Mga deputado ng NPC:
Ngayon, mag-uulat na ako, sa ngalan ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang gawain ng pamahalaang sentral noong nakaraang 5 taon, at maghaharap ng mga mungkahi hinggil sa gawain sa taong 2013. Susuriin po ito ng mga kinatawan. Ihaharap din ng mga miyembro ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) ang mga mungkahi hinggil dito.
Part I Pagbalik-tanaw sa mga gawain noong nakaraang limang taon
Ang nakaraang limang taon sapul nang unang sesyon plenaryo ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ay nasa napakaimportanteng katayuan sa proseso ng pag-unlad ng Tsina.
Maayos na hinarap ng Tsina ang malaking epekto ng pandaigdigang krisis na pinansyal at pinanatili ang matatag at mabilis na pag-unlad ng pambansang kabuhayan. Ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ay umabot sa 51.9 trilyong yuan RMB mula 26.6 trilyong yuan RMB na naging ika-2 pinakamalaking ekonomya ng buong daigdig. Ang kabuuang kitang piskal na pampubliko ay umabot sa 11.7 trilyong yuan RMB mula 5.1 trilyong yuan RMB. May karagdagang 58.7 milyong tao sa mga lunsod at nayon ang nagkaroon ng trabaho. Ang taunang kita ng mga residenteng urban at ng mga magsasaka ay magkahiwalay na lumaki ng 8.8% at 9.9%. Naisakatuparan ang 9 na taong singkad na paglaki ng kabuuang out-put ng pagkaing-butil. Natamo ang mga bagong progreso ng reporma sa mga mahalagang larangan at ibayo binuksan ang kabuhayan sa labas. Natamo naman ang mga inobasyon, na gaya ng manned space activities, survey sa buwan, Beidou Navigation system, super computer, at high speed railway. Opisiyal na sinimulang naisa-operasyon ang kauna-unahang aircraft carrier na "Liaoning". Matagumpay na itinaguyod ang Beijing Olympic Games, Beijing Paralympics, at Shanghai World Exposition. Maayos na natugunan ang mga malubhang likas na kapahamakan, na gaya ng grabeng lindol sa Wenchan at Yushu, at malaking landslide sa Zhouqu. Mabisa at matagumpay namang isinagawa ang mga gawaing panaklolo at rekonstruksyon sa mga apektadong lugar. Kapansin-pansing tumaas ang pangkalahatang puwersa ng bansa, produktibong lakas ng lipunan, lebel ng social security at pamumuhay ng sambayanang Tsino. Matagumpay na ipinatupad ang target ng ika-11 panlimahang taong plano (mula taong 2006 hanggang taong 2010), at sinimulan nang isagawa ang ika-12 panlimahang taong plano. Natamo ang malaking progreso sa usaping sosyalistang may katangiang Tsino, na kinabibilangan ng kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan, at kapaligirang ekolohikal.
Mga pangunahing gawain noong nakaraang limang taon:
Una, mabisang pagharap sa pandaigdigang krisis na pinansyal para pasulungin ang matatag at mabilis na pag-unlad ng kabuhayan.
Noong nakaraang limang taon, bilang tugon sa pagdaluhong ng malubhang pandaigdigang krisis na pinansyal, mabilis na isinaayos ang makro-kontrol sa pambansang kabuhayan, at isinapubliko ang sampung hakbangin para ibayo pang palawakin ang pangangailangang panloob at pasulungin ang matatag at mabilis na pag-unlad ng kabuhayan. Dinagdagan ang 4 na trilyong yuan pamumuhunan sa loob ng 2 taon para sa, pangunahin na, mga proyekto ng indemnificatory apartments, pamumuhay ng mga magsasaka, imprastruktura, gawaing pampubliko, pangangalaga sa kapaligiran, at inobasyon at gawaing rekonstruksyon sa mga lugar pagkatapos ng kalamidad.
Palagiang pinahahalagahan ng Pamahalaang Sentral ang maayos na paghawak ng ugnayan sa pagitan ng pananatili ng matatag at mabilis na pag-unlad ng kabuhayan, pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan at pagkontrol ng inflation. Walang humpay na isinaayos at pinabuti ang mga patakaran para makatugon sa mga isyung pangkabuhayan.
