Jiabao: Puspusang pinasulong ang pagsasaayos sa estrukturang pangkabuhayan, at pinataas ang kalidad at episyensiya ng paglaki ng kabuhayan. Una, pianbilis ang pagsasaayos sa estrukturang industriyal at sarilinang inobasyon. Ikalawa, buong tatag na pinasulong ang pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbubuga ng mapanganib na usok, konstruksyong ekolohikal at pangangalaga sa kapaligiran. Ikatlo, pinasulong ang koordinadong pag-unlad ng kabuhayan sa iba't ibang rehiyon. Naisakatuparan ang pangkalahatang estratehiya ng pagpapaunlad ng iba't ibang rehiyon, at binalangkas ang mungkahing pampatnubay sa paggagalugad sa dakong kanluran ng bansa sa bagong 10 taon at ang isang serye ng plano ng pagpapaunlad ng rehiyong ito, at isinapubliko ang mga bagong hakbangin para mapasulong ang mabilis na pag-unlad ng mga rehiyon ng pambansang minoriya na gaya ng Tibet at Xinjiang.

 

Wen Jiabao: Buong tatag na pinalalim ang reporma at pagbubukas sa labas at pinalakas ang kasiglahang panloob ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

 

Wen Jiabao: Walang humpay na pinalawak ang saklaw at kalaliman ng pagbubukas sa labas, lumaki ng 15.9% ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas bawat taon, at walang humpay na bumubuti ang estruktura nito. Bumaba rin ang trade surplus nitong nagdaang dalawang taong singkad at ibayo pang tumaas ang lebel ng paggamit ng pondong dayuhan. Aktibong nakilahok ang Tsina sa reporma sa mekanismo ng kabuhayang pandaigdig at konstruksyon ng mekanismo ng rehiyonal na kooperasyon, at patuloy na lumalim ang bilateral at multilateral na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Patuloy na lumawak ang saklaw ng pagbibigay-tulong sa labas at malakas ding napasulong ng pagbubukas sa labas ang pag-unlad ng kabuhayan at pagsasaayos sa estruktura, at napapasukin ang sulong na teknolohiya at karanasan ng pamamahala.

 

Wen Jiabao: Pinabilis ang pagpapaunlad ng mga usaping panlipunan, at aktuwal na iginarantiya at pinabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan. Palagiang iginiit ang pagkokoordinahan sa pagitan ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan at ipinauna ang paghahanap-buhay sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan.

 

Wen Jiabao: Binalangkas at isinagawa ang reporma at plano sa pagpapaunlad ng edukasyon ng estado. Nitong limang taong nakalipas, naglaan na ang pinansiyang sentral ng 4.45 trilyong Yuan sa edukasyon na lumaki ng 22.4% bawat taon. Komprehensibo ring naisakatuparan ang walang-bayad na compulsory education.

 

Wen Jiabao: Natamo ng pakikibaka sa mga grabeng likas na kapahamakan na gaya ng super-lindol sa Wenchuan ang napakalaking tagumpay, at natupad sa kabuuan ang tungkulin ng rekonstruksyon ng Wenchuan pagkatapos ng kalamidad, at maayos na pinasulong ang proseso ng rekonstruksyon ng napakalakas na lindol sa Yushu at napakalaking mudslide sa Zhouqu. Sa pagharap ng mga kalamidad, naging mas mahusay at malakas ang sambayanang Tsino.

 

Wen Jiabao: Nitong limang taong nakalipas, walang humpay nating pinalalim ang reporma sa sistema ng administratibong pamamahala, at natamo ng sariling konstruksyon ng pamahalaan ang positibong progreso.

 

Wen Jiabao: Hindi madaling natamo ang ganitong mga tagumpay nitong limang taong nakalipas, pero ito ang bunga ng tumpak na pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina na pinamumunuan ng Pangkalahatang Kalihim nitong si Hu Jintao at bunga ng magkakasamang pagsisikap ng buong partido at mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad ng bansa.

