Binuksan sa Beijing ang ika-5 sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina.
Babasahin ni Premyer Wen Jiabao ang Government Work Report.
Mga deputado,
Ngayon, sa ngalan ng Konseho ng Estado, babasahin ko ang Government Work Report para suriin ng mga kinatawan ang ulat na ito, at magharap ng kuru-kuro o mungkahi ang mga kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC.
Pagsariwa sa mga gawain noong 2011
Noong isang taon, sa harap ng masalimuot at pabagu-bagong kapaligirang pulitikal at ekonomiko sa buong mundo at napakahirap na tungkulin ng pagrereporma at pag-unlad sa loob ng bansa, magkakasamang nagsikap ang mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad sa buong Tsina sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, at nakakuha ng mga bago't mahahalagang tagumpay ang reporma't pagbubukas at sosyalistang modernisasyon. Umabot sa 47.2 trilyong yuan RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob o GDP na lumaki nang 9.2% kumpara sa noong 2010; 10.37 trilyong yuan RMB ang pampublikong kitang piskal na lumaki nang 24.8%; 570 milyong tonelada naman ang output ng pagkaing-butil, na muling naging rekord a kasaysayan; ang bilang ng mga taong may trabaho sa mga lunsod at bayan ay lumaki ng 12.21 milyon, at kapuwa lumaki ng 8.4% at 11.4% ang karaniwang magagamit na kita ng mga residente sa lunsod at bayan at karaniwang netong kita ng mga residente sa kanayunan. Pinatibay at pinalawak namin ang natamong bunga ng pagharap sa impact ng pandaigdig na krisis na pinansiyal, at naisakatuparan ang mainam na pagsisimula ng ika-12 panlimahang taong plano.
Narito ang mga pangunahing ginawa namin nitong nakalipas na isang taon:
Una, napalakas at napabuti ang makro-kontrol, napigilan ang labis na mabilis na pagtaas ng presyo ng mga paninda, at naisakatuparan ang matatag at may kabilisang pag-unlad ng kabuhayan. Isinagawa namin ang proaktibong patakarang pinansiyal at malusog at matatag na patakarang pansalapi, at iginiit ang tumpak na paghawak sa relasyon sa pagitan ng pagpapanatili ng matatag at may kabilisang paglago ng kabuhayan, pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan, at pangangasiwa sa ekspektasyon ng implasyon. Sa ilalim ng matinding kalagayan na walang tigil na lumalakas ang ekspektasyon ng implasyon sa buong mundo, nanatiling mataas ang presyo ng mga malalaking paninda sa pamilihang pandaigdig, malinaw na tumaas ang halaga ng mga pangunahing factors of production sa loob ng bansa, at kapos sa suplay ang ilang produktong agrikultural, ginawang pinakamahalagang tungkulin ng makro-kontrol namin ang pagpapatatag ng pangkalahatang lebel ng presyo ng mga paninda, isinagawa ang mga komprehensibong patakaran, isinaayos ang bilis ng currency credit sa pamamagitan ng makatwirang paggamit ng patakarang pansalapi, buong lakas na pinaunlad ang produkson, iginarantiya ang suplay, pinasigla ang sirkulasyon, at pinalakas ang pagsusuperbisa't pangangasiwa, sa gayo'y unti-unting bumaba ang Consumer Price Index (CPI) at Producer Price Index (PPI) mula noong nagdaang Agosto. Noong huling hati ng nagdaang taon, dumami ang mga di-matatag at di-tiyak na elemento sa kabuhayang pandaigdig, at lumitaw ang ilang bagong problema sa takbo ng kabuhayang panloob. Sa isang banda, iniadhere namin ang pundamental na direksyon ng makro-kontrol, napanatili ang katatagan sa kabuuan ng macro-economy policy, at patuloy na kinontrol ang implasyon; at sa kabilang banda naman, pinalakas ang pagkokoordinahan ng patakaran sa kredit at patakarang industriyal, pinag-ibayo ang pagbabawas ng buwis, kinatigan, pangunahin na, ang substantial economy, lalung lalo na, mga maliit na bahay-kalakal, ipinauna ang mga proyektong may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan, lalung lalo na, ang government subsidized housing project, iginarantiya ang pangangailangan ng pondo ng mga mahahalagang proyekto ng bansa, at niresolba ang mga namumukod na kontradisyon sa takbo ng kabuhayan. Buong tatag kaming nagpalakas ng pagsasaayos at pagkontrol sa real estate market, at nagsuperbisa sa aktuwal na bisa ng mga patakaran ng pagsasaayos at pagkontrol. Mataas na pinahahalagahan namin ang pagpigil at pagpapawi ng mga nakatagong panganib sa larangan ng pananalapi at pinansya, at napapanahong isinagawa ang komprehensibong pag-au-audit sa utang ng mga pamahalaang lokal. Sa kasalukuyan, makontrol at ligtas ang lebel ng pampamahalaang utang ng Tsina. Sa kabuuan, patuloy na umuunlad ang pambansang kabuhayan tungo sa inaasahang direksyon ng makro-kontrol, walang humpay na lumalakas ang kakayahan sa pagpigil sa panganib, at lumitaw ang mainam na tunguhin ng may kabilisang paglaki, pagiging matatag ng presyo, medyo magandang episiyensiya, at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ika-2, pinabilis namin ang pagbabago ng pamamaraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan, pinalakas ang koordinasyon ng kaunlaran at kakayahang kompetetibo ng industriya. Sa ilalim ng pagkatig at pagkontrol namin, napasulong ang pagsasaayos at pag-a-upgrade ng estruktura.
Pinatibay at pinalakas ng pamahalaan ang pundasyon ng agrikultura. Lumampas na sa 1 trilyong yuan RMB ang gugulin ng pinansyang sentral sa agrikultura, kanayunan at magsasaka, na lumaki ng 183.9 bilyon yuan kumpara sa noong taong 2010. Masagana ang ani ng pagkaing-butil, naisakatuparan ang tuluy-tuloy na ika-8 taon ng paglaki ng kabuuang output ng pagkaing-butil, at tuluy-tuloy na ika-5 taon ng paglampas sa 1 trilyong jin (kalakating kilo). Ang mga natamong bungang ito ay palatandaang pumasok na sa bagong lebel ang komprehensibong kakayahan ng produksyon ng pagkaing-butil ng Tsina.
Pinabilis din namin ang pagpapabuti at pag-a-upgrade ng estruktura ng industriya. Puspusang nagdebelop ang Tsina ng mga estratehikong bagong-sibol na industriya, mabilis na umuunlad ang industriya ng bagong enerhiya, bagong materiyal, biomedisina, pagyari ng sulong na kagamitan, at sasakyang de motor ng bagong enerhiya, at bumibilis ang hakbang ng mga pilot project ng pagpapakaisa ng telecommunications network, radio and television broadcasting network at internet, cloud computing at iba pa. May bagong progreso naman ang pag-mer-merge at pagrereorganisa ng mga bahay-kalakal. Inilaan ng sentral budget ang 15 bilyong yuan RMB para katigan ang mahigit 4000 proyektong may kinalaman sa pag-aahon ng industriya at pagbabago ng teknolohiya, at nagbunga ito ng 300 bilyong yuan RMB na pamumuhunan.
Pinasulong namin ang pagtitipid ng enerhiya, pagbabawas ng emisyon at pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal. Isinapubliko at pinairal namin ang plano sa komprehensibong gawain ng pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng emisyon sa panahon ng ika-12 panlimahang taon plano, plano sa gawain ng pagkontrol sa pagbuga ng greenhouse gas, at dokumento tunkgol sa pagpapalakas ng mga pangunahing gawain ng pangangalaga sa kapaligiran. Pinag-ibayo ang pagsasaayos at pagkontrol sa mga industriyang may mataas na energy consumption at emisyon, at labis na production capacity, pinaalis ang 150 milyong toneladang atrasadong produksyon ng simento, 31.22 milyong toneladang atrasadong produksyon ng bakal, at 19.25 milyong toneladang atrasadong produksyon ng coke. Isinagawa ang proyekto sa ika-2 yugto ng pangangalaga sa natural forest at pinataas ang pamantayan ng pagbibigay-subsidy. Isinagawa rin ang patakaran sa paggantimpala ng pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ng damuhan at pilot project ng pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ng lawa. Mahigit 6.13 milyong hektaryang kagubatan ang itinanim noong isang taon.