Noong 2012, kahit bumagal ang paglaki ng kabuhayan ng ibang mga pangunahing ekonomya sa daigdig at lumitaw ang mga panganib, ipinatupad pa rin ang itinakdang target ng paglaki ng kabuhayan. Lumaki ang GDP ng 7.8%. May karagdagang 12.66 milyong tao sa mga lunsod ang nagkaroon ng trabaho. Ang bahagdan ng paglaki ng presyo ng mga pang-araw-araw na kagamitan ng mga residente ay bumaba sa 2.6%. Ang mga ito ay naglatag ng matatag na pundasyon para sa pag-unlad ng kabuhayan sa taong 2013.
Noong nakaraang limang taon, nanatiling matatag at mabilis ang paglaki ng macro-economy ng Tsina. Matatag ang presyo ng mga paninda. Nadagdagan ang bilang ng mga hanap-buhay. Balanse ang international payments. Ang karaniwang bahagdan ng paglaki ng GDP ay umabot sa 9.3% na mas mataas sa karaniwang bahagdan ng buong daigdig. Matatag ang pambansang kabuhayan at puno ito ng kasiglahan.
Ikalawa, bumilis ang pagsasaayos sa estruktura ng kabuhayan para pataasin ang kalidad at episensya ng pag-unlad ng kabuhayan.
Iginiit ng Pamahalaang Sentral ang estratehiya ng pagpapalawak ng pangangailangang panloob. Kapansin-pansing tumaas ang ambag ng pangangailangang panloob sa paglaki ng pambansang kabuhayan. Ang proporsyon ng surplus ng current account surplus sa GDP ay bumaba sa 2.6% mula 10.1% noong dati.
Ikatlo, buong sikap na isinagawa ang mga gawaing may kinalaman sa agrikultura, kanayunan, at magsasaka para patatagin at palakasin ang pundamental na katayuan ng industriya ng agrikultura.
Kasabay ng proseso ng pagsasa-industriya, pagpapakalat ng impormasyon at pagsasalunsod, pinasulong din ang pagmomodernisa ng industriya ng agrikultura. Ipinatupad din ang mga mahalagang target na may kinalaman sa pangmatagalang pag-unlad ng agrikultura at kanayunan, at aktuwal na kapakanan ng mga magsasaka. Noong nakaraang limang taon, ang laang-guguling piskal ng Pamahalaang Sentral sa agrikultura, kanayunan, at magsasaka ay umabot sa 4.47 trilyong yuan RMB na may karaniwang taunang paglaking 23.5%.
Ikaapat, iginiit ang estratehiya ng pagpapasagana ng bansa sa pamamagitan ng siyensiya at edukasyon para palakasin ang nukleong kakayahan sa pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Ipinauna ng pamahalaang Tsino ang pag-unlad ng usapin sa edukasyon. Noong nakaraang limang taon, ang gastusin ng piskal na sentral sa edukasyon ay umabot sa 7.79 trilyong yuan RMB na may karaniwang taunang paglaking 21.58%. Inilaan ang mga yamang pang-edukasyon, pangunahin na, sa mga kanayunan, lugar na panghangganan, pambansang minorya at mahihirap na lugar para pasulungin nang malaki ang pagkakapantay-pantay ng edukasyon.
Buong sikap ding pinasulong ang inobasyon. Noong nakaraang limang taon, inilaan ng pamahalaang Tsino ang 872.9 bilyong yuan RMB sa larangan ng siyensiya at teknolohiya na may karaniwang taunang paglaking 18% pataas.
Pinalalim ang pagsasagawa ng estratehiya ng pagpapalakas ng bansa sa pamamagitan ng mga talento. Pinalakas ang konstruksyon ng grupo ng iba't ibang uri ng mga talento, lalo na sa mga talento na may mataas na antas at kakayahan.
Buong sikap na pinasulong ang usapin sa kultura. Inisyal na itinatag ang network ng pasilidad na pangkultura na sumasaklaw ng mga lunsod at kanayunan. Libre ang mga museo, aklatan at estasyon ng kultura.
Ikalima, kinimkim ang kapakanan ng sambayanang Tsino para buong sikap na igarantiya at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Ipinauna ng pamahalaang Tsino ang gawaing hanap-buhay sa usapin ng paggarantiya at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Isinagawa din ang proaktibong patakaran sa hanap-buhay at pinanatili ang katatagan ng pangkalahatang kalagayan. Komprehensibong pinasulong ang konstruksyon ng social security system. Pinatatag ang bagong sistema ng social insurance para sa matatanda na sumasaklaw ng buong bansa. Pinalalim ang reporma sa sistema ng kalusugan at pagamutan at pinatatag ang bagong sistema ng kooperasyong pangkalusugan sa mga kanayunan at saligang medical insurance system para sa mga residente ng lunsod para inisyal na buuin ang medical insurance system na sumasaklaw ng buong sambayanang Tsino. Pinabuti ang sistema ng indemnificatory apartments sa mga lunsod para sumaklaw ang dumaraming lugar.
