Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

PELIKULANG TSINO-UNDER THE HAWTHORNE TREE

(GMT+08:00) 2012-05-07 20:22:44       CRI

Ano ba ang mga pormula ng isang love story? Kailan syempre ang 2 bida na ma-iinlove sa isat-isa. Para maging interesante ang kwento, kailangan ang tension, at ito ay pwedeng magmula sa sitwasyon o dulot ng isa pang karakter sa istorya. Ang bawat love story ay pwedeng magtapos sa dalawang paraan … pwedeng masaya at pwedeng maging malungkot.

Poster

Ang lahat ng elementong ito ay makikita sa pelikula ni Zhang Yimou na UNDER THE HAWTHORNE TREE.

Ito'y kwento ng pag-ibig noong dekada 70 at nataon habang nagaganap sa Tsina ang Cultural Revolution.

Si Jing ay isang estudyante at malapit na siyang maging isang guro, pero kailangan niyang bumalik sa kanayunan para makipamuhay kasama ang mga magsasaka. Sa nayon, nakilala nya ang isang binata. Sila ay nagkamabutihan. Pero may mga balakid sa kanilang pagmamahalan.

Si Zhou Dongyu, bilang Jing sa pelikula

Si Li Guangjie, bilang Sun sa pelikula

Ang ama ni Jing ay isang political prisoner, may sakit ang kanyang ina at sa kanya umaasa ang maliit nyang mga kapatid. Sa kanya nakasalalay ang kinabukasan nila.

Kinaibigan ni Sun si Jing at niligawan. Kalaunan sila'y nagkagustuhan. Tumulong din ang binata sa dalaga at sa pamilya nito. Pero tumutol ang ina ni Jing dahil gusto nitong maging guro ang anak. Ayaw nya ng kumplikasyon. Hiniling nya kay Sun na maghintay hanggang matupad ang kanilang mga plano. Pakiusap ng ina, kailangan muna nilang maghiway.

Sina Jing at Sun sa pelikula

Kung ihahambing sa mga naunang pelikula ni Zhang Yimou, simple ang produksyon ng Under The Hawthorne Tree. Pero ang ganda nito ay makikita sa dalisay na pagmamahalan ng 2 bida. Hitik sa emosyon ang pelikula.

Si Zhang Yimou, Direktor ng pelikula

Kapag pinanood, dapat alisin sa isipan ang nakagawiang pormula ng mga love stories. Ituon ang pansin sa ipinakitang malalim at wagas na pag-iibig ng 2 bida. Pagmamahalang inosente, dalisay at tapat.

Tatak ni Zhang Yimou ang napakagandang visual composition. May sarili syang istilo ng paglalahad ng eksena. Halimbawa, ang simpleng ilog ay nagmumukhang bahagi ng paraiso. Dahil maganda ang sinematograpiya, di madaling nakakalimutan ang mga eksena.

Ang Under the Hawthorne Tree ay isang true story. Ito'y may kurot sa puso dala ng madamdaming pag-arte ng baguhang mga artista. Malungkot ang katapusan at tiyak na pagkatapos na mapanood, mapapabuntong hininga kayo at sasabihing "Sayang !"

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>