 

Wen Jiabao: Ngunit, alam natin na umiiral pa rin ang mga problema sa pag-unlad ng estado. Ang mga ito ay kinabibilangan ng, pangunahin na, di-balanseng relasyon ng pamumuhunan at konsumo, malaking agwat sa pagbabahagi ng kita, hindi malakas na kakayahan ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, hindi makatwirang estruktura ng industriya, mahinang rin ang pundasyong agrikultural, hindi koordinadong pag-unlad ng mga lunsod at nayon, malaking presyur sa pagkakaroon ng trabaho at iba pang  mga sistema at mekanismong humahadlang sa siyentipikong pag-unlad. Hindi pa nalutas ang mga problemang malaki ang concern ng mga mamamayan, at ang mga ito ay ang mga sumusunod: pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon, di-sapat na yamang medikal, paglaki ng presyur na dulot ng pagtaas ng presyo ng paninda, labis na pagtaas ng presyo ng pabahay sa ilang lunsod, grabeng problema ng food safety; at grabeng korupsiyon sa ilang larangan. Sa mataas na responsableng diwa, puspusan pang magsisikap ang pamahalaan para mapabilis ang paglutas sa naturang mga problema.

 

Wen Jiabao: Nang ilagom ang gawain ng pamahalaan noong panahon ng "Ika-11 Panlimahang-taong Plano", ibayo pang napalalim ng pamahalaan ang kaalaman sa mga sumusunod na aspekto.

 

Wen Jiabao: Una, dapat igiit ang siyentipikong pag-unlad. Ang Tsina ay nasa inisyal na yugto pa rin ng sosyalismo, at dapat ipauna ang konstruksyong pangkabuhayan at igiit ang siyentipikong pag-unlad. Dapat ding igiit ang diwang "People First" at ilagay sa pokus ng gawain ang paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan para makinabang ang lahat ng mga mamamayan sa bunga ng pag-unlad; dapat pasulungin ang koordinadong pag-unlad ng mga lunsod at nayon, iba't ibang rehiyon, kabuhayan at lipunan; dapat pabilisin ang pagbabago ng porma ng pag-unlad ng kabuhayan at puspusang pasulungin ang sarilinang inobasyon at ang pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran para mapasulong ang komprehensibo, koordinado at sustenableng pag-unlad ng bansa.

 

Wen Jiabao: Ikalawa, dapat igiit ang koodinasyon ng pagkontrol ng pamahalaan, at mekanismo ng pamilihan. Dapat walang humpay na pabutihin ang sosyalistang market economy system at lubos na patingkarin ang pundamental na papel ng pamilihan sa pagbabahagi ng mga yaman para mapasigla ang puwersang panloob ng kabuhayan, samantalang dapat siyentipikong gamitin ang paraan ng makro-kontrol para mapasulong ang pangmatagalan, matatag at mabilis na pag-unlad ng kabuhayan.

 

Wen Jiabao: Ikatlo, dapat pahalagahan ang pangkalahatang situwasyon sa loob at labas ng bansa. Sa pagbabago ng situwasyong pandaigdig, dapat samantalahin ang pagkakataon ng pag-unlad at maayos na harapin ang mga panganib at hamon.

 

Wen Jiabao: Ika-apat, dapat gawing pundamental na puwersa ang reporma at pagbubukas sa labas sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan. Dapat pasulungin ang reporma sa mas malaking determinasyon at lalo pang magsikap para pundamental na mapawi ang mga hadlang sa mga sistema at mekanismo.

 

Wen Jiabao: Pangunahing target at tungkulin sa panahon ng "Ika-12 Panlimahang-taong Plano":

Ayon sa "Mungkahi ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina hinggil sa Pagbalangkas ng Ika-12 Panlimahang-Taong Plano ng Pagpapaunlad ng Pambansang Kabuhayan at Lipunan", binalangkas namin ang "Burador ng Ika-12 Panlimahang-Taong Plano ng Pagpapaunlad ng Pambansang Kabuhayan at Lipunan" at isinumite sa sesyong ito para suriin.