Ikaanim, pinalalim ang reporma sa mga importanteng larangan para palakasin ang puwersang panloob ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Natamo na ng pamahalaang sentral ang malaking progreso sa mga importanteng larangan.
Ikapito, matatag na pinalawak ang pagbubukas sa labas para komprehensibong pataasin ang lebel ng bukas na kabuhayan.
Noong nakaraang limang taon, ang karaniwang taunang paglaki ng kabuuang bolyum ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina ay umabot sa 12.2% na tumaas sa ika-2 puwesto sa buong daigdig. Ginamit ang 552.8 bilyong dolyares na pondong dayuhan. Pinabuti ang estruktura ng paggamit ng pondong dayuhan at pinataas ang kalidad at lebel nito. Sinuportahan ang pagsasagawa ng mga bahay-kalakal ng Tsina ng pamumuhunan sa ibayong dagat at transnasyonal na operasyon. Ang bolyum ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa ibayong dagat liban sa pinansya ay umabot sa 77.2 bilyong dolyares noong 2012 mula 24.8 bilyong dolyares noong 2007 na may karaniwang taunang paglaking 25.5%. Ang pagbubukas ng Tsina sa labas ay ganap na nagpasulong ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan, pagpapabuti ng estruktura ng kabuhayan, paghikayat ng sulong teknolohiya at karanasan, pagdaragdag ng pagkakataon ng hanap-buhay at pagkita ng mga manggagawa. Ito rin ay nagbigay ng mahalagang ambag para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Ikawalo, aktuwal na pinahigpit ang konstruksyon ng sariling pamahalaan para ibayo pang palalimin ang reporma sa sistemang administratibo.
Pinasulong ng Pamahalaang Sentral ang reporma sa mga organo ng pamahalaan at inisyal na itinatag ang balangkas ng mga malalaking departamento at pinag-isa ang mga tungkulin ng mga departamentong hiniwalay dati. Palagiang iginiit ng Pamahalaang Sentral ang pundamental na prinsiyo sa mga gawain na kinabibilangan ng demokratiko at siyentipikong pagpapasiya ng patakaran, pagpapasulong ng pagbubukas ng mga administratibong gawain, pagpapabuti ng sistema ng pagsusuperbisa at pagpapahigpit ng gawaing paglaban sa korupsyon. Isinagawa din ang mga bagong hakbangin sa pag-iistandardisa ng kapangyarihang administratibo, pagtatatag ng bagong uri na pamahalaan na nagkakaloob ng maayos na serbisyo, may responsibilidad, tumatakbo batay sa batas at tumatanggi sa korupsyon.
Mga deputado:
Nitong 5 taong nakalipas, buong sikap na isinagawa namin ang Batas sa awtonomiya sa mga Rehiyong Pinaninirahan ng mga Grupong Etniko, komprehensibong isinagawa ang patakaran ng religious liberty, mataimtim na isinagawa ang patakaran sa mga suliranin ng Overseas Chinese. Ang mga suliraning pandepensa at gawain sa hukbo ay lumikha ng bagong kalagayan, at lalo pang pinalakas ang gawain sa suliranin sa HongKong, Macao at Taiwan.
Natamo ang bagong mahalagang progreso sa gawaing diplomatiko sa lahat ng larangan. Aktibong pinasulong namin ang relasyon sa iba't ibang malaking bansa, pinalakas ang pangkooperasyong relasyon na may mutuwal na kapakinabangan sa mga kapitbansa, maalwang itinatag ang Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA, pinasulong ang pag-unlad ng mga mekanismong pangkooperasyong panrehiyon na tulad ng Shanghai Organization Cooperation o SCO, pinalalim ang tradisyonal na pagkakaibigan at pakikipagtulungan sa mga umuunlad na bansa. Bukod dito, aktibong nakisangkot ang bansang ito sa mga pandaigdigang kooperasyon sa mga malaking isyu ng mundo na tulad ng paghaharap sa pandaigdigang krisis na pinansiyal, pagbabago ng klima at iba pa, pinasulong namin ang paglutas sa mga mainit na isyung panrehiyon at pandaigdig. At sa pamamagitan ng naturang mga gawain, lumikha kami ng mabuting pandaigdigang kapaligiran para sa katatagan ng pag-unlad at reporma ng Tsina, at nagbigay ng mahalagang ambag para sa kapayapaan, katatagan, pag-unlad at kasaganaan ng buong daigdig.
Mga deputado!
Pinaghirapan ang pagtatamo ng mga bunga nitong 5 taong nakalipas. Ito ay tagumpay ng pangkalahatang pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ito ring tagumpay ng magkakasamang pagsisikap ng buong partido at sambayanang Tsino. Sa ngalan ng Konseho ng Estado ng Tsina, ipina-aabot ko ang taos-pusong pasasalamat sa mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad, iba't ibang demokratikong partido, iba't ibang grupo at mga personahe ng iba't ibang sirkulo. Pinasasalamatan ko din ang mga pamahalaan ng iba't ibang bansa, mga organisasyong pandaigdig at mga kaibigang dayuhan na pinahahalagahan at kinakatigan ang konstruksyon ng modernisasyon ng Tsina.
Nalaman naming umiiral pa rin ang ilang problema sa proseso ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Sa pag-unlad, mayroong problema ng pagiging di-balanse, di-koordinado at di-sustenable; nagiging masidhi ang kontradiksyon sa pagitan ng presyur ng pagbagal ng paglago ng kabuhayan at labis na puwersa ng produktibong lakas; ang mga bahay-kalakal ay mayroong problema sa pagpapataas ng gastusin ng pagpapatakbo at pagpoprodyus ng mga bahay-kalakal at kakulangan sa kakayahan ng inobasyon; nagiging maliwanag ang kontradiksyon sa pagitan ng pagbagal ng kabilisan ng kitang pinansiyal at pagdaragdag ng expenditure ng pamahalaan; may lumilitaw na potensiyal na panganib sa larangang pinansiyal; di-makatuwiran ang estrukturang industriyal, nananatiling mahina ang pundasyon ng industriyang agrikultural; nagiging mas masidhi ang kontradiksyon sa pagitan ng pag-unlad ng kabuhayan at yaman ng kapaligiran; napakalaki ng agwat ng pag-unlad at pagbabahagi ng kita ng mga residente sa pagitan ng lunsod at nayon; maliwanag na lumaki ang kontradiksyong panlipunan, maraming problemang may kinalaman sa aktuwal na kapakanan sa mga mamamayan na tulad ng problema sa edukasyon, pagtatrabaho, segurong panlipunan, isyung medikal, pabahay, kapaligirang ekolohikal, kaligtasan sa mga pagkain at gamot, kaligtsan ng produksyon, social public security at iba pa, at mahirap ang pamumuhay ng ilang mamamayan. Marami ang balakid sa sistema at mekanismo na humahadlang sa pansiyensiyang pag-unlad, hindi komprehensibo ang pagbabago sa tungkulin ng pamahalaan, sa ilang larangan, naganap ang korupsyon.
Naganap ang ilang problema dahil sa pagtitipon ng mga kamalian sa mahabang panahon; para sa ilang problema, naganap sila sa proseso ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at ang pagkakaroon ng ilang problema ay dahil sa kakulangan ng gawain ng pamahalaan. Batay sa diwa ng pagiging responsable sa estado at mga mamamayan, dapat mabilis na lutasin namin ang mga umiiral na problema para hindi mabigo ang pag-asa ng mga mamamayan.
PartII Pangkalahatang Kalihingan ng Pag-unlad ng Kabuhayan at Lipunan, Pangunahing Target at Patakaran ng Makro-ekonomiya sa Taong ito
Sa kasalukuyan, ang pag-unlad ng ating bansa ay nanantiling nasa mahalagang yugto na may estratehikong pagkakataon, maraming paborableng pasubali at aktibong elemento para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, pero, kinakaharap rin ang maraming panganib at hamon. Patuloy na ipinapakita ang epekto ng pandaigdigang krisis na pinansiyal, mayroong kawalang-katatagan ang recovery ng kabuhayang pandaigdig. Dapat naming mapanumbalik ang kompiyansa, malaman ang kapuwa positibo at masalimuot na kalagayan ng larangan, magtrabaho nang totohanan at dibdiban.
Mga pangunahing balak na gawain sa taong 2013:
Dapat igiit ang pagpapataas ng kalidad ng paglaki ng kabuhayan bilang sentro ng gawain, palalimin ang reporma at pagbubukas, isagawa ang estratehikong inobasyon, komprehensibong pasulungin ang sosyalistang konstruksyon sa kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan, at ekolohiya para isakatuparan ang pangmatagalan at malusog na pag-unlad ng kabuhayan, at katatagan at may harmoniyang lipunan.
Ang mga pangunahing inaasahang target ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa taong 2013 ay:
Lalaki nang humigit-kumulang 7.5% ang GDP; lalaki nang 3.5% ang Consumer Price Index (CPI); pararamihin ang hanap-buhay para sa mahigit 9 milyong tao sa mga lunsod at bayan, at kokontrolin ang registered urban unemployment sa ilalim ng 4.6% rate; at patuloy na pabubutihin ang kondisyon ng international revenue at expenditure.
Kaugnay ng target ng paglaki ng kabuhayan: Sa isang banda, dapat patuloy na samantalahin ang pagkakataon at pasulungin ang pag-unlad. Sa kabilang banda, batay sa kahilingan ng Scientific Outlook on Development, ang pokus ng gawain ay dapat nasa mabilis na pagbabago ng paraan ng pag-unlad ng kabuhayan, pagsasa-ayos sa estruktura ng kabuhayan, at pagpapataas ng kalidad ng paglaki ng kabuhayan, para pasulungin ang pangmatagalan, malusog at sustenableng pag-unlad ng kabuhayan. Sa pagsasa-alangalang ng iba't ibang elemento, itinakda ang target ng paglaki ng kabuhayan sa taong ito sa 7.5%, at dapat tayong magsikap para isakatuparan ang target na ito.
Kaugnay ng pangkalahatang lebel ng presyo ng paninda: Sa mula't mula pa'y, ang pagpapanatili ng matatag na kabuuang lebel ng presyo ng paninda ay mahalagang target ng makro-kontrol. Dapat kontrolin ang Consumer Price Index (CPI) sa 3.5%. Ito ay natukog na matapos lubos na isaalang-alang ang iba't ibang elemento. Dapat aktuwal na igarantiya ang pag-suplay ng mahalagang paninda, pabababain ang gastusin ng paghahatid, palakasin ang pagsusuberbisa at pamamahala sa presyo ng pamilihan, at panatilihin ang pundamental na katatagan ng pangkahalatang lebel ng presyo ng paninda.
Patuloy na isasagawa ang proaktibong patakarang piskal:
Una, katamtamang daragdagan ang saklaw ng fiscal deficit at state treasure. Sa kasalukuyang taon, binabalak na isaayos ang 1.2 trilyong Yuan na fiscal deficit, na lalaki ng 400 bilyong yuan kumpara sa budget noong nakaraang taon. Sa taong ito, pagkatapos ng pagdaragdag ng fiscal deficit, ang deficit rate ay aabot sa 2%, sa kabuuan, ito ay lebel na may seguridad.
Ikalawa, sa pagsasanib ng reporma ng sistema sa buwis, pabubutihin ang patakaran ng pagbabawas ng buwis.
Ikatlo, buong lakas na pabubutihin ang estruktura ng gastos na piskal. Patuloy na magbibigay ng pakinabang sa larangan ng pamumuhay ng mga mamamayan na tulad ng edukasyon, kalusugan, segurong panlipunan at ibang mahinang larangan. Kokontrolin ang gastos na tulad ng pondong administratibo.
Ikaapat, patuloy na palalakasin ang pamamahala sa utang ng lokal na pamahalaan.
Isasagawa ang matatag na patakarang pansalapi.
Una, pabubutihin ang makro-framework ng patakaran, at patitingkarin ang papel ng patakarang pansalapi sa pagsasaayos ng kabuhayan. Ang inaasahang target ng paglaki ng M2 ay aabot sa 13%.
Ikalawa, pabubutihin ang pagbabahagi ng yaman, bibigyan ng patnubay ang mga organong pinansiyal na palakasin ang pagkatig na pinansiyal sa pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, at sa mga maliit na bahay-kalakal, at estratehikong bagong industriya. Paluwagin ang tsanel ng pangongolekta ng pondo ng mga real economy, bababain ang gastusin sa pangongolekta ng pondo ng mga real economy.
Ikatlo, iwasan ang pansistema at panrehiyong panganib na pinansiyal.
Part III Ang mga Mungkahi sa Gawain ng Pamahalaan sa Taong ito
Una, pagpapabilis ng pagbabago ng paraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan, at pagpapasulong ng sustenable at malusog na pag-unlad ng kabuhayan.