Pinasulong namin ang koordinadong pag-unlad ng kabuhayang panrehiyon. Malaliman kaming nagsagawa ang pangkalahatang estratehiya ng kaunlarang panrehiyon at pagpaplano ng punksyon ng mga pangunahing sona sa buong bansa. Nagtakda at nagsagawa ng isang serye ng mga patakarang preperensiyal sa pagpapasulong ng pag-unlad ng ilang lugar na gaya ng mga rehiyong awtonomo ng Tibet at Xinjiang. Nagtakda ng plataporma ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap at paggagalugad ng kanayunan at plano sa pagpapayabong ng mga purok-hanggahan at mga mamamayan doon. Ibayo pang napalakas ang koordinasyon ng kaunlarang panrehiyon. Kapuwa mas mataas kaysa karaniwang lebel ng buong bansa ang bilis ng paglaki ng mga pangunahing indeks na pangkabuhayan sa gawing gitna, kanluran at hilagang silangan. Napabilis ang hakbang ng pagbabago at pag-a-upgrade ng industriyal sa dakong silangan. Matagumpay na naisakatuparan ang tungkulin ng pagpapanumbalik at rekonstruksyon pagkaraan ng super-lindol sa Wenchuan ng Lalawigang Sichuan, at aktibong pinasulong ang relief works at rekonstruksyon sa Yushu ng Lalawigang Qinghai, Zhouqu ng Lalawigang Gansu at Yingjiang ng Lalawigang Yunnan.
Ika-3, puspusang pinaunlad ang mga usaping panlipunan, at pinasulong ang koordinadong pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Pinag-ibayo ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas ang laang-gugulin sa mga usapin ng siyensiya't teknolohiya, edukasyon, kultura, kalusugan at palakasan, at umabot na sa 2.82 trilyong yuan RMB ang guguling pinansiyal sa buong bansa.
Tuloy-tuloy na nagpataas ang Tsina ng kakayahan sa inobasong pansiyensiya't panteknolohiya. Nagpalakas ng mga pundamental na pananaliksik at pananaliksik sa mga sulong na teknolohiya. Ipinatupad ang mga mahahalaga at malalaking espesiyal na proyektong pansiyensiya't panteknolohiya ng estado, at natamo ang breakthrough sa ilang masusi at nukleong teknolohiya. Ang magkasunod na paglulunsad at maalwang pagdaong ng "Tiangong-1" space lab module at "Shenzhou-8" spacecraft ay nagsilbing bagong mile stone sa kasaysayan ng manned space activities ng Tsina.
Matibay na nagpasulong kami ng katarungan ng edukasyon. Malalimang ipinatupad ang plano sa reporma at pag-unlad ng edukasyon. Pagkaraan ng 25 taong pagsisikap, komprehensibong naisakatuparan ang target ng pagpapalaganap ng 9 na taong compulsory education at pagpapawi ng mga kabataang illiteracy. Inisiyal na nalutas ang problema ng pagtanggap ng mga anak ng rural labourers ng compulsory education sa lunsod. Pinasulong ang plano sa aksyon ng 3-taon na preschool education. Buong lakas na pinaunlad ang vocational education. Pinataas ang kalidad ng mga guro sa mababa at mataas na paaralan.
Puspusang pinalakas namin ang kontruksyon ng kultura. Pinag-ibayo ng pinansiyang sentral ang pagkatig sa proyekto ng pakikinabang ng mga mamamayan sa kultura, at malinaw na naragdagan ang laang-gugulin ng iba't ibang lugar sa usaping kultural sa kalinangang pampubliko. Pinalawak ang saklaw ng libreng pagbubukas ng mga pampublikong instalasyong kultural. Patuloy na pinasulong ang reporma sa sistema ng kultura, at pinabilis ang pag-unlad ng industriyang kultural. Nagkaroon ng mahalagang progreso ang pangangalaga sa relikyang pangkultura, at pangangalaga't pagmamana ng intangible cultural heritage.
Aktibo't maayos na pinasulong namin ang reporma at pag-unlad ng usaping medikal at pangkalusugan. Patuloy na lumawak ang pagsaklaw ng pundamental na segurong medikal, 1.3 bilyong residente sa mga lunsod at nayon ang nakikisangkot dito, at inisiyal na nabuo ang pambansang sistema ng segurong medikal. Ang pundamental na sistema ng gamot ay sumaklaw sa lahat ng mga organong medikal at pangkalusugan sa nakabababang yunit, napataas ang kaligtasan, pero napababa ang presyo ng mga pundamental na gamot. Maayos na sumulong ang pilot project ng pagrereporma ng mga ospital na pampubliko. Naitatag sa kabuuan ang sistema ng serbisyong medikal at pangkalusugan sa nakabababang yunit. Nakakuha ng bagong progreso ang pagkakapantay-pantay ng pundamental na pampublikong serbisyong pangkalusugan.
Ika-4, totohanang iginarantiya at pinabuti namin ang pamumuhay ng mga mamamayan, niresolba ang mga problemang may kinalaman sa aktuwal na interes ng mga mamamayan. Naggiit kami sa pagpapauna ng pamumuhay ng mga mamamayan, nagsikap para pakinabangan ng lahat ng mga mamamayan ang bunga ng pag-unlad, at nagpasulong ng katarungan ng lipunan.
Isinagawa namin ang mas positibong patakaran sa hanap-buhay. Idinebelop ang mga puwesto ng trabaho sa pamamagitan ng iba't ibang tsanel, buong lakas na inenkorahe ang pagsisimula ng sariling negosyo, pinalakas ang pagsasanay sa mga kakayahang bokasyonal at konstruksyon ng sistema ng serbisyong pampubliko ng hanap-buhay. Pinag-ibayo ang pagkatig sa mga aspektong gaya ng pananalapi, buwis, pinansiya at iba pa, pinahalagahan ang pagpapasulong ng hanap-buhay ng mga college graduates, rural labourers at iba pa. 77.8% college graduates ang naghanap ng trabaho na lumaki nang 1.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. 253 milyon ang kabuuang bilang ng mga rural labourers na lumaki ng 4.4% kumpara noong 2010.
Aktibo naming isinaayos ang relasyon ng distribusyon ng kita. Puspusang pinataas ang kita ng mga mamamayan na mababa ang kita. Naging pinakamataas sapul noong 1985 ang aktuwal na paglaki ng karaniwang netong kita ng mga residente sa kanayunan, at ang datos na ito ay mas mataas kaysa ganitong datos ng mga residente sa lunsod at bayan nitong nakalipas na 2 taong singkad. Unibersal na pinataas nang malaki ng iba't ibang lugar ang pamantayan ng pinakamababang kita. Itinatag ang mekanismo na ang pamantayan ng pagbibigay ng tulong at segurong panlipunan ang may direktang kaugnayan sa pagtaas ng presyo ng mga paninda. Pinalawak ang proporsyon ng mga mamamayang katamtaman ang kita. Pinataas ang pinakamababang babayarang individual income tax sa 3500 yuan RMB mula sa 2000 yuan noon. Pinababa ang buwis ng mahigit 9 na milyong pribadong manlalako. Ipinasiya ng pamahalaang sentral na gawing bagong pamantayan ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap ng bansa ang 2300 yuan RMB na karaniwang netong kita ng mga magsasaka. Nagsilbing napakalaking progreso ng lipunan ang paglakip ng mas maraming populasyon sa kanayunan na mababa ang kita sa saklaw ng pagbibigay-tulong.
Pinalakas namin ang konstruksyon ng sistema ng segurong panlipunan. Patuloy na lumawak ang paglaganap ng segurong panlipunan, at tumaas nang malaki ang bilang ng mga nakikisangkot sa pundamental na endowment insurance, employment insurance, industrial injury insurance at fertility insurance sa mga lunsod at bayan sa buong Tsina. Walang tigil na kumukumpleto ang sistema ng segurong panlipunan, at nagi itong mahalagang tagumpay ng pagpapasulong ng pagkakapantay-pantay ng pundamental na serbisyong pampubliko.
Buong lakas na pinasulong namin ang konstruksyon ng low-income housing. Itinakda ang mga patnubay at kuru-kuro hinggil sa konstrukson at pangangasiwa sa low-income housing. Kinumpleto ang patakaran sa mga aspektong gaya ng laang-guguling pinansiyal, suplay ng lupa, pagkatig sa kredit, pagbabawas at pag-aalis ng buwis at iba pa. Ipinauna ang pagpapataas ng kalidad ng proyekto. Itinakda ang regulasyon at paraan ng distribusyon at pangangasiwa sa low-income housing. Inilaan ng pinansiyang sentral ang 171.3 bilong yuan RMB na pondo, naitatag ang 4.32 milyong low-income housing sa mga lunsod at bayan sa buong taon, at 10.43 milyon naman ang mga bagong itinatatag na low-income housing.
Masipag na pinangalagaan namin ang seguridad na pampubliko ng lipunan. Pinalakas ang pagsusuperbisa at pangangasiwa sa kaligtasan ng produksyon, at pinabuti ang mga gawain ng paghawak, pag-iimbestiga at akwontabilidad ng mga lubhang aksidente. Kinumpleto ang sistema at mekanismo ng pagsusuperbisa't pamamahala sa kaligtasan ng pagkain, at binigyang-dagok ang aksyon ng ilegal na paggamit ng food additives at ilegal na pagpoprodyus at pagpoproseso. Niresolba ang iba't ibang uri ng kontradisyong panlipunan, pinarusahan ang mga ilegal na krimen ayon sa batas, at pinatili ang harmoniya't katatagan ng lipunan.
Ika-5, malalimang pinasulong namin ang reporma't pagbubukas, pinatingkad ang bagong kasiglahan at lakas-panulak sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Batay sa tungkulin ng reporma na iniharap ng ika-12 panlimahang taong plano, pinasulong namin ang reporma sa mga pangunahing larangan at masusing elemento.
Kinumpleto namin ang sistema ng pananalaping pampubliko, lalung lalo na, ang sistema ng pangangasiwa sa budget, inilakip sa pangangasiwa ang lahat ng mga pondo sa labas ng budget. Malawakang isinagawa ang budget sa pamamlakad ng kapital na ari ng estado, pinalalim ang reporma sa budget ng mga departamento, at pinasulong ang pagbubukas ng budget ng pamahalaan. Pinalawak ang RMB settlement ng kalakalang transnasyonal sa buong bansa, sinimulan ang pilot project ng RMB settlement ng direktang pamumuhunan sa ibayong dagat, at isinagawa ang negoso ng RMB settlement ng direktang pamumuhunang dayuhan.
Sa pamamagitan ng pagpapahalaga ng pag-aangkat at pagluluwas at paggamit ng puhunang dayuhan at pamumuhunang panlabas, komprehensibong pinataas namin ang lebel ng bukas na kabuhayan. Aktibong pinasulong ang estratehiya ng pagkakaiba-iba ng pamilihan, masipag na pinabuti ang estruktura ng kalakalan. Noong nagdaang taon, 3.64 trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga paninda na lumaki ng 22.5%; kabilang dito, lumaki ng 20.3% ang pagluluwas, 24.9% naman ang paglaki ng pag-aangkat, at ibayo pang bumaba ang trade surplus. 116 bilyong dolyares ang direktang pamumuhunang dayuhan na aktuwal na ginamit namin, at may pagtaas ang proporsyon ng industriya ng serbisyo at gawing gitna at kanluran. Aktibo kaming nakisangkot panrehiyon at pandaigdig na kooperasyong pangkabuhayan, at patuloy na lumalalim ang bilateral at multilateral na relasong pangkabuhaya't pangkalakalan.
Kapansin-pansin din ang natamong progreso ng Tsina sa mga aspektong gaya ng konstruksyon ng demokrasya at sistemang pambatas, konstruksyon ng tanggulan at tropa, mga gawain ng Hong Kong, Macao at Taiwan, gawaing diplomatiko at iba pa.
Ang mga natamong tagumpay noong isang taon ay nagpakita ng bentahe at kasiglahan ng sosyalitang may katangiang Tsino, at nagpalakas ng pagmamalaki at pagkakaisa ng Nasyong Tsino. Ang mga tagumpay na ito ay ibinunga ng siyentipikong kapasiyahan at tumpak na pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista at ng pangkalahatang kalihim nito na si Hu Jintao, ito rin ang bunga ng magkakasamang pagsisikap ng buong partido, hukbo at mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad sa buong bansa. Sa ngalan ng Konseho ng Estado, nagpadala ako ng taos-pusong pasasalamat sa mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad, iba't ibang demokratikong partido, iba't ibang grupo at mga personahe ng iba't ibang sirkulo. Pinasasalamatan din ang mga kababayan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng HongKong at Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao, mga kababayang Taiwanese at mga overseas at ethnic Chinese. Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga pamahalaan ng iba't ibang bansa, mga organisasyong pandaigdig at mga kaibigang dayuhan na pinahahalagahan at kinakatigan ang konstruksyon ng modernisasyon ng Tsina.
Nalaman naming nahaharap pa rin sa mraming kahirapan at hamon ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina. Sa anggulo ng kapaligirang pandaigdig, naging napakahirap ang proseso ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, sumusulong pa rin ang pandaigdig na krisis na pinansiyal, at hindi napahupa ang sovereign debt crisis ng ilang bansa sa maikling panahon. Nananatiling mataas ang unemployment rate ng mga pangunahing maunlad na economy, di-sapat ang lakas-panulak sa paglago, at nahaharap ang mga bagong-sibol na economy sa presyur ng implasyon at pagbagal ng paglago ng kabuhayan. Lumakas ang international trade and investment protectionism.
Sa anggulo ng kapaligirang panloob naman, Nagiging mas pangkagipitan at mas mahirap ang pagbibigay-lunas sa mga kontradiksyon ng sistema at estruktura, at pagpapahupa ng problema ng pagiging di-balanse, di-koordinado at di-sustenable ng pag-unlad. Lumitaw ang maraming bagong situwasyon at bagong problema sa takbo ng kabuhayan, na gaya ng presyur ng pagbagal ng paglago ng kabuhayan, pananatiling mataas ng presyo ng paninda, nasa masusing yugto ng pagsasaayos at pagkontrol sa real estate market, labis na mabilis na paglaki ng kabuuang bolyum ng energy consumption at iba pa. Kinakaharap ng makro-kontrol sa mas masalimuot na kalagayan. Nangingibabaw ang ilang shortcomings at kakulangan sa mga gawain ng pamahalaan; hindi natapos ang target ng pagtitipid ng enerhiya, pangangalaga sa kapaligiran, at pagsasaayos at pagkontrol sa presyo ng paninda; matindi ang reaksyon ng mga mamamayan sa mga problema sa mga aspektong gaya ng kaligtasan ng produksyon, kaligtasan ng pagkain at gamot, distribusyon ng kita at iba pa; at kinakailangang pataasin ang lebel ng pangangasiwa at paglilingkod ng pamahalaan at palakasin ang konstruksyon ng malinis na administrasyon.
Batay sa diwa ng pagiging responsable sa estado at mga mamamayan, dapat isagawa namin ang mas mabisang hakbangin, totoong resolbahin ang mga umiiral na problema at pabutihin ang iba't ibang gawain para hindi biguin ang pag-asa ng mga mamamayan.
Pangunahing balak ng gawain sa taong 2012
Ang kasalukuyang taon ay isang napakahalagang taon sa panahon ng ika-12 panlimahang taong plano. Ito rin ang huling taon ng termino ng kasalukuyang pamahalaan.