 

Wen Jiabao: Ang panahon ng "Ika-12 Panlimahang-Taong Plano" ay magiging masusing panahon para sa komprehensibong pagtatayo ng maginhawahang lipunan, ito rin ay napakahalagang panahon sa pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas at pagpapabilis ng pagbabago ng porma ng pagpapaunlad ng kabuhayan. Ayon sa situwasyon sa loob at labas ng bansa, ang Tsina ay nasa mahalagang estratehikong panahon pa rin ng pagkakataon ng pag-unlad.

 

Wen Jiabao: Dapat pasulungin ang kabuhayan sa bagong yugto. Sa loob ng darating na limang taon, sa pundasyon ng malinaw na pagpapataas ng kalidad at episyensiya, ang inaasahang target ng paglaki ng kabuhayan ng bansa ay 7% bawat taon. Ayon sa presyo noong 2010, sa taong 2015, tinatayang lalampas sa 55 trilyong Yuan ang GDP ng estado.

 

Wen Jiabao: Dapat pabilisin ang pagbabago ng porma ng pagpapaunlad ng kabuhayan at ang pagsasaayos sa estrukturang pangkabuhayan. Dapat pasulungin ang mainam na pag-unlad ng mga lunsod at nayon at ang koordinadong pag-unlad ng una, ikalawa at ikatlong industriya.

 

Wen Jiabao: Dapat puspusang paunlarin ang mga usaping panlipunan. Dapat ipauna ang pagpapaunlad ng edukasyon at unti-unting pataasin ang lebel ng edukasyon ng mga mamamayan.

 

Wen Jiabao: Dapat komprehensibong palalimin ang reporma at pagbubukas sa labas. Dapat lubos na pahalagahan ang pangkalahatang plano ng reporma at puspusang pasulungin ang reporma sa sistemang pangkabuhayan, at dapat aktibo at maayos na pasulungin ang reporma sa sistemang pulitikal, dapat pasulungin ang reporma sa sistemang kultural at panlipunan, dapat walang humpay na pabutihin ang sosyalistang market economy system, dapat palawakin ang sosyalistang demokrasya at pabutihin ang sosyalistang sistemang pambatas.

 

Wen Jiabao: Dapat buong tatag na pasulungin ang pagtitipid ng yaman at pangangalaga sa kapaligiran, at dapat aktibong harapin ang pagbabago ng klima. Dapat ding palakasin ang pagtitipid at pamamahala sa mga yaman at pataasin ang kakayahan ng paggarantiya sa mga yaman at palakasin ang pangangalaga sa bukirin at kapaligiran, at dapat palakasin ang konstruksyong ekolohikal at konstruksyon ng sistema ng pagpigil at pagbabawas ng kalamidad para komprehensibong mapalakas ang kakayahan ng sustenableng pag-unlad. Dapat komprehensibong pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan. Dapat ipauna ang pagdaragdag ng hanap-buhay sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, at dapat lumikha ng pantay na pagkakataon sa hanap-buhay para sa lahat ng manggagawa.

 

Wen Jiabao: Dapat walang humpay na palakasin ang sariling reporma at konstruksyon ng pamahalaan. Dapat buong tatag na parusahan at pigilin ang korupsyon, dapat igarantiya ang karapatan at lehitimong kapakanan ng mga mamamayan, at pangalagaan ang pagkakapantay-pantay at katuwiran ng lipunan. Pagkaraan ng pagsisikap sa darating na limang taon at pagsasakatuparan ng iba't ibang target ng "Ika-12 Panlimahang-Taong Plano", inaasahang tataas nang malaki ang pangkalahatang puwersang pang-estado ng bansa, bubuti nang malaki ang pamumuhay ng mga mamamayan, at lilitaw ang mas malaking pagbabago sa ating bansa.