Ang sustenable at malusog na pag-unlad ng kabuhayan ay pundasyon ng lahat ng bunga na natamo ng social modernization construction. Sa kasalukuyan, hindi magbabago ang pundamental na kalagayan na ang Tsina ay nananatiling nasa unang yugto ng sosyalismo, hindi magbabago ang pangunahing kontradiksyong panlipunban--ang kontradiksyon sa pagitan ng lumalaki nang lumalaking pangangailangang materyal at kultural ng mga mamamayan at di-maunlad na produktibong lakas ng lipunan. Ang Tsina ay pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, at hindi nagbabago ang katayuang ito. Kaya, ang pag-unlad ay nananatiling susi sa paglutas ng lahat ng problema sa Tsina. Dapat igiit ang konstruksyong pangkabuhayan bilang sentro ng gawain ng buong bansa, ituon ang pansin sa konstruksyong pangkabuhayan.
Dapat buong tatag na ituring ang pagpapalakas ng pangangailangang panloob bilang pangmatagalang estratehiya ng pag-unlad ng kabuhayan, lubos na patingkarin ang pundamental na papel ng konsumo at masusing papel ng pamumuhunan. Dapat lalo pang paluwagin ang limitasyon sa pagpasok sa pamilihan ng di-pampamahalaang pamumuhunan para pasiglahin ang pamumuhunan.
Dapat buong lakas na pasulungin ang pagbabago ng paraan ng pag-unlad ng kabuhayan, pabilisin ang pagsasaayos sa estruktura ng industriya. Dapat pabilisin ang pagbabago at pagtaas ng tradisyonal na industriya, buong lakas na paunlarin ang hi-tek na industriya, at pataasin ang kalidad ng mga produkto at kakayahang kompetetibo ng pamilihan.
Dapat sumunod sa pag-asa ng mga mamamayan sa magandang kapaligiran ng pamumuhay, buong lakas na palakasin ang konstruksyon ng ekolohikal na sibilisasyon at mapangalagaan ang kapaligiran. Ang ekolohikal na kapaligiran ay may kinalaman sa kaligayahan ng mga mamamayan, at may kinalaman sa mga darating na henerasyon at kinabukasan ng nasyon. Dapat igiit ang pundamental na patakaran ng pagtitipid ng yaman at pangangalaga sa kapaligiran, buong lakas na pasulungin ang patakaran ng luntian, recycling at low carbon na pag-unlad. Dapat isagawa ang aktuwal na hakbangin para pigilin ang polusyon, pagsulungin ang pagbabago ng paraan ng pagpoprodyus at pamumuhay, lutasin ang mga namumukod na problema sa polusyon ng kapaligiran, pabutihin ang kalidad ng kapaligiran, at mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan.
Dapat malalim na isagawa ang kabuuang estratehiya ng panrehiyong pag-unlad, at pasulungin ang koordinadong pag-unlad ng panrehiyong kabuhayan.
Ikalawa, palalakasin ang pundasyon ng pag-unlad ng agrikultura at kanayunan, at pasusulungin ang integrasyon ng pag-unlad ng lunsod at kanayunan.
Ang nakalipas na ilang taon ay panahong pinakamabilis ang pag-unlad ng agrikultura ng Tsina, pinakamalaki ang mga pagbabago sa kanayunan, at pinakamarami ang benepisyong nakuha ng mga magsasaka. Sa kasalukuyan, ang kanayunan ay nananatili pa ring pokus ng komprehensibong pagpapatatag ng may kaginhawahang lipunan. Dapat gawing pinakamahalagang isyu sa lahat ng mga gawain ng pamahalaan ang maayos na paglutas sa mga isyu ng agrikultura, kanayunan at magsasaka. Ito ay hindi lamang siyentipikong paglagom ng karanasang pangkasaysayan, kundi ito rin ay pangmatagalang kaisipang tagapatnubay. Ang sistema ng lupa sa kanayunan ay may kinalaman sa pundamental na katatagan ng kanayunan, maging sa pangmalayuang pag-unlad ng Tsina. Ang nukleo ng sistemang ito ay dapat pangalagaan ang karapatan at kapakanan sa ari-arian ng mga magsasaka, at igarantiya ang saklaw ng 120 milyong hektaryang bukirin. Dapat patuloy na pag-ibayuhin ang laang-gugulin sa agrikultura, kanayunan at magsasaka, palakasin ang konstruksyon ng imprastruktura at sistema ng pundamental na serbisyong pampubliko sa kanayunan, pasulungin ang integrasyon ng pag-unlad sa lunsod at kanayunan, patibayin ang grupo ng produksyon at pamamalakad na agrikultural, at aktibong sanayin ang mga magsasaka na angkop sa pangangailangan ng bagong panahon.