Nasa mahalagang estratehikong panahon pa rinn ang pag-unlad ng Tsina, at mayroon kaming maraming paborableng pasubali para sa pagpapanatili ng matatag at may kabilisang pag-unlad ng kabuhayan sa loob ng medyong mahabang panahon. Mabilis na sumulong ang pagsasaindustriya, pagsasalunsod at pagsasabayan, at modernisasyon ng agrikultura. Napakalaki ng pangangailangan at nakatagong lakas ng pagpapataas ng estruktura ng konsumo at estruktura ng industriya. Pagkatapos ng mahigit 30 taong reporma't pagbubukas, naitatag ng pag-unlad ng Tsina ang mainam na pundasyong materiyal at pasubaling pansistema, walang humpay na yumayaman ang karanasan sa makro-kontrol, at may malinaw na pagtaas ang kakayahang kompetetibo at kakayahan sa pagpigil sa panganib ng mga bahay-kalakal. Maganda ang kondisyon ng financial revenue, matatag at malusog ang takbo sistemang pinansiyal, at medyo sapat ang pondong panlipunan. Malalimang pagbabago ang nagaganap sa kayarian ng kabuhayan at pulitika ng buong mundo, at nananatiling tunguhin ng panahon ang kapayapaan, kaunlaran at kooperasyon, bagay na makakabuti sa mapayapang pag-unlad ng Tsina.
Dapat palaganapin namin ang diwa ng sosyalitang may katangiang Tsino, gawing patnubay ang teorya ni dating pangulo Deng Xiaoping at kaisipan ng "Three Represents", malalimang tupdin ang Scientific Outlook on Development, palakasin at pabutihin ang makro-kontrol, patuloy na hawakan nang maayos ang relasyon sa pagitan ng pagpapanatili ng matatag at may kabilisang pag-unlad ng kabuhayan, pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan at pangangasiwa sa ekspektasyon ng implasyon, pabilisin ang pagbabago ng pamamaraan ng pag-unlad ng kabuhayan at pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan, at panatilihin ang harmoniya at katatagan ng lipunan para salubungin ang pagdaraos ng ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ang mga pangunahing inaasahang target ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa taong ito ay: lalaki ng 7.5% ang GDP; paramihin ang mahigit 9 milyong tao na hanap-bubay sa mga lunsod at bayan, at kokontrolin ang registered urban unemployment rate sa loob ng 4.6%; mananatiling humigit-kumulang 4% ang paglaki ng CPI; tataas ng humigit-kumulang 10% ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas; at patuloy na bubuti ang kondisyon ng international revenue.
Alang-alang sa mga kondisyon sa iba't ibang aspekto, dapat patuloy na pairalin namin ang proaktibong patakarang piskal, at malusog at matatag na patakarang pansalapi, napapanahon at angkop na isaayos ang mga patakaraan batay sa pagbabago ng kalagayan, at ibayo pang pataasin ang episiyensiya at plaksibilidad ng mga patakaran.
Patuloy na paiiralin namin ang proaktibong patakarang piskal. Pananatilihin ang angkop na laki ng fiscal deficit at state treasure. Sa kasalukuyang taon, binabalak na isaayos ang 800 bilyong yuan na fiscal deficit, na bababa ng humigit-kumulang 1.5%. Pabubutihin ang estruktura ng fiscal expenditure, bibigyan ng mas maraming pansin ang larangang may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan, at pag-iibayuhin ang laang-gugulin ang mga aspektong kinabibilangan ng edukasyon, kultura, kalusugan, hanap-buhay, segurong panlipunan, economy housing project at iba pa. Palalakasin ang pagkatig sa agrikultura, kanayunan at magsasaka, mga di-maunlad na purok, inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran, patubig at iba pa. Mahigpit na kokontrulin ang mga gastos para sa gamit na opisiyal. Isasagawa ang pagbabawas ng buwis sa estruktura. Ipapatupad at kukumpletuhin ang iba't ibang patakarang preperensiyal sa buwis ng mga maliliit na bahay-kalakal at pribadong manlalako. Palalakasin ang pangangasiwa sa utang ng mga pamahalaang lokal at pagpigil sa panganib.
Patuloy na paiiralin namin ang malusog at matatag na patakarang pansalapi. Maingat at pleksibleng pasusulungin ang matatag at may kabilisang pag-unlad ng kabuhayan, pananatilihin ang katatagan ng presyo ng paninda, at pipigilan ang mga panganib na pinansiyal. Pabubutihin ang estruktura ng kredit, kakatigan ang mga mahalagang proyekto ng bansa at konstruksyon ng government subsidized housing project. Palalakasin ang pagkatig sa kredit ng mga bahay-kalakal, lalung lalo na, mga maliliit na bahay-kalakal, na umaangkop sa patakaran ng industriya at may pangangailangan sa pamilihan. Totoong pabababain ang kapital ng pangingilak ng pondo ng substantial economy. Patuloy at mahigpit na kokontrulin ang pagpapautang ng mga industriyang mataas ang energy consumption at polusyon, at may labis na produksyon. Pabubutihin ang mekanismo ng pagbuo ng RMB exchange rate, at pananatilihin ang katatagan sa kabuuan ng RMB exchenge rate batay sa makatwiran at balanseng lebel. Itatatag ang komprehensibo't sistematikong mekanismo ng koordinasyon ng pagpigil, pagsusuperbisa at pangangasiwa sa panganib na pinansiyal, at palalakasin ang kakayahan sa pagpigil sa panganib. Palalakasin ang pagsusuperbisa at pagkontrol sa sirkulasyon ng transnasyonal na kapital. Iistandardisahin ang iba't ibang aksyon ng pangungutang, at papatnubayan ang malusog na pag-unlad ng di-pampamahalaang pangingilak ng pondo.
Dapat mainam na pag-isahin ang pagpapatatag ng paglago ng kabuhayan, pagkontrol sa presyo ng paninda, pagsasaayos ang estruktura, paghahatid ng benebisyo sa pamumuhay ng mga mamamayan, pagpapabuti ng reporma at pagpapasulong sa harmoniya, para komprehensibong pabutihin ang iba't ibang gawain sa kasalukuyang taon.
Mga pangunahing tungkulin sa taong 2012
Una, pagpapasulong ng matatag at may kabilisang paglago ng kabuhayan.
Ang pagpapalawak ng pangangailangang panloob, lalung lalo na, pangangailangan sa konsumo, ay pundasyon ng pangmatagalan, mtatag at may kabilisang pag-unlad ng kabuhayang Tsino, ito rin ang pokus ng aming gawain sa taong ito.
Puspusang palalawakin namin ang pangangailangan sa konsumo. Pabibilisin ang pagtatatag ng pangmatagalang mekanismo ng pagpapalawak ng konsumo. Buong lakas na isasaayos ang kayarian ng distribusyon ng kita, palalakihan ang kita ng mga mamamayang may kataman o mababang kita, at patataasin ang kakayahan sa konsumo ng mga residente. Kukumpletuhin ang patakaran sa pag-eenkorahe sa konsumo ng mga mamamayan. Pabubutihin ang kapaligiran ng konsumo, at pangangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamamayan.
Walang humpay na pabubutihin namin ang estruktura ng pamumuhunan. Pananatilihin ang matatag na paglaki ng pamumuhunan, at pasusulungin ang mainam na pagpapalitan ng pamumuhunan at konsumo.
Ika-2, pagpapanatili ng katatagan sa kabuuan ng pangkalahatang lebel ng presyo ng paninda.
Ito ang mahalagang gawain na may kaugnayan sa kapakanan ng mga mamamayan at pangkalahatang kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Daragdagan namin ang produksyon, at igagarantiya ang suplay. Patuloy na gagawing pokus ng pagpapatatag ng presyo ng paninda ang pagkontrol sa labis na mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain. Palalakasin ang kakayahan ng pamilihan sa pagsasaayos at pagkontrol.
Pasisiglahin namin ang sirkulasyon, at pabababain ang kapital. Mahigpit na ipapatupad ang patakaran ng pagbibigay-ginhawa sa paghahatid ng mga sariwa't buhay na produktong agrikultural na gaya ng gulay. Babawasan ang procedure ng sirkulasyon, daragdagan ang mga pook ng tingian, at lubos na patitingkarin ang pangunahing papel ng sirkulasyon.
Palalakasin namin ang pagsusuperbisa't pangangasiwa, at iistandardisahin ang kaayusan. Pag-iibayuhin, pangunahin na, ang pagsusuperbisa at pagsusuri sa presyo ng pagkain at gamot, at pagsingil ng bayad ng mga serbisyong gaya ng medical treatment, telekomunikasyon, edukasyon at iba pa.
Ika-3, pagpapasulong ng matatag na pag-unlad ng agrikultura, at tuloy-tuloy na pagpapataas ng kita ng mga magsasaka.
Sa proseso ng industriyalisasyon at urbanisasyon, dapat lalo pang pahalagahan ang modernisasyon ng agrikultura. Dapat gawing pinakamahalaga sa iba't ibang gawain ang pagbibigay-lunas sa mga problemang may kinalaman sa agrikultura, kanayunan at magsasaka, pag-ibayuhin ang mga patakaran sa pagpapaunlad ng agrikultura, paghahatid ng benebisyo sa mga magsasaka at pagpapayaman ng mga magsasaka, patibayin at paunlarin ang mainam na tunguhin ng agrikultura at kanayunan.
Matatag na pauunlarin namin ang produksyong agrikultural, daragdagan ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng iba't ibang tsanel. Patuloy at matatag na patataasin ang ani ng pagkaing-butil, at patatatagin ang saklaw ng pagtatanim ng pagkaing-butil. Papatnubayan ang mga magsasaka na isaayos ang estruktura, palawakin ang produksyon ng mga de-kalidad na produktong agrikultural na may kakulangan ng suplay, at kakatigan ang produksyon ng gulay, karne, itlog, gatas, produktong akwatiko at iba pa. Patuloy na palalakihan ang agricultural subsidy, patataasin ang pamantayan, palalawakin ang saklaw, at pabubutihin ang mekanismo.
Pabibilisin namin ang progreso ng siyensiya't teknolohiyang agrikultural. Sa kasalukuyang taon, pinaplanong ilaan ng pinansiyang sentral ang 1.2287 trilyong yuan na pondo sa agrikultura, kanayunan at magsasaka, na lalaki ng 186.8 bilyong yuan kumpara noong nagdaang taon. Dapat pasulungin ang pagsasaayos sa kapaligiran ng kanayunan, pabilisin ang pagkukumpuni sa mga mapanganib na bahay sa kanayunan, at patuloy na pagandahan ang kondisyon ng produksyon at pamumuhay sa kanayunan.
Palalalimin ng pamahalaan ang reporma sa kanayunan. Igigiit ang pundamental na sistema ng pamamlakad ng kanayunan. Dapat palakasin ang pangangasiwa at serbisyo ng pagpapalit ng karapatan sa nakontratang lupain, paunlarin ang pamamlakas sa angkop na saklaw. Mahigpit na pangalagaan ang bukirin. Palalimin ang komprehensibong reporma sa kanayunan. Pasulungin ang reporma sa sistema ng mga sakahan at kagubatan na ari ng estado.
Ika-4, pagpapabilis ng pagbabago ng pamamaraan ng pag-unlad ng kabuhayan.
Nagsilbing susi ng paglutas sa isyu ng di-banlanse, di-koordinado at di-sustenableng pag-unlad ang pagpapabilis ng pagbabago ng pamamaraan ng pag-unlad ng kabuhayan, at pagpapasulong ng estratehikong pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan. Ito ang hindi lamang isang pangmatagalang proseso, kundi rin pinakapangkagipitang tungkulin ngayon.
Pasusulungin namin ang pagpapabuti at pagpapataas ng estruktura ng industriya. Pasusulungin ang malusog na pag-unlad ng estratehikong bagong-sibol na industriya. Itatatag ang mekanismo ng pagpapasulong ng paggamit ng bagong enerhiya, palalakasin ang pagpaplano at pagpapatnuba ng patakaran, palalawakin ang pangangailangang panloob, pigilan ang padaskul-daskol na paglawak ng mga industriyang gaya ng solar energy, wind power at iba pa. Pauunlarin ang bagong teknolohiya ng impormasyon, palalakasin ang konstruksyon ng imprastruktura ng internet, at pasusulungin ang substansiyal na progreso ng pagpapakaisa ng telecommunications network, radio and television broadcasting network at internet. Buong lakas na pauunlarin ang mga industriyang gaya ng pagyari ng sulong na instalasyon, pagtitipid ng enerhiya at pangangalga sa kapaligiran, medisinang biolohikal, sasakyang de motor na gumamit ng bagong enerhiya, bagong materiyal at iba pa. Ipapatupad at kukumpletuhin ang mga patakarang makakapagpasulong sa pag-unlad ng mga maliliit o napakaliit na bahay-kalakal, at ibayo pang babawasan ang presyur ng mga bahay-kalakal.
Pasusulungin namin ang pagtitipid ng enerhiya, pagbabawas ng emisyon at pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal. Ang susi ng pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng emisyon ay pagtitipid ng enerhiya, pagpapataas ng episiyensiya at pagbabawas ng polusyon. Dapat pabilisin ang pagtatakda ng plano sa gawain ng makatwirang pagkontrol sa kabuuang bolyum ng konsumo ng enerhiya, at isaayos ang sistema ng presyo ng enerhiya. Pabubutihin namin ang estruktura ng enerhiya, pasusulungin ang malinis at mabisang paggamit ng mga tradisyonal na enerhiya, maligtas at mabisang pauunlarin ang nuclear power, aktibong pauunlarin ang hydro power, at patataasin ang proporsyon ng bagong enerhiya at renewable energy. Isasagawa ang pagsusuperbisa sa fine particulate matter o (PM2.5) sa mga pangunahing rehiyong gaya ng Beijing ,Tianjin, Lalawigang Hebei, Yangtze River Delta, Pearl River Delta at iba pa, at mga munisipalidad at punong lunsod ng mga lalawigan. Palalakasin ang konstruksyon ng kakayahan sa pag-angkop sa pagbabago ng klima, lalung lalo na, sa pagharap sa mga pinakamasamang lagay ng klima, at patataasin ang kakayahan sa pagpigil at pagbabawas ng kapinsalaang dulot ng kalamidad. Iaadhere ang simulaing "komong responsibilidad na may pagkakaiba" at simulain ng katarungan, at konstruktibong pasusulungin ang proseso ng talastasang pandaigdig sa pagharap sa pagbabago ng klima. Sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, nagpapatunay kami sa buong daigdig na hinding hindi magsasakripisyo ang Tsina ng kapaligirang ekolohikal at kalusugan ng mga mamamayan para maisakatuparan ang pagpapayabong ng kabuhayan, at tiyak na tatahak kami sa landas ng sibilisadong pag-unlad na may pag-unlad ng produksyon, masaganang pamumuhay at magandang kapaligirang ekolohikal.
Pasusulungin ng pamahalaan ang koordinadong pag-unlad ng kabuhayang rehiyonal. Isasagawa ang pangkalahatang estratehiya ng rehiyonal na pag-unlad at pagpaplano sa mga pangunahing function zone, lubos na patitingkarin ang katangian at bentahe ng iba't ibang purok, ibayo pang patataasin ang koordinasyon ng rehiyonal na pag-unlad at lebel ng pagkakapantay-pantay ng mga pundamental na serbisyong pampubliko. Palalakasin ang kukumpletuhin ang mekanismo ng tansrehiyonal na kooperasyon, papawiin ang mga hadlang sa pamilihan, pasusulungin ang sirkulasyon ng mga pangunahing elemento, papatnubayan ang maayos na paglilipat ng mga industriya, at pasusulungin ang mainam at koordinadong pag-unlad ng kabuhayang panrehiyon.