 

Wen Jiabao: Gawain sa taong 2011:

Ang taong 2011 ay unang taon ng "Ika-12 Pamlimahang-Taong Plano", at napakahalaga ng pagpapabuti ng mga gawain sa taong ito para sa pagsasakatuparan ng iba't ibang target at tungkulin sa "Ika-12 Panlimahang-Taong Plano". Noong isang taon, natamo ng iba't ibang gawain ang napakalaking tagumpay na lumaki ng 10.3% ang GDP, nakontrol sa 3.3% ang CPI, at 11.68 milyong mamamayan sa mga lunsod at bayan ang nagkaroon ng bagong trabaho. Ang mga ito ay nakapaglatag ng mainam na pundasyon para sa gawain sa taong kasalukuyan. Sa taong ito, kakaharapin pa rin ng pag-unlad ng bansa ang masalimuot na situwasyon. Patuloy at mabagal na aahon ang kabuhayang pandaigdig, ngunit hindi matatag ang pundasyon ng pag-ahong ito. Kaya dapat tayong tumpak na magtasa ng situwasyon at pabutihin ang paghahanda sa pagharap sa mga hamon.

 

Wen Jiabao: Sa taong ito, ang pangunahing inaasahang target ng pambansang kabuhayan at pag-unlad ng lipunan: ang GDP ay lalaki ng humigit-kumulang 8%; ibayo pang bubuti ang estrukturang pangkabuhayan; makokontrol sa humigit-kumulang 4% ang bahagdan ng pagtaas ng presyo ng consumer goods; mahigit 9 milyong mamamayan sa mga lunsod at bayan ay magkakaroon ng bagong trabaho, at makokontrol sa wala pang 4.6% ang unemployment rate sa mga lunsod at bayan. Patuloy na isasagawa ang proaktibong patakarang piskal, pananatilihin ang angkop na fiskal deficit at saklaw ng national bonds. Isasagawa ang matatag na patakaran sa pananalapi, pananatilihin ang makatwirang saklaw ng pangongolekta ng pondo sa lipunan, ibayo pang pabubutihin ang mekanismo ng pagbuo ng exchange rate ng RMB, buong sikap na pipigilan ang pagpasok ng "hot money". Palalakasin ang pamumuhunan at pamamahala sa reserbang ari-arian.

 

Wen Jiabao: Sa taong ito, pabubutihin ang mga gawaing sumusunod.

Pananatilihin ang katatagan ng pangkalahatang lebel ng presyo ng paninda.

Sa kasalukuyan, mabilis ang pagtaas ng presyo ng paninda, at ang isyung ito ay may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan, pangkalahatang situwasyon ng bansa, at nakakaapekto pa ito sa katatagan. Dapat gawing pangunahing tungkulin sa makro-kontrol ang pagpapatatag ng pangkalahatang lebel ng presyo ng paninda.

 

Wen Jiabao: Ibayo pang palalawakin ang pangangailangang panloob, particular na ang pangangailangan ng mga residente sa konsumo.

Ang pagpapalawak ng pangangailangang panloob ay pangmatagalang estratehikong patakaran ng pag-unlad ng kabuhayan ng bansa, ito rin ay pundamental na paraan at kahilingan sa pagpapasulong ng balanseng pag-unlad ng kabuhayan. Aktibong palalawakin ang pangangailangan sa konsumo. Patuloy na daragdagan ang laang-gugulin ng pamahalaan sa pagpapabuti at pagpapalawak ng konsumo, at daragdagan ang subsidy sa mga low-income na residente at magsasaka sa mga lunsod at bayan. Puspusang pabubutihin ang estruktura ng pamumuhunan. Mahigpit na isasagawa ang mga pamantayang gaya ng pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran at seguridad para mapataas ang kalidad at episyensiya ng pamumuhunan.