May pagkokomplemento sa isa't isa ang pagsasalunsod at modernisasyon ng agrikultura. Dapat sundin ang obdyektibong batas ng pagsasalunsod, at aktibo't maayos na pasulungin ang malusog na pag-unlad ng pagsasalunsod.
Ikatlo, ipapauna ang paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at komprehensibong patataasin ang lebel ng pamumuhay na materiyal at kultural ng mga mamamayan.
Salamat sa walang humpay na pagsisikap, malinaw na lumalakas ang pagkokoordina ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina. Malalimang pagbabago ang lumilitaw ngayon sa estruktura ng lipunan, porma ng pag-oorganisa ng lipunan, at kayarian ng kapakanang panlipunan. Malinaw na dumarami ang mga kontradiksyon sa lipunan. Dapat gawing pokus ng lahat ng mga gawain ng pamahalaan ang paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at puspusang palakasin ang konstruksyon ng lipunan.
Daragdagan ang hanap-buhay sa pamamagitan ng iba't ibang paraan.
Kokumpletuhin ang sistema ng segurong panlipunan.
Palalalimin ang reporma at pag-unlad ng usaping medikal at pangkalusugan.
Unti-unting pabubutihin ang patakaran sa populasyon. Dapat igiit ang pundamental na patakaran ng family planning, sundin ang tunguhin ng pagbabago ng kabuuang bilang at estruktura ng populasyon ng bansa, maayos na lutasin ang isyu ng bilang, kalidad, estruktura at pagkalat ng populasyon, at pasulungin ang pangmatagalan at balanseng pag-unlad ng populasyon.
Palalakasin at babaguhin ang administrasyong panlipunan. Dapat pabutihin ang paraan ng pamahalaan sa pagkakaloob ng serbisyong pampubliko, palakasin ang administrasyong panlipunan at konstruksyon ng sistemang panserbisyo sa nakabababang yunit, kompletuhin ang sistema ng awtonomiya ng mga taganayon at tagalunsod, at igarantiya ang direktang paggamit ng mga mamamayan ng kanilang demokratikong karapatan sa pangangasiwa sa mga suliraning pampubliko sa nakabababang yunit alinsunod sa batas. Ang kaligtasan ng pagkain at gamot ay isa pang isyung pinagtutuunan ng pansin ng mga mamamayan. Dapat baguhin at kompletuhin ang sistema ng pagsusuperbisa at pangangasiwa sa kaligtasan ng pagkain at gamot, pahigpitin ang pagsusuperbisa at pangangasiwa sa buong proseso ng produksyon at konsumo, pabilisin ang pagbuo ng siyentipiko't makatwirang sistema ng kaligtasan ng pagkain at gamot na angkop sa aktuwal na kalagayan ng bansa, at pataasin ang lebel ng paggarantiya sa kaligtasan ng pagkain at gamot. Samantala, dapat palakasin din ang sistema ng seguridad na pampubliko at pundamental na konstruksyon ng maligtas na produksyon ng mga bahay-kalakal, at pigiling maganap ang mga malubha at napakalubhang aksidenteng panseguridad.
Palalakasin ang pagsasaayos at pagkontrol sa real estate market at proyekto ng pabahay para sa mga mamamayang mababa ang kita. Sa kasalukuyang taon, itinatag sa kabuuan ang 4.7 milyong indemnificatory housing, at sinimulan na ang konstruksyon ng karagdagang 6.3 milyong indemnificatory housing.
Ang edukasyon at siyensiya't teknolohiya ay may pundamental, pampatnubay, at pangkalahatang papel sa modernisasyon. Kasabay nito, dapat ilagay sa mas mahalagang estratehikong puwesto ang kultura.
Puspusang palalakasin ang edukasyon ng moralidad na panlipunan, at moralidad ng mga indibiduwal sa trabaho at pamilya.
Ika-4, palalalimin at pasusulungin ang reporma at pagbubukas, batay sa mas malaking katapangan at katalinuan.
Ang reporma't pagbubukas ay saligang lakas-panulak ng kaunlaran at progreso ng bansa. Pumasok na sa pinakakritikal na yugto ang reporma ng Tsina. Dapat ibayo pang palayain ang kaisipan, komprehensibong pasulungin ang reporma sa mga larangang gaya ng kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan at iba pa, at walang humpay na palalimin ang reporma.