Aktibo at maayos na pasusulungin namin ang urbanisasyon. Dapat sundin ang kalakaran ng pag-unlad ng lunsod, at pasulungin ang koordinadong pag-unlad ng mga malalaki, katamtaman at maliliit na lunsod at maliliit na bayan ayon sa aktuwal na kalagayan ng iba't ibang lugar. Dapat pag-ibayuhin ang pagpapahalaga at paglilingkod sa mga rural labourers, buong lakas na resolbahin ang mga aktuwal na problemang kinakaharap nila, na gaya ng serbisyo ng hanap-buhay, segurong panlipunan, edukason ng kani-kanilang anak, pagbili at pagpapaupa ng pabahay, at unti-unting palalaganapin ang pundamental na serbisyong pampubliko sa lahat ng mga rural labourers.
Ika-5, malalimang pagpapatupad ng estratehiya ng pagpapasigla ng estado sa pamamagitan ng siyensiya, teknolohiya at edukasyon, at estratehiya ng pagpapalakas ng puwersang pang-estado sa pamamagitan ng mga talento.
Ang pagpapaunlad ng usapin ng siyensiya, teknolohiya't edukasyon, at paghuhubog ng mga talentong may mataas na kalidad ay siyang tanging landas ng pagpapayabong ng bansa at pag-ahon ng nasyon.
Bibigyan ng priyoridad ang pagpapaunlad ng edukasyon. Ayon sa budget ng pinansiyang sentral, ang gastos ng edukasyon sa buong bansa ay katumbas ng 4% ng GDP, at may katugong laang-gugulin ang pinansyang lokal. Dapat pasulungin ang balanseng pag-unlad ng compulsory education, at maging pokus ng pagbabahagi ng yaman ang mga paaralan sa gawing gitna at kanluran, kanayunan, lilib na purok at purok-panirahan ng mga etnikong grupo, at mga mahinang paaralan sa mga lunsod. Dapat buong sikap na lutasin ang mga mainitang isyung pinahahalagahan ng mga mamamayan na gaya ng kahirapan sa pagpili ng paaralan at pagpasok sa kindergarten. Palakasin ang pangangasiwa sa kaligtasan ng school bus para maigarantiya ang kaligtasan ng mga bata.
Puspusang eenkorahehin namin ang inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya. Palalakasin ang konstruksyon ng sistema ng inobasyon ng bana. Palalalimin ang reporma sa sistemang pansiyensiya't panteknolohiya, eenkorahehin ang mga bahay-kalakal na maging pangunahing puwersa ng inobasyong teknikal, at pahihigpitin ang pag-uugnayan ng siyensiya't teknolohiya at kabuhayan. Imumungkahi ang katapatang akademiko, eenkorahehin ang nagsasariling pag-isip, igagarantiya ang kalayaang akademiko, at palalaganapin ang siyentipikong diwa. Buong tatag na isasagawa ang pambansang estratehiya ng karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR).
Komprehensibong palalakasin namin ang gawain ng paghuhubog ng mga talento. Masipag na lilikhain ang mainam na kapaligirang panlipunan na makakabuti sa paglaki at pagpapatingkad ng sariling kakayahan ng mga talento.
Ika-6, totohanang paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ang ideya ng pagpapauna ng mga mamamayan ay nagpapakita sa pagpapatupad, pangangalaga at pagpapaunlad ng pundamental na kapakanan ng pinakamalawakang mamamayan. Dapat gawing mahalagang tungkulin ng pamahalaan ang paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Daragdagan namin ang hanap-buhay sa pamamagitan ng lahat ng mga maisasagawang paraan. Ang hanap-buhay ay mahalagang isyung may kinalaman sa kaunlaran ng bansa at kaligayahan ng mga mamamayan. Nananatiling malaki pa rin ang presyur ng hanap-buhay sa taong ito. Dapat igiit ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas ang estratehiya ng pagbibigay-priyoridad sa hanap-buhay, at patuloy na isagawa ang mas positibong patakaran sa hanap-buhay. Kakatigan, pangunahin na, ang mga industriya ng modernong serbisyo, mga bahay-kalakal ng teknolohiya na makapangyarihan sa inobasyon, at mga maliliit at napakaliit na bahay-kalakal kung saan magkakaloob ng mas maraming trabaho. Eenkorahehin ang pagsisimula ng sariling negosyo para mapasulong ang hanap-buhay. Aktibong itatatag ang may-harmoniyang labourer relation, at pangangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga manggagawa.
Pabibilisin namin ang pagkokompleto ng social security system. Bago ang katapusan ng taong ito, isasakatuparan ang pagsaklaw ng bagong sistema ng endowment insurance sa kanayunan at sistema ng endowment insurance ng mga residente sa lunsod at bayan sa buong Tsina. Pararamihan ang pondo ng segurong panlipunan sa pamamagitan ng iba't ibang tsanel, at palalakasin ang pagsusuperbisa't pamamahala sa pondo ng segurong panlipunan.
Buong lakas naming pasusulungin ang reporma at pag-unlad ng usaping medikal at pangkalusugan. Pabibilisin ang pagkukumpleto ng pambansang medical insurance system, patitibayin at palalawakin ang pagpapalaganap ng pundamental na medical insurance, at patataasin ang lebel ng pundamental na garantiyang medikal at lebel ng pangangasiwa't serbisyo. Itatatag ang may-harmoniyang relasyon sa pagitan ng mga doktor, nars at may-sakit. Palalakasin ang pampublikong serbisyong pangkalusugan, pipigilan at kokontrulin ang mga malalaking nakahahawang sakit, chronic disease at occupational disease na lubhang nagsasapanganib sa kalusugan ng mga mamamayan. Pabubutihin ang gawain ng kaligtasan ng gamot. Kakatigan at pasusulungin ang pag-unlad ng Traditional Chinese Medicine at pambansang usapin ng medisina.
Komprehensibong pabubutihin ang gawaing may kinalaman sa populasyon at family planning. Patuloy na pananatilihin ang low fertility level, komprehensibong isasaayos ang isyu ng kawalang-balanse ng kasarian ng mga bagong isinilang, at patataasin ang kalidad ng mga bagong isinilang.
Patuloy na pabubutihin ang pagsasaayos at pagkontrol sa real estate market, at konstruksyon ng government subsidized housing project. Mahigpit na ipapatupad at unti-unting kukumpletuhin ang mga patakaran at habangin sa pagpigil sa pangangailangan ng pakikipagsapalaran at pamumuhunan, ibayo pang patitibayin ang mga natamong bunga ng pagsasaayos at pagkontrol, pasusulungin ang makatwirang pagbaba ng presyo ng bahay. Patuloy na pasusulungin ang konstruksyon ng low-income at economy housing project, sa paunang kondisyon ng paggarantiya sa kalidad ng mga bahay, itatatag sa kabuuan ang 5 milyon bahay, at sisimulan ang konstruksyon ng 7 milyong pataas na iba pa.
Palalakasin at babaguhin ang pangangasiwang panlipunan. Palalakasin ang pagreresolba ng kontradiksyong panlipunan, inobasyon sa pangangasiwang panlipunan, at makatarunga't malinis na pagpapatupad ng batas. Palalakasin ang punksyon ng pamahalaan sa pangangaiswang panlipunan at serbisyong pampubliko. Kukumpletuhin ang mekanismo ng pagtasa sa panganib ng mga mahahalagang kapasiyahan at katatagan ng lipunan, at mekanismo ng pangkagipitang pangangasiwa sa mga biglaang pangyayari. Paiiralin ang estratehiya ng maligtas na pag-unlad, palalakasin ang pagsusuperbisa't pangangasiwa sa kaligtasan ng produksyon, at pipigilan ang paggaganap ng mga malalaking aksidente. Pag-iibayuhin ang pagbibigay-dagok sa mga aksyon ng paglapastangan sa IPR at pagyari't pagbebenta ng huwad na paninda o panindang di-kuwalipikado ang kalidad. Palalakasin ang kakayahan sa pagsusuperbisa't pamamahala sa kaligtasan ng pagkain, at lebel ng kaligtasan ng pagkain.