 

Wen Jiabao: Patatatagin at palalakasin ang katayuan ng agrikultura:

Pahahalagahan ang mga gawain hinggil sa agrikultura, kanayunan at mga magsasaka, at pasusulungin ang modernisasyon ng agrikultura at patatatagin at pauunlarin ang mainam na kalagayan ng agrikultura at kanayunan. Igagarantiya ang pagsuplay ng mga produktong agrikultural at palalakihin ang kita ng mga magsasaka sa maraming tsanel. Komprehensibong palalakasin ang konstruksyon ng imprastruktura sa agrikultura at kanayunan; puspusang pabubutihin ang kondisyon ng produksyon at pamumuhay sa kanayunan, at puspusang magsisikap para mapasulong ang mainam na pamumuhay sa lupang-tinubuan para sa mga magsasaka. Daragdagan ang laang-gugulin sa agrikultura, kanayunan at mga magsasaka, at pabubutihin ang mga patakaran ng pagbibigay-pakinabang sa mga magsasaka. Palalalimin ang reporma sa kanayunan, at palalakasin ang kasiglahan sa kanayunan. Igigiit at pabubutihin ang mga pundamental na sistema sa kanayunan. Ang paglutas sa pagpapakain ng 1.3 bilyong mamamayang Tsino ay palagiang pinakamahalagang tungkulin, at may kompiyansa at kakayahan ang pamahalaan sa paglutas sa isyung ito.

 

Wen Jiabao: Pabibilisin ang pagpapasulong ng estratehikong pagsasaayos sa estrukturang pangkabuhayan:

Ito ang pangunahing tungkulin sa pagbabago ng porma ng pagpapaunlad ng kabuhayan. Isasaayos at pabubutihin ang estruktura ng industriya, pabibilisin ang pagtatatag ng modernong sistema ng industriya, at pasusulungin ang pagbabago ng industriya. Una, palalakasin ang pagbabago sa manufacturing industry. Ikalawa, pabibilisin ang pagpapaunlad ng estratehikong bagong industriya. Ikatlo, puspusang pauunlarin ang industriya ng serbisyo. Ika-apat, palalakasin ang konstruksyon ng industriya ng modernong enerhiya at komprehensibong sistema ng transportasyon.

 

Wen Jiabao: Pasusulungin ang koordinadong pag-unlad ng iba't ibang rehiyon ng bansa. Komprehensibong isasakatuparan ang iba't ibang plano ng pagpapaunlad ng mga rehiyon. Dapat igiit ang pagpapauna ng pagsasagawa ng estratehiya ng paggagalugad sa dakong kanluran sa pangkalahatang estratehiya ng pagpapaunlad ng iba't ibang rehiyon. Aktibo at maayos na pasusulungin ang pagsasalunsod, igigiit ang pagtahak sa landas ng pagsasalunsod na may katangiang Tsino, at pasusulungin ang malusog na pag-unlad ng pagsasalunsod. Palalakasin ang pagtitipid ng enerhiya at konstruksyong ekolohikal, at aktibong haharapin ang pagbabago ng klima. Palalakasin din ang konstruksyon ng kakayahan sa pagharap sa pagbabago ng klima, itatatag at pabubutihin ang sistema ng pagmo-monitor sa pagbuga ng greenhouse gas at pagtitipid ng enerhiya, at pagbabawas ng emisyon.

 

Wen Jiabao: Puspusang isasagawa ang estratehiya ng pagpapa-ahon ng bansa sa pamamagitan ng siyensiya't teknolohiya at pagpapalakas ng bansa sa pamamagitan ng mga talento. Ang siyensiya't teknolohiya, edukasyon at talento ay ang pundasyon ng pag-unlad ng estado, at dapat laging ilagay ang mga ito sa mahalagang estratehikong puwesto.

 

Wen Jiabao: Ipapauna ang pagpapaunlad ng edukasyon. Pasusulungin ang siyentipikong pag-unlad ng usapin ng edukasyon, at ipagkakaloob sa sambayanan ang edukasyon na mas marami ang porma, may pantay at may mataas ang kalidad.Komprehensibong palalakasin ang gawaing pantalento. Pabibilisin ang paghubog ng mga mapanlikhang talentong pansiyensiya't panteknolohiya.Puspusang pasusulungin ang inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya. Pabibilisin ang pagsasagawa ng masususing proyektong pansiyensiya't panteknolohiya ng estado at patataasin ang kakayahan ng inobasyon.

