Host: Kumusta mga kaibigan, welkam sa programang Pag-usapan natin ang diplomasya. Makakapiling natin ang isang mahalagang guest na si Ouyang Yujing, Pangalawnag Puno ng Kawanihan ng Hangganan at Dagat ng Ministring Panlabas ng Tsina, para talakayin ang isyu ng pangangalaga sa katatagan ng hangganan ng Tsina at pagpapasulong ng kooperasyon sa mga karatig na bansa. ikinagagalak naming makapiling kayo ngayon, Ginoong Ouyang.

Ouyang: Magandang hapon po sa lahat ng mga takapakinig sa radio at internet, Salamat sa iyong pagbibigay-pansin sa mga suliraning panghangganan at pandagat ng bansa. ikinalulugod kng makasama kayo at ang inyong suporta sa aming trabaho. Sana ay makatlong an gating pagpapalitan para makadagdag sa inyong kaalaman hinggil sa naturang paksa.

Host: Kalahok din ang mga netizen sa ating talakayan sa pamamagitan ng porum ng CRI Online. Unang taong, ano ang tungkulin at pang-araw-araw na gawain ng inyong kawahihang?

Ouyang: Ang aming kawanihan ay itinatag noong Marso ng taong 2009. Ang pangunahing tungkulin naming ay mga suliraning panghangganan at pandagat. Ang mga suliraning panghangganan ay kinabibilangan ng demarkasyon ng hangganan, pagsusuri at pangangasiwa sa hangganan at mga kooperasyong panghangganan. Ang mga suliraning pandagat ay kinabibilangan ng demarkasyon sa dagat, magkasamang pagdedebelop sa dagat kasama ng mga karatig na bansa at paghawak sa mga hidwaang panghangganan sa dagat.

Host: Mahalaga ang tungkulin ninyo. Dahil mahirap ang mga gawaing diplomatiko, puwede po bang isalaysay ang kasalukuyang kalagayang panghangganan ng Tsina?

Ouyang: Matatag ang pangkalahatang kalagayang panghangganan ng Tsina. Pero noong 2012, naging mas masalimuot ang kalagayan sa dagat.

Kahit humihigpit ang hidwaan ng Tsina at mga karatig na bansa sa mga hidwaang pandagat, nananatili pa ring maayos ang mga pandaigdigang linya ng paglalayag sa dagat ng Tsina at hindi naapektuhan ang kalayaan at kaligtasan sa paglalayag,

Dahil ang naturang mga isyu ay mga naiwang isyung historical, hindi ito kayang komprehensibong lutasin nang mabilisan. Sa ulat sa Ika-18 Sesyon Plenaryo ng Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, iniharap naming ang patuloy na pagpapahigpit ng kooperasyong pangkaibigan sa mga karatig bansa. Ito ang prinsipyo ng paghawak namin sa mga suliraning panghangganan at pandagat. Kasabay nito, hindi nagbabago ang paninindigang Tsino sa paglutas ng mga hidwaan sa pamamagitan ng mapayapang talastasan. Matatag ang determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa pambansang soberanya, katiwasayan at kaunlaran. Sa ibang dako, nakahanda naman ang Tsina na pasulungin ang diyalogo at kooperasyon sa mga may kinalamang bansa para likhain ang kondisyon sa paglutas ng mga hidwaan.

Host: Narito ang isang tanong mula sa isang Pinoy netizen. Sabi niya; Kaugnay ng pagharap ng Pilipinas ng mga hidwaan nila ng Tsina sa pandaigdigang arbitrasyon, ano ang mga nakatugong hakbangin ng Tsina?

Ouyang: Palagiang matatag at maliwanag ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea. Mayroong di-mapabubulaanang soberanya ang Tsina mga isla ng Nansha at rehiyong pandagat sa paligid nito. Ang direktang dahilan ng hidwaan ng Tsina at Pilipinas ay ilegal na sinakop ng Pilipinas ang ilang isla ng Nansha Islands. Kaugnay nito, matinding tinututulan ito.