Ika-7, pagpapasulong sa kaunlaran at kasaganaan ng kultura.
Ang kultura ay pamilyang pandiwa ng sangkatauhan. Dapat magkaloob ng namumukod at masaganang produktong kultural, at walang tigil na makatugon sa pangangailangan sa diwa't kultura ng mga mamamayan. Dapat puspusang paunlarin ang usapin ng kultura sa kalinangang pampubliko. Gawing pokus ng pagpapalakas ng konstruksyon ng pasilidad na kultural sa nakabababang yunit ang mga kanayunan, gawing gitna at kanluran. Palakasin ang pangangalaga sa pamanang kultura, pasaganaan ang usaping kultural ng mga etnikong grupo. Palalimin ang reporma sa sistemang kultural. Malalimang isagawa ang pakikipagpalitang kultural sa labas ng bansa, at pasulungin ang pag-aaral ng kulturang Tsino't dayuhan ng karanasan ng isa't isa.
Ika-8, malalimang pagpapasulong ng reporma sa mga pangunahing larangan. Ang reporma't pagbubukas ay tumpak na pagpiling nagpapasiya ng kapalaran ng Tsina. Batay sa kahilingan ng Scientific Outlook on Development, dapat igalang ang diwa ng inobasyon ng mga mamamayan, patuloy at komprehensibong pasulungin ang iba't ibang reporma sa sistemang pangkabuhayan, pulitikal at iba pa, at lutasin ang iba't ibang kahirapan sa proseso ng pag-unlad. Ang sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng reporma sa kasalukuyang taon:
Palalalimin ang reporma sa sistema ng pananalapi, buwis at pinansiya. Kukumpletuhin ang mekanismo ng paggarantiya sa pundamental na puwersang pinansiyal sa antas ng bayan. Matatag na pasusulungin ang pagbubukas ng budget ng pinansiyang lokal. Ipapatupad ang bagong pamantayan ng pagsusuperbisa't pamamahala sa industriya ng pagbabangko. Palalalimin ang reporma sa mga pampatakarang organong pinansiyal. Aktibong pauunlarin ang bond market. Pasusulungin ang reporma't pag-unlad ng industriya ng seguro. Palalawakin ang paggamit ng RMB sa mga transnasyonal na kalakalan at pamumuhunan.
Pasusulungin ang komong pag-unlad ng iba't ibang uri ng kabuhayan. Buong tatag na patitibayin at pauunlarin ang public economy, eenkorahehin, kakatigan at papatnubayan ang pag-unlad ng non-public economy. Malalimang pasusulungin ang estratehikong pagsasaayos ng kabuhayang ari ng estado, at pabubutihin ang mekanismo ng makatwirang sirkulasyon ng kapital na ari ng estado. Pag-aaralan at pasusulungin ang reporma ng mga industriyang gaya ng daambakal at koryente. Lilikhain ang kapaligiran na may makatarungang kompetisyon at komong kaunlaran ng iba't ibang uri ng kabuhayan.
Palalalimin ang reporma ng presyo. Maayos na ipapatupad ang reporma ng presyo ng koryente, kukumpletuhin ang mekanismo ng pagtatakda ng presyo ng hydro power, nuclear power at renewable energy. Isasaayos ang relasyon ng presyo ng karbon at koryente. Pasusulungin ang reporma sa presyo ng processed oil at presyo ng natural gas. Paiiralin ang pinakamahigpit na sistema ng pangangasiwa sa yamang-tubig, at pasusulungin ang komprehensibong reporma sa presyo ng tubig sa gamit na agrikultural.
Palalalimin ang reporma sa sistema ng distribusyon ng kita. Itatakda sa lalong madaling panahon ang pangkalahatang plano sa pagrereporma ng sistema ng distribusyon ng kita. Masipag na patataasin ang proporsyon ng kita ng mga residente sa distribusyon ng pambansang kita. Kukumpletuhin ang sistema ng kita, itatatag ang mekanismo ng normal na paglaki ng kita, at unti-unting patataasin ang pamantayan sa pinakamababang kita. Iisatandardisahin ang kaayusan ng distribusyon ng kita, mabisang pangangalagaan ang lehitimong kita, buong tatag na papawiin ang ilegal na kita, at babaguhin sa lalong madaling panahon ang tunguhin ng paglawak ng agwat ng kita.
Aktibo at maayos na irereporma ang pag-uuri ng public institutions. Siyentipikong uuriin namin ang iba't ibang public institutions, at palalalimin ang reporma sa mga sistema ng pangangasiwa, human resources, distribusyon ng kita at segurong panlipunan ng mga public institutions.
Pabibilisin ang pagrereporma ng pamahalaan. Palalawakin ang sosyalistang demokrasya, paiiralin ang demokratikong halalan, pagpapasiya, pangangasiwa at pagsusuperbisa batay sa batas. Pangangalagaan ang karapatan ng mga mamamayan sa pagkaalam ng mga impormasyon, pakikisangkot, pananalita at pagsusuperbisa. Palalakasin ang konstruksyon ng malinis na administrasyon, malalimang lalabanan ang korupsyon, matibay na pasusulungin ang iba't ibang pangmatagalan at pundamental na gawain sa proseso ng konstruksyon ng sistema ng pagpigil sa korupsyon, at puspusang lulutasin ang mga namumukod na problemang nakatawag ng matinding reaksyon ng mga mamamayan.
Ika-9, masikap na pagpapataas ng kalidad at lebel ng pagbubukas sa labas.
Pumasok na sa bagong yugto ang pagbubukas sa labas ng Tsina. Naganap ang malalimang pagbabago sa katayuan at papel ng kalakalan ng pag-aangkat at pagluluwas, at bilateral na pamumuhunan. Dapat umangkop kami sa bagong situwasyon, mag-adopt ng bagong kaisipan ng gawain ng kabuhayang panlabas, magbago sa pamamaraan ng pagpapayabong ng kabuhayang panlabas, magpataas ng lebel ng bukas na kabuhayan, at bumuo ng bagong kayarian ng bukas na kabuhayan.
Pananatilihin namin ang matatag na pag-unlad ng kalakalang panlabas. Binibigyang-diin namin ang pagpapalawak ng pangangailangang panloob, pero hindi nangangahulugan ito ng pagpapawalang-bahala sa mahalagang papel ng pangangailangang panlabas para sa paglago ng kabuhayang Tsino. Dapat panatilihin ang pundamental na katatagan ng patakaran sa kalakalang panlabas. Pabibilisin ang pagbabago ng pamamaraan ng pag-unlad ng kalakalang panlabas. Isasagawa ang multi-stratigic ng pagpapasigla ng kalakalan sa pamamagitan ng siyensiya't teknolohiya at pagpapahalaga ng kalidad. Kakatigan ang mga bahay-kalakal na itatag ang self-owned brand. Papatnubayan ang paglilipat ng processing trade sa sulong sa larangan ng industrial chain at gawing gitna at kanluran ng bansa. Patitibayin ang tradisyonal na pamilihan ng Estados Unidos, Hapon at Europa, at palalawakin ang bagong-sibol na pamilihan.
Patataasin namin ang kalidad ng paggamit ng puhunang dayuhan. Igigiit ang patakaran sa aktibo at mabisang paggamit ng puhunang dayuhan, at lalo pang pahahalagahan ang pagpapabuti ng estruktura at pagpapataas ng kalidad. Papatnubayan ang pagpasok ng mas maraming puhunang dayuhan sa sulong na industriya ng pagyari, industriya ng hay-tek, industriya ng pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran, industriya ng modernong serbisyo at gawing gitna at kanluran ng bansa.