 

Wen Jiabao: Palalakasin ang konstruksyong panlipunan at pagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan. Kasabay ng pag-unlad ng kabuhayan, dapat bigyan ng mas malaking pagpapahalaga ang konstruksyong panlipunan at paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Dapat tayong buong sikap na palawakin ang hanap-buhay at patuloy na isasagawa ang mas proaktibong patakaran ng hanap-buhay. Ayon sa plano, sa taong ito, ilalaan ng pinansiyang sentral ang 42.3 bilyong Yuan para mapasulong ang hanap-buhay. Bukod dito, igagarantiya rin ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa alinsunod sa batas.

 

Wen Jiabao: Makatwirang isasaayos ang pagbabahagi ng kita. Ito ay hindi lamang isang pangmatagalang tungkulin, kundi maging pangkagipitang gawain sa kasalukuyan. Sa taong ito, isasagawa ang tatlonghakbangin hinggil dito: Una, buong sikap na patataasin ang pundamental na kita ng mga low-income na mamamayan sa mga lunsod at nayon. Ikalawa, palalakasin ang pagsasaayos ng pagbabahagi ng kita. Ikatlo, malakas na isasaayos ang kaayusan ng pagbabahagi ng kita, at buong tatag na ipagbabawal ang ilegal na kita. Pabibilisin ang pagpapabuti ng sistema ng garantiyang panlipunan (social security system) na sumasaklaw sa sambayanang Tsino. Palalawakin sa 40% ng county ng buong bansa ang saklaw ng rural pension trial program.

 

Wen Jiabao: Buong tatag na pabubutihin ang pagsasaayos sa real estate market. Una, ibayo pang palalawakin ang saklaw ng konstruksyon ng mga pabahay para sa mga mamamayang mababa ang kita na gaya ng public rental housing. Ikalawa, ibayo pang isasakatuparan at pabubutihin ang patakaran ng pagsasaayos at pagkontrol sa real estate market, at buong tatag na pipigilan ang tunguhin ng labis na pagtaas ng presyo ng pabahay sa ilang lunsod. Ikatlo, itatatag at pabubutihin ang mga may kinalamang sistema at mekanismo sa pagsasabalikat ng tungkulin sa pagkontrol at pagsasaayos sa real estate market ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas.

 

Wen Jiabao: Pasusulungin ang reporma sa usaping medikal at pangkalusugan. Una, komprehensibong isasagawa ang pundamental na sistema ng medisina ng estado sa nakakababang yunit. Ikalawa, pabubutihin ang reporma sa mga public hospitals. Ikatlo, patataasin ang lebel ng paggarantiya sa pundamental na serbisyong medikal. Ika-apat, tatapusin ang tungkulin ng konstruksyon ng mga health care network sa kanayunan at mga community health service sa mga lunsod. Ikalima, hihikayatin ang pondong panlipunan sa pagbubukas ng organong medikal. Komprehensibong pabubutihin ang gawaing pangpopulasyon at pagpaplano sa pamilya. Aktuwal na pangangalagaan ang karapatan at kapakanan ng kababaihan at menor de edad, at pabibilisin ang pagtatatag at pagpapabuti ng sistema ng serbisyong panlipunan para sa mga matatanda.

 

Wen Jiabao: Palalakasin ang pamamahala sa lipunan. Palalakasin ang tungkulin ng pamahalaan sa pamamahala sa lipunan, at malawakang hihikayatin at oorganisahin ang mga mamamayan sa pakikilahok sa pangangasiwa sa lipunan alinsunod sa batas, at patitingkarin ang positibong papel ng mga organisasyong panlipunan at pabubutihin ang kayarian ng pangangasiwa sa lipunan. Pabubutihin din ang sistema ng pagharap sa mga biglaang insidente at patataasin ang kakayahan ng buong lipunan sa pamamahala sa krisis at pakikibaka laban sa panganib. Dapat ilagay ng pamahalaan sa iba't ibang antas ang pangangasiwa sa lipunan at serbisyong pampubliko sa mas mahalagang puwesto para totohanang malutas ang mga problema ng mga mamamayan.