Nauna rito, mayroon kaming nagkakaisang posisyon ng Pilipinas sa paglutas ng isyung ito sa pamamagitan ng bilateral na talastasan. Ang nasabing aksyon ng Pilipinas ay lumabag sa nagkakaisang posisyon ng dalawang panig. Ito rin ay lumabag sa prinsipyo ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea. Sa katotohanan, ang aksyon ng Pilipinas ay nakapinsala sa pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN para sa pagsisimula ng talastasan hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea.

Mataimtim na pinag-aralan namin ang umano'y kalatas ng Pilipinas at nakita namin ang maraming kamalian sa katotohanan at batas. Ito rin ay lumalabag sa prinsipyong isang Tsina at nakapinsala sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Kaya, ibinalik ng Tsina ang naturang kalatas.

Sa katotohanan, noong Marso ng taong 2010, opisyal na iniharap sa Pilipinas ng Tsina ang mungkahi hinggil sa pagtatatag ng mekanismo ng regular na pagsasanggunian ng dalawang panig hinggil sa isyung pandagat. Bukod dito, iniharap nang ilang beses ng Tsina ang muling pagsisimula ng mekanismo ng pagtatatag ng pagtitiwalaan ng dalawang bansa. Pero wala pa naming tinatanggap na anumang sagot ng Pilipinas. Umaasa kaming babalik ang Pilipinas sa tamang landas sa paglutas ng hidwaan sa pamamagitan ng bilateral na talastasan.

Host: Kaugnay ng ating paninindigang "shelve disputes, joined efforts in developing", may tanong ang netizen na si "news-ling": kung papaanong mabisang isasakatuparan ang target na ito. Ano ang mga nakatugong hakbangin ng Tsina sa mga aksyon ng ilang bansa na nakapinsala sa prinsipyong ito?

Ouyang: Ang paninindigang ito ay iniharap ni Deng Xiaoping noong 1978. Sa katotohanan, ito ay isang pansamantala at transisyonal na hakbangin. Hindi ito inimbento ng Tsina, kundi angkop sa mga may kinalamang tadhana ng pandaigdigang batas at malawak na ginagamit ng ibang mga bansa at rehiyon.

Ang paninindigang ito ay nagpapakita ng katapatan at pagsisikap ng Tsina para maayos na lutasin ang isyu ng South China Sea. Ito rin ay nakakatulong sa paglikha ng magandang kapaligiran at atmospera para lutasin ang isyung ito.

Narito ang mga hakbangin. Unang una, matinding tinututulan namin ito. Tapos isinagawa na ng pamahalaang Tsino ang mga may kinalamang hakbangin. Pero, palagian kaming naniniwala na kung ipapakita ng iba't ibang may kinalamang panig ang kanilang katapatan at pagsisikap, mahahanap talaga ang paraan ng paglutas sa isyung ito para pasulungin ang katatagan, kapayapaan at kasaganaan ng rehiyong ito.

Host: Ito naman ang tanong ni "Shuizhuwuhusihanyu": Ang mga aksyon ng Pilipinas sa probakasyon sa Tsina ay nagmula sa pagkatig ng Amerika. Ang patakaran ng Amerika sa pagbalik sa Asya ay humantong sa pagiging matigas ng Pilipinas sa isyu ng South China Sea. Ano ang masasabi mo hinggil sa papel ng Amerika sa isyung ito?

Ouyang: Batay sa mga pandaigdigang batas at regulasyon, ang isyu ng South China Sea ay dapat direktang lutasin ng mga bansang kasangkot sa pamamagitan ng bilateral na talastasan. Hindi kasangkot na bansa ang Amerika sa isyung ito at ipinahayag nito nang maraming beses na wala itong pinapanigan sa isyung ito. Bukas ang Tsina sa pagganap ng positibo at konstruktibong papel ng Amerika sa katatagan, kapayapaan at kasanggunian ng rehiyong Asya-Pasipiko. Kasabay nito, umaasa rin ang Tsina na lubos na igagalang at isasaalang-alang ng Amerika ang mga mahalagang kapakanan at makatwirang pagkabahala ng mga bansa sa rehiyong ito na gaya ng Tsina, nawa'y ipapatupad nila ang mga may kinalamang pangako sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito.

Host: Tanong mula kay Sophia: Noong 2002, nilagdaan ng Tsina at mga bansang ASEAN ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC). Sa kasalukuyan, nanawagan ang mga bansa na simulan ang talastasan hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea. Ipinahayag naman ng ASEAN na dapat marating ang pagkakaisang posisyon sa isyu ng South China Sea. Nangangahulugan ba ito na dapat makikipagsanggunian ang Tsina sa buong ASEAN para lutasin ang isyung ito at puwede bang lulutasin ng Code of Conduct ang isyung ito?

Ouyang: Ang DOC ay isang mahalagang dokumentong pulitikal ng Tsina at ASEAN at gumaganap ito ng mahalagang papel sa pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng South China Sea. Ang prinsipyo ng Code of Conduct ay naglalayong palalimin ang pagtitiwalaan at pasulungin ang kooperasyon sa halip ng hidwaan sa soberanya at teritoryo. Ang hidwaan sa isyu ng South China Sea ay hindi isyu sa pagitan ng Tsina at ASEAN. Dapat mapayapang lutasin ito sa pamamagitan ng direktang mapagkaibigang pagsasanggunian at talastasan ng bansang sangkot. Bilang isang organisasyong panrehiyon, hindi ihaharap ng ASEAN ang kahilingan sa karapatan ng teritoryo at dagat. Kaya hindi ito magiging kasamang panig sa hidwaan para lumahok sa talastasan.

Host: Huling tanong, ano ang masasabi mo hinggil sa mga pagkakataon at hamon para sa gawaing panghangganan at pandagat ng Tsina sa taong 2013.

Ouyang: Mahirap talaga ang tanong mo. Tulad ng sinabi natin kanina, hindi kayang komprehensibong lutasin ang hidwaang panghangganan ng Tsina at ilang karatig na bansa sa malapit na hinaharap. Kaya sa taong 2013, ang pangunahing hamon ay mga isyung pandagat. Siguro patuloy na lumulubha ang ilang isyu sa ilalim ng epekto ng mga ilang bagay. Sa ibang dako, dapat ibayo pang humigpit ang pagkakaisang posisyon ng Tsina at mga bansa sa rehiyong ito sa nagkakasamang pangangalaga sa panrehiyong katatagan, kapayapaan at kaunlaran. Hindi inaasahan ng mga bansa sa rehiyong ito na maaapektuhan ang katatagan, kaunlaran at kapayapaan ng rehiyong ito dahil sa ilang isyung bahagi ng bilateral na relasyon. Bukod ito, pinahahalaganan ng mas malaki ng mga karatig bansa ang paglutas ng mga hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo nila ng Tsina. Mas masidhi pa rin ang hangarin ng mga bansa sa pagpapalalim ng kooperasyon sa Tsina para magkakasamang umunlad. Ito ay mga bentahe para sa pangangalaga ng Tsina sa katatagan ng hangganan. Kung anuman, patuloy na igigiit ng Tsina ang landas ng mapayapang pag-unlad, win-win situation, at nakahanda ding pasulungin ang kooperasyon at diyalogo sa mga may kinalamang bansa para likhain ang mainam na kondisyon sa paglutas ng hidwaan.

Host: Salamat Ginoong Ouyang sa paglahok ninyo sa programa ngayong hapon at ibinahagi namin ang mga kalagayan hinggil sa gawaing panghangganan at pandagat para ipaalam ang mga kahirapan at pagsisikap sa proseso ng naturang mga gawain. Sa tingin ko, kailangan namin ang mas maraming pasensiya para hanapin ang mas maayos at mabisang paraan sa paglutas ng isyung ito. At salamat muli sa inyo.

Ouyang: Ikinagagalak ko naman ang paglahok sa programang ito para isagawa ang pagkikipagpalitan sa mga tagapakinig ng CRI sa radio at internet. Salamat naman sa mga tanong, ito'y makakatulong sa aming trabaho sa hinaharap. Patuloy kaming magsisikap para pangalagaan ang pambansang soberanya at kapakanan sa teritoryo at dagat, pasulungin ang kooperasyon sa mga karatig na bansa upang makakasamang pangalagaan ang katatagan ng rehiyong ito at pasulungin ang magkakasamang pag-unlad.

Host: Hanggang diyan na lang ang oras natin sa programang ngayong hapon, maraming salamat po sa iyong pakikinig at paglahok,

Ouyang: Salamat!