Isasagawa ang estratehiya ng "paglalabas sa bansa". Nasa mahalagang yugto ng pagpapabilis ng pamumuhunang panlabas ngayon ang Tsina. Papatnubayan namin ang iba't ibang uri ng bahay-kalakal na maayos na isagawa ang pamumuhunan, kooperasyon at transnasyonal na pag-mer-merge sa sa ibayong dagat sa mga larangang gaya ng enerhiya, raw materials, agrikultura, industriya ng pagyari, industriya ng serbisyo, imprastruktura at iba pa. Paluluwagin ang limitasyon ng pamumuhunan ng mga residente sa ibayong dagat. Palalakasin ang pangangasiwa sa panganib ng pamumuhunang panlabas, at pangangalagaan ang kaligtasan ng tauhan at ari-arian ng Tsina sa ibayong dagat.
Makikisangkot kami sa pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig at kooperasyong panrehiyon. Masipag na pananatilihin namin ang matatag na pag-unlad ng relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan sa mga maunlad na bansa, at komprehensibong palalalimin ang pakikipagkooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mga umuunlad na bansa. Patuloy na pasusulungin ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan at proseso ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon. Aktibong lalahukan ang konstruksyon ng mekanismo ng pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig na gaya ng G20, palalakasin ang pakikipagkoordina sa macro-economic policy ng mga pangunahing economy, tututulan ang iba't ibang porma ng proteksyonismo, at patuloy na patitingkarin ang konstruktibong papel sa Doha Round Talks at reporma sa pandaigdig na sistemang pinansiyal.
Mga deputado,
Ang kasaganaan at kaunlaran ng Tsina ay depende sa magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang nasyonalidad. Dapat igiit at kumpletuhin namin ang sistema ng autonomiyang pambansa at panrehiyon, mataimtim na tupdin ang mga patakaran at hakbangin ng pamahalaang sentral sa pagkatig sa kaunlaran ng etnikong grupo, puspusang katigan ang pag-unlad ng mga etnikong grupo na maliit ang populasyon, at pasulungin ang plano sa pagpapaunlad ng usapin ng etnikong grupo.
Mataimtim na tutupdin namin ang pundamental na prinsiyo ng CPC sa gawaing panrelihiyon. Pangangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga organisasyong panrelihiyon, mga personahe ng sirkulo ng relihiyon at mga mananampalataya, at lubos na patitingkarin ang kanilang positibong papel sa pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan, kasaganaan ng kultura at harmoniya ng lipunan.
Komprehensibong tutupdin namin ang patakaran sa mga suliraning may kinalaman sa mga overseas at ethnic Chinese. Pangangalagaan ang kani-kanilang lehitimong karapatan at kapakanan, at kakatigan silang aktibong makisangkot sa konstruksyon ng modernisasyon at dakilang usapin ng unipikasyon ng inang bayan.
Mga deputado,
Ang matibay na tanggulan at malakas na hukbo ay pundasyon ng pangangalaga sa soberanya, katiwasayan, kaunlaran at kapakanan ng estado. Dapat komprehensibong palakasin ang konstruksyon ng hukbo, at walang tigil na pataasin ang kakayahan sa pagsasakatuparan ng iba't ibang tungkuling militar. Dapat iadhere ang pundamental na simulain ng lubusang pamumuno ng partido sa mga hukbo at mga pundamental na simulain ng hukbo. Puspusang maghuhubog kami ng mga bagong talentong militar na may mataas na kalidad, aktibo at maayos na magsasagawa ng reporma sa tanggulan at hukbo.
Mga deputado,
May di-maihihiwalay na kaugnayan at komong kapalaran ang Hong Kong, Macao at Chinese mainland. Buong tatag naming tutupdin ang mga simulain ng "isang bansa, dalawang sistema", "pamamahala sa Hong Kong ng mga taga-Hong Kong", "pamamahala sa Macao ng mga taga-Macao", at autonomiya sa mataas na antas, buong lakas na susuportahan ang Hong Kong at Macao sa pagpapaunlad ng kabuhayan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at pagpapasulong ng demokrasya. Kakatigan ang aktibong pagharap ng mga pamahalaan ng espesyal na rehiyong administratibo sa hamon ng panganib ng kabuhayang pandaigdig at pangangalga sa katatagan ng kabuhaya't pinansiya at pangmatagalang kasaganaan at kaunlaran.
Nitong nakalipas na isang taon, nakaranas ng matinding pagsubok ang relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, at nakakuha ng positibong progreso. Ang pagtutol sa "pagsasarili ng Taiwan, pagkilala sa "1992 Consensus", pagpapatibay ng natamong bunga ng pagpapalitan at pagtutulungan, at pagpapasulong ng mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ay unti-unting nagiging komong mithiin ng mga kababayan ng magkabilang pampang. Sa baong taong ito, patuloy na igigiit namin ang mga pangunahing patakaran at prinsipyo ng pamahalaang sentral sa mga gawaing may kinalaman sa Taiwan, palalakasin ang pundasyong pulitikal, ekonomiko, kultural at pangmithiin ng pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang, at palalawakin ang bagong kayarian ng mapayapang pag-unlad ng relasyong ito. Dapat mas mahigpit na magbuklod at magkakasamang magsikap ang lahat ng mga kababayan ng Nasyong Tsino para maisakatuparan ang unipikasyon ng inang bayan at dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino.
Mga deputado,
Sa bagong taon, ang mga gawaing diplomatiko ay dapat mas mainam na maglingkod sa pangkalahatang kalagayan ng reporma't pagbubukas at konstruksyon ng sosyalistang modernisasyon, at gumawa ng mas malaking ambag para sa pagpapasulong ng paglago ng kabuhayang pandaigdig at pangangalaga sa kapayapaa't katatagan. Patuloy naming palalalimin ang relasyong pangkaibigan sa mga kapitbansa, aktibong lalahukan ang iba't ibang mekanismo ng kooperasyon sa paligid, pasusulungin ang malalimang pag-unlad ng kooperasyong panrehiyon, at magkasamang lilikhain ang rehiyonal na kapaligirang may kapayapaan, katatagan, pagkakapantay-pantay, pagtitiwalaan, pagtutulungan at win-win situation. Palalakasin namin ang pakikipagtulungan sa mga umuunlad na bansa, palalalimin ang tradisyonal na pagkakaibigan, palalawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, pasusulungin ang pagsasakatuparan ng Millennium Development Goals ng UN, at pangangalagaan ang lehitimong karapata't kapakanan at komong interes ng mga umuunlad na bansa. Padadalasin namin ang estratehikong pakikipagdiyalogo sa iba't ibang malaking bansa, pahihigpitin ang estratehikong pagtitiwalaan, paluluwagin ang mga larangan ng kooperasyon, at pasusulungin ang pangmatagalan, matatag at malusog na pag-unlad ng relasyon sa isa't isa. Aktibong makikisangkot kami sa mga multilateral na suliranin at pagsasaayos ng buong mundo, at magpapasulong ng kaayusang pandaigdig tungo sa mas makatarungan at mas makatwirang direksyon. Buong tatag na tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, maggigiit sa nagsasarili at mapayapang patakarang diplomatiko, mananangan sa estratehiya ng pagbubukas na may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, at magsisikap, kasama ng iba't ibang bansa sa daigdig, para mapasulong ang sibilisasyon at progreso ng sangkatauhan, mapahigpit ang kaligayahan ng mga mamamayan sa buong mundo, at maitatag ang isang daigdig na may pangmatagalang kapayapaan, komong kasaganaan at harmoniya.
Mga deputado,
Noong nakaraan, nagsipag kami at nagtamo ng kapansin-pansin tagumpay; sa hinaharap, mananatiling malaki pa rin ang tungkulin namin, at kailangang walang tigil na magsikap. Sa ilalim ng pamumuno ng Komite Sentral ng CPC, magbubuklod kami, magpapalaya ng kaisipan, magdedebelop ng inobasyon at magsisikap para likhain ang bagong kayarian ng konstruksyon ng sosyalistang modernisasyon.
Natapos ang pagbabasa ni Premyer Wen ng Government Work Report.
Ginawa ang ika-2 at ika-3 ahenda.
Natapos ang sesyong plenaryo sa araw na ito.