 

Wen Jiabao: Puspusang palalakasin ang konstruksyon ng kultura. Mas malalim at pangmatagalan ang impluwensiya ng kultura sa Nasyon at estado. Dapat bigyan ng mas mainam na kasiyahan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa kultura, at dapat patingkarin ang papel ng kultura sa pagbibigay-patnubay sa lipunan at pagpapasulong ng pag-unlad. Palalakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungang pangkultura at pampalakasan sa ibang bansa at walang humpay na palalawakin ang impluwensiyang pandaigdig ng Kulturang Tsino.

 

Wen Jiabao: Malalimang pasusulungin ang reporma sa mga mahalagang larangan.

Patuloy na pasusulungin ang estratehikong pagsasaayos sa pambansang kabuhayan, at pabubutihin ang kayarian ng mga ari-arian ng estado, palalakasin ang superbisyon at pamamahala sa ari-arian ng estado sa ibang bansa, patuloy na hihikayatin at kakatigan ang pag-unlad ng non-public economy, palalakasin at pabubutihin ang superbisyon at pamamahala sa pinansiya, at itatatag at pabubutihin ang sistema ng pagpigil at pagbabala sa pinansiyal na panganib.

 

Wen Jiabao: Ibayo pang patataasin ang lebel ng pagbubukas sa labas.

Ang pag-unlad ng Tsina ay hindi maihihiwalay sa daigdig. Dapat aktibong paunlarin ang bilateral at multilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan na may mutuwal na kapakinabangan, at dapat walang humpay na palawakin ang larangan at espasyo ng pagbubukas. Patuloy na pasusulungin ang Doha Round Talks at tututulan ang proteksiyonismo sa iba't ibang porma, at pasusulungin ang pag-unlad ng pandaigdigang kaayusan sa mas makatwiran at pantay na direksyon. Aktuwal na babaguhin ang porma ng pagpapaunlad ng kalakalang panlabas. Patuloy na patitingkarin ang bentahe ng yamang lakas-manggagawa, at babawasan ang konsumo ng enerhiya at iba pang yaman sa pamamagitan ng pagdaragdag ng pag-aangkat mula sa mga pinaka-di-maunlad na bansa ay mula sa mga bansang dayuhan na may trade deficit sa Tsina. Unti-unting pabubutihin ang situwasyon ng di-balanseng kalakalan, at maayos na hahawakan ang alitang pangkalakalan.

 

Wen Jiabao: Pasusulungin ang koordinadong pag-unlad ng pamumuhunan sa labas at paggamit ng pondong dayuhan. Hihikayatin ang mga bahay-kalakal sa aktibo at maayos na pagsasagawa ng negosyo sa ibang bansa. Palalakasin ang pangkalahatang patnubay sa pamumuhunan sa labas. Aktibong igigiit ang patakaran ng aktibo at mabisang paggamit ng pondong dayuhan, pahahalagahan ang pagpapapasok ng advanced technology at talento, hihikayatin ang mga transnasyonal na bahay-kalakal sa pagtatatag ng sentro ng R&D sa Tsina, at aktuwal na patataasin ang pangkalahatang lebel at komprehensibong episyensiya ng paggamit ng pondong dayuhan.

 

Wen Jiabao: Palalakasin ang konstruksyon ng malinis na administrasyon at mga gawain sa palaban sa korupsiyon. Una, mahigpit na parurusahan ang mga manggagawa ng pamahalaan na gumagawa ng korupsiyon. Ikalawa, aktuwal na palalakasin ang self-discipline ng mga opisyal ng pamahalaan sa iba't ibang antas at ang pag-a-audit at pagmomonitor sa kanilang kita, pabahay, pamumuhunan, at hanap-buhay at pandarayuhan sa ibayong dagat ng kanilang kapamilya. Ikatlo, pabibilisin ang pagsasagawa ng pagbubukas sa publiko ng fiscal budget ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas..