Dapat ibayo pang kumpletuhin ang socialist market economy system. Buong tatag na patibayin at paunlarin ang sektor na pampubliko ng kabuhayan, hikayatin, katigan at patnubayan ang pag-unlad ng non-public ownership economy, sa gayo'y mabuo ang kapaligirang pansistema kung saan pantay-pantay na gagamitin ng iba't ibang uri ng kabuhayan ang mga elemento ng produksyon ayon sa batas, patas silang makisangkot sa kompetisyon ng pamilihan, at tumanggap ng magkaparehong garantiyang pambatas. Pabibilisin ang reporma sa sistemang piskal, sistema ng pagpapabuwis, isasaayos ang relasyon sa pagitan ng laang-guguling sentral at lokal, at pasusulungin ang pagtatatag ng sistema ng buwis na makakabuti sa pagpapabuti ng estruktura at pagkakapantay-pantay ng lipunan. Dapat palalimin ang reporma sa sistemang pinansiyal. Matatag na pasulungin ang reporma ng pagsasapamilihan ng interest rate at exchange rate, palawakin ang transnasyonal na paggamit ng RMB. Palalimin ang reporma ng sistema ng pamumuhunan at pangingilak ng pondo, pasulungin ang reporma ng presyo, at kompletuhin ang mekanismo ng pagbuo ng presyo ng produktong yaman.
Ang sistema ng distribusyon ng kita ay isang saligang sistema sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Ito rin ang mahalagang pundasyon ng socialist market economy. Iniharap na namin ang mga kuru-kuro hinggil sa pagpapalalim ng reporma sa sistema ng distribusyon ng kita. Dapat pabilisin ang pagtatakda ng mga konkretong patakaran, mabisang resolbahin ang mga umiiral na problema sa larangan ng distribusyon ng kita, at paliitin ang agwat ng distribusyon ng kita, para maigarantiyang pantay-pantay na makikinabang ang lahat ng mga mamamayan sa mas maraming bunga ng kaunlaran.
Dapat pasulungin ang konstruksyon ng sosyalistang demokrasya at pangangasiwa batay sa batas. Paunlarin ang mas malawak, mas lubos at mas kompletong demokrasya, igarantiya ang pagtatamasa ng mga mamamayan ng malawakang karapatan at kalayaan batay sa batas, at pasulungin ang komprehensibong pag-unlad ng mga mamamayan. Igiit ang pangangasiwa sa bansa alinsunod sa batas, lubos na igalang ang awtoridad ng konstitusyon at batas, at igarantiya ang paggamit ng mga administratibong organo ng bansa ng kanilang kapangyarihan ayon sa batas. Igiit ang pagpapbuti ng punsyon ng pamahalaan, at itatag ang pamahalaang panserbisyo na may siyentipikong punsyon, mabuting estruktura, malinis at mabisang estilo ng pamamahala, at ikasisiya ng mga mamamayan. Tutulan ang pag-aksaya, at pawiin ang pormalismo at burukrasya. Bigyan ng karapatan sa pagsusuperbisa sa pamahalaan ang mga mamamayan. Tutulan ang korupsyon, at palakasin ang konstruksyon ng malinis na administrasyon.
Dapat igiit ang pundamental na patakaran ng pagbubukas sa labas, at isagawa ang mas aktibo't kusang-loob na estratehiya ng pagbubukas. Kasabay ng pagpapatatag ng pagluluwas at pagpapalawak ng pag-aangkat, dapat pasulungin ang pagbabago ng kalakalang panlabas tungo sa pagpapataas ng kalidad at episyensiya, at pagpapahalaga ng bentahe sa komprehensibong kompetisyon. Pasulungin ang pagbuo ng bagong bentahe sa kompetisyon ng pagluluwas na ang nukleo nito ay teknolohiya, tatak, kalidad, at serbisyo. Igiit ang pagbubukas, kapwa sa mga maunlad na bansa man, at sa mga umuunlad na bansa, at palawakin at palalimin ang komong interes sa iba't ibang panig.
Mga deputado,
Dapat buong tatag tayong kumapit sa kaisipan ng kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at win-win situation, tumahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, igiit ang nagsasarili at mapayapang patakarang panlabas, at magpasulong sa pangmatagalang kapayapaan at komong kasaganaan ng buong mundo.
Mga deputado,
Sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan, masasabing lumikha tayo ng kahanga-hangang tagumpay sa landas ng sosyalismong Tsino. Sa pagtanaw sa kinabukasan, may walang katulad na kasaysayang maluningning na prospek ang ating dakilang inang bayan. Sa ilalim ng pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at ang Pangkalahatang Kalihim nito na si Xi Jinping, magbubuklod at magsisikap tayo para sa komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan at pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino.