Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kuwento ni Joshua sa Sichuan--Episode3

(GMT+08:00) 2011-04-20 15:42:27       CRI

Ang pangunahing layunin ng aking paglalakbay sa Sichuan ay upang obserbahan ang malaking pinagkaiba ng mga lugar ng kalamidad mula nang ito'y ayusin matapos yanigin ng malakas na lindol. Umagang umaga ng aking ikalawang araw, tumungo na kami sa Aba prefecture upang dumayo sa opening ceremony ng 2011 Sichuan International Tourism Festival. Dalawang oras din alayo nito mula sa aming tinitirhan.

Sa kalsadang patungo sa paroroonan, punong puno ng mga lokal residente na nakasuot ng mga tradisyonal at makukulay na damit. Ang iba'y sumsayaw habang ang iba nama'y kumakaway bilang pagwelkom sa aming pagdating.

Mahigit 600 din ang naimbitahang dumalo sa nasabing seremonya na kinabibilangan ng mga lider ng tourism department ng 31 na probinsya ng Tsina, kasama ang Hongkong, Macao at Taiwna, mga representative mula sa travel agencies ng mahigit 60 bansa at mga media sa loob at labas ng bansa. at Sa opening ceremony isa sa mga nagbigay ng paunang mensahe si Executive Director Zoltan Somogya ng UN World Tourism Organization. Aniya, nanatiling malakas ang industriya ng turismo sa mga bansang Asia-Pasipiko, at ang turismo ay nakakahikayat ng mas madaming trabaho at pera para sa bansa, kaya't nararapat lamang suportahan ang 2011 Sichuan International Tourism Festival, upang maipakita kung ano ang nagagawa ng industriyang turismo sa Socio-economic development formation. Matapos ang seromonyang ito imunpisahan na naming isa isahin ang ilan sa mga lugar na lubhang naapektuhan sa naganap na lindol noong 2008.

Una naming pinuntahan ang Shui Mo Town. Iba't ibang klaseng attraksyon ang inihanda ng mga lokal na residente para sa mga bisita. Madami sa kanila ay nakasuot ng tradisyonal na pananamit habang sumasayaw o tumutogtug. Lalo silang ginaganahang tumugtog at sumasayaw kapag may mga dayuhang nais silang kunan ng litrato, at sila din nama'y tuwang tuwang magpakuha ng litrato sa mga dayuhan. Ang tugtog na naririnig niyo sa kasalukuyan ay ang mga musikang nanggaling sa mga tradisyonal na instrumenting gamit ng mga lokal na residente dito. (audio) napakasarap nitong pakinggan. Sa aking nakita, sa maliit na syudad ng Shui Mo halos wala na ang bakas ng lindol, ngunit makikita mo pa din ang ibang lugar ay kasalukuyang inaayos.

Ang ikalawang lugar na aming pinuntahan ay ang Muotuo town ng Mao County. May isang napakahabang bridge kang dadaanan bago makaabot sa Muotuo town. Dito nama'y makikita mo ang ilang mga watchtowers na binuo noong makalumang panahon. Ang mga ito daw ay mga taguan nila sa oras ng digmaan. Ganoon din madaming mga lokal residente ang nagwelkom sa amin sabay ng pagkanta. Sa aking panayam sa aming tour guide na si Jodie, malaki ang pinagbago ng maliit na town na ito, noo'y naghihirap talaga ang mga tao dahil nga nakatira sila sa may bundok, malayo sa sibilisasyon, pero ngayon, dahil bukas na ito sa madla bilang isang tourist destination sa Sichuan, mas malaki na ang kinikita nila at mas nabubuhay na sila ng masagana hindi tulad ng dati. May iba pa nga'y ginagawang inn ang kanilang bahay. 60 milyon yuan din daw ang ginastos para lang mapagawa ang Muotuo town.

Sa huli naming destinasyon, dumayo kami sa isang middle school na kung saan kitang kita ang bakas na iniwan ng lindol. Sirang sira ang mga gusali. Ginunita naming dito ang mga namatay na mga estudyante at guro sa eskwelahang ito nang naganap ang lindol sa pamamagitan ng pagbibigay ng bulaklak. Sa aking palagay mas matibay na ang mga gusaling itinayo sa tulong ng gobyerno dito sa Aba prefecture at sana'y hindi na ito maulit muli.

Pumanhik na kami sa aming hotel upang magpahinga. Bukas ay samahan niyo ulit ako sa patuloy kong paglakbay sa Sichuan. Ito po si Joshua. Magandang Gabi.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>