 

Wen Jiabao: Mga kinatawan!

Buong tatag nating isasagawa ang patakaran ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema", "pamamahala ng mga taga-HK sa HongKong", "pamamahala ng mga taga-Macao sa Macao" at mataas na awtonomiya para puspusang kakatigan ang dalawang Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hongkong at Macao sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mamamayan. Susuportahan natin ang Hongkong sa pagpapatibay at pagpapataas ng katayuan nito bilang senetro ng pinanisya, kalakalan at abiyasyon sa daigdig. Susuportahan din natin ang Macao sa pagtatatag ng sentro ng paglalakbay at libangan sa daigdig. Lubos nating patitingkarin ang espesyal na papel ng Hongkong at Macao sa pangkalahatang estratehiya ng pagpapaunlad ng estado. Igigiit natin ang iba't ibang patakaran sa pagpapaunlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits at ang mapayapang reunipikasyon ng inangbayan. Patuloy din nating pasusulungin ang pagsasanggunian ng magkabilang pampang at aktibong isasakatuparan ang balangkas ng kasunduan ng kooperasyong pangkabuhayan ng magkabilang pampang, at palalakasin ang kooperasyon sa industriya at palalakasin ang kooperasyon sa mga modernong industriya ng serbisyo. Palalalimin ang pagtitiwalaang pulitikal ng magkabilang pampang, at patitibayin ang pundasyong pulitikal ng mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang at magkasamang pangangalagaan ang mainam na situwasyon ng mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang. Naniniwala kaming kung magkakasamang magsisikap ang buong Nasyong Tsino, tiyak na maisasakatuparan ang daking usapin ng mapayapang reunipikasyon ng inangbayan!

 

Wen Jiabao: Mga kinatawan!

Sa bagong taon, igigiit namin ang nagsasarili at mapayapang patakarang panlabas, at igigiit ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, igigiit ang estratehiya ng pagbubukas sa labas, at igigiit ang pagpapasulong ng pagtatatag ng may harmoniyang daigdig na may pangmalayuang kapayapaan at komong kasaganaan para makalikha ng mas mainam na kapaligiran at kondisyong panlabas sa konstruksyon ng modernisasyon ng bansa. Pananatilihin naming ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon sa mga pangunahing malaking bansa, at aktibong pasusulungin ang diyalogo at kooperasyon, at palalawakin ang komong kapakanan at pundasyong pangkooperasyon. Palalalimin ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa mga kapitbansa at pasusulungin ang proseso ng kooperasyong panrehiyon. Palalakasin ang tradisyonal na relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa mga umuunlad na bansa at ibayo pang isasakatuparan at palalawakin ang bunga ng kooperasyon, at pasusulungin ang inobasyon ng porma ng kooperasyon at ang konstruksyon ng mekanismo. Aktibong isasagawa ang multilateral na diplomasiya, at sa mga pangunahing platapormang gaya ng G20 Summit, palalakasin ang koordinasyon sa macro-economy policy at pasusulungin ang reporma sa sistemang pinansiyal ng kabuhayang pandaigdig, at pasusulungin ang malakas, sustenable at balanseng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at patitingkarin ang konstruktibong papel sa pagpapasulong ng paglutas sa mga maiinit na isyu at isyung pandaigdig, at isasakatuparan ang responsibilidad at obligasyong pandaigdig. Nakahanda ang pamahalaan at mga mamamayang Tsino na magsikap kasama ng komunidad ng daigdig, para magkakasamang harapin ang panganib at hamon at magkakasamang magtamasa ng pagkakataon sa pag-unlad upang makapagbigay ng bagong ambag sa banal na usapin ng kapayapaan at kaunlaran ng buong sangkatauhan