|
||||||||
|
||
Support group, kailangan ng mga kabataang nagdadalang-tao
ISANG pro-life organization ang nagsabing kailangan ng isang support system tulad ng pregnancy crisis counseling ang makapagdudulot ng mas magandang kinabukasan para sa mga problemadong mga kabataan.
Ayon kay AJ Perez, editor-in-chief ng FYI, official publication ng Pro-Life Philippines Foundation, lumalabas na walang mapuntahan ang mga kababaihan nangangailangan ng tulong.
Sa pagkakaroon na unplanned pregnancy, higit umanong tumitindi ang problema sa halip na pagtuunan ang kasalukuyang situasyon ng mga kabataan. Nagtutungo sila sa mga makapagbibigay ng payo at lumalabas na wala silang mabalingan upang mahingan ng maayos na magagawa. May mga referral din sa maternity homes o pagbibigay ng sanggol upang maampon malayo lamang sa posibilidad ng paglalaglag.
Mula Enero hanggang Setyembre ng 2013, may 1,259 na counselees ang nagtungo sa apat na Pro-Life Philippines counseling centers sa bansa. May 188 ang nagtungo sa Legarda, Manila office, 494 sa St. Gerard Family Life Center sa Baclaran, 169 sa Baguio office at 408 sa San Juan de Dios Center sa Quiapo, Maynila.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |