Government Working Report
Ika-2 Pulong ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan o NPC
Idinadaos ngayong Ika-5 ng Marso, 2014
Premyer Li Keqiang
Mga kinatawan:
Ngayon, sa ngalan ng Konseho ng Estado, gagawin ko ang Government Working Report para suriin ng mga kinatawan ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC at iharap ang kaukulang mga mungkahi.
Unang Bahagi: Pagbalik-tanaw sa gawain noong 2013
Ang taong 2013 ay unang taon ng pangangasiwa ng bagong pamahalaan ng tungkulin alinsunod sa batas. Sa harap ng mahirap na panunumbalik ng kabuhayang pandaigdig, malaking presyur sa kabuhayang panloob, madalas na likas na kalamidad, mga kontradiksyon, at iba pang masalimuot na situwasyon, sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina o CPC na pinamumunuan ng Pangkalahatang Kalihim na si Xi Jinping, ang buong sambayanang Tsino ay kinaharap ang mga hamon, at napagtagumpayan ang mga kahirapan, matagumpay na natupad ang pangunahing target ng buong taon hinggil sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, at natamo ang malaking bunga sa reporma, pagbubukas sa labas, at konstruksyon ng sosyalistang modernisasyon.
Matatag na tumakbo ang kabuhayan at mainam ang tunguhin. Umabot sa 56.9 trilyong Yuan RMB ang GDP, na lumaki ng 7.7% kumpara sa taong 2012. Nakontrol sa loob ng 2.6% ang paglaki ng CPI, 4.1% ang unemployment rate sa mga lunsod at bayan. Umabot sa 13.1 milyon ang karagdagang bilang ng mga mamamayan sa mga lunsod at bayan na nagkaroon ng trabaho, ito ay naging bagong rekord sa kasaysayan. Lumampas sa 4 na trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat.
Patuloy na tumaas ang kita ng mga mamamayan at episiyensyang pangkabuhayan. Lumaki ng 7% ang kita ng bawat tao sa lunsod at bayan, at lumaki naman ng 9.3% ang aktuwal na kita ng bawat tao sa kanayunan. Nabawasan ang 16.5 milyong bilang ng mga mahihirap sa populasyon na nakatira sa kanayunan, patuloy na lumiit ang agwat ng kita ng mga mamamayan sa lunsod at kanayunan. Lumaki ng 12.2% ang kita ng mga bahay-kalakal na may tiyak na saklaw. Lumaki ng 10.1% ang financial income.
Natamo ng pagsasaayos ng estruktura ang positibong bunga. Lumampas sa 600 bilyong kilogram ang output ng pagkain-butil, na naisakatuparan ang paglaki nitong nagdaang 10 taong singkad. Umabot sa 46.1% ang value-added sa industriyang panserbisyo, na kauna-unahang beses na lumampas sa ika-2 industriya. Lumaki ng 7.5% ang bolyum ng paggamit ng buong lipunan ng koryente, at lumaki ng 9.9% ang kargamento.
Masaganang umunlad ang mga usapin sa lipunan. Natamo ang bagong progreso sa edukasyon, siyensya't teknolohiya, kultura, kalusugan, at iba pang larangan. Matagumpay na inilunsad ang Shenzhou-10, matagumpay na lumapag sa buwan ang Chang'e-3, at naging rekord ang lalim ng diving ng Jiaolong. Ang mga ito ay ipinakikitang ganap na may kakayahan at katalinuan ang mga mamamayang Tsino sa pagtatayo ng isang mapanlikhang bansa.
Noong isang taon, iginiit namin ang katatagan at kaunlaran. Pinatatag ang paglaki, isinaayos ang estruktura, at pinasulong ang reporma. Isinagawa namin ang serye ng pangmatagalang hakbangin at lumikha ng bagong simula para sa iba't ibang gawain.
Una, pinalalim ang reporma at pagbubukas sa labas, para mapasigla ang kasiglahan at tagapagpasulong na puwersang panloob ng pamilihan.
Gawing unang malaking gawain ng pamahalaan ang pagpapabilis ng pagbabago ng tungkulin ng pamahalaan, pagpapasimple ng proseso ng administratibong gawain. Isinagawa ang reporma sa mga organo ng Konseho ng Estado. Kinansela o ibinigay sa mas mababang departamento ang 416 na gawain hinggil sa pagsusuri at pag-aaprobang pulitikal. Lumaki ng 27.6% ang rehistradong bahay-kalakal, at umabot sa 63% ang puhunang pansibilyan sa lahat ng uri ng puhunan.
Pinalalim at pinalawak namin ang pagbubukas sa labas. Itinatag ang test area ng malayang sonang pangkalakalan sa Shanghai, China, iniharap ang ideya ng pagtatatag ng economic trip ng Silk Road, at Maritime Silk Road sa Ika-21 Siglo. Pinasulong ang pag-u-upgrade ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA). Nilagdaan ang kasunduan hinggil sa malayang kalakalan sa Switzerland at Iceland. Isinagawa ang patakaran ng pagpapatatag ng paglaki ng kabuhayang panlabas, pinabuti ang mga serbisyo ng superbisyon at pamamahala sa adwana, inspection at quarantine. Matagumpay na kinaharap ang mga malaking alitang pangkalakalan. Pinasulong ang pagluluwas ng teknolohiya at kasangkapan na gaya ng nuklear power, at iba pang larangan. Lumaki ng malaki ang pamumuhunan sa ibang bansa. Umabot sa halos 100 milyong person-time ang paglalakbay sa ibayong dagat.
Ikalawa, binago ang ideya at porma ng makro-kontrol, para maigarantiya ang maayos na takbo ng kabuhayan.
Noong unang hati ng nagdaang taon, sa harap ng pagtaas-baba ng pagluluwas, pagliit ng central financial income, at kahirapan sa bangko, iginiit namin ang positibong patakarang pinansyal at matatag na patakaran ng pananalapi, idinagdag ang mabisang pagsuplay, at inilabas ang potensyal na pangangailangan, para maigarantiyang nasa maayos na saklaw ang takbo ng kabuhayan.
Ikatlo, pinahalagahan ang pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan, para mapataass ang kalidad at episiyensiya ng pag-unlad.
Pinahigpit at pinalakas ang pundasyon ng agrikultura. Pinasulong ang reporma sa agrikultura, at kinatigan ang iba't ibang uri ng pamamalakad. Pinabuti ang 15,000 na maliit na reservoir, at nalutas ang problema ng seguridad sa tubig-inumin ng mahigit 63 milyong pang populasyon sa kanayunan. Pinalakas ang pangangalaga at konstruksyon ng kapaligirang ekolohikal, at umabot sa 21.6% ang saklaw ng pangungubat sa buong bansa.
Pinabilis ang pagsasaayos ng estruktura ng industriya. Isinulong ang pagpapaunlad ng industriyang panserbisyo, kinatigan ang pagpapaunlad ng bagong estratehikong industriya, pormal na naging komersyal ang 4G. Pinasulong ang pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga, at pagpigil sa polusyon.
Pinasulong ang konstruksyon ng imprastruktura. Lumampas sa 100,000 kilometers ang haba ng daambakal at high-way. Kabilang dito, lumampas sa 11,000 kilometer ang haba ng express railway, na naging pinakamahaba sa daigdig.
Pinasulong ang inobasyon. Lumampas sa 2% ang proporsyon ng gastos ng paggagalugad at pananaliksik ng buong lipunan sa GDP. Naisakatuparan ang mahalagang breakthrough sa mga masusing teknolohiya na gaya ng super-computer.
Ika-apat, totohanang iginarantiya at pinabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan, at pinasulong ang pagkakapantay-pantay at katarungan ng lipunan.
Iginarantiya ang pundamental na pamumuhay ng mga mamamayan. Isinagawa ang plano para mapasulong ang hanap-buhay ng mga graduate. Pinalakas ang pagsasanay sa mga lakas-manggagawa mula sa kanayunan, nagbigay-tulong sa mga residente sa lunsod na may kahirapan sa pagkakaroon ng trabaho. Pinasulong ang konstruksyon ng sistema ng seguro sa mga matanda at sistema ng pagbibigay-tulong ng lipunan, at magkahiwalay na tumaas ng 13.1% at 17.7% ang pamantayan ng mababang-seguro sa lunsod at kanayunan. Itinaas ng 10% ang pensiyon sa nagretirong tao ng mga bahay-kalakal.
Pinasulong ang pag-unlad at reporma sa edukasyon. Sinimulan ang proyekto ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap, pinabuti ang kompulsaryong edukasyon sa mga paaralan sa kanayunan. Isinagawa ang plano hinggil sa pagpapabuti ng sustansiyang pagkain para sa mga estudyante, at nakinabang dito ang 32 milyong bata. Sa mga napakahirap na rehiyon, ipinamahagi ang sustento sa mga guro, at lumaki ng 8.5% ang bilang ng mga estudyante na nakapasok sa pangunahing unibersidad kumpara sa 2012.
Pinalalim ang reporma sa sistema ng pagpapagamot at sanitasyon. Sumaklaw sa kabuuan sa buong bansa ang pundamental na medical insurance.
Pinasulong ang malusog na pag-unlad ng usaping kultural at industriyang kultural. Pinalawak ang librong pagbubukas sa lipunan ng instalasyong kultural. Pinalalim ang reporma sa sistema ng kultura, pinalakas ang konstruksyon ng pamilihang kultural.
Ikalima, pinabuti ang paraan ng pagsasaayos ng lipunan para mapanatili ang harmonya at katatagan ng lipunan.
Noong isang taon, naganap sa Tsina ang mga lindol sa Lushan ng lalawigang Sichuan, Minxian at Zhangxian ng lalawigang Gansu. Naganap ang baha sa Songhua River at Nenjiang River sa lalawigang Heilongjiang. Napakainit at napakatuyot sa katimugan ng bansa, binaha ang mga lugar na malapit sa dagat, at lumitaw ang bird flu. Sa harap ng nasabing mga kalamidad, kinumpleto namin ang emergency system para mapangalagaan nang hangga't makakaya ang kaligtasan ng mga mamamayan at kanilang ari-arian.
Pinalakas ang pagsuperbisa at pamamahala sa ligtas na produksyon at pamilihan. Pinabuti ang mga may kinalamang sistema, seryosong hinawakan ang mga aksidente at mga may kinalamang tauhang may responsibilidad. Muling itinayo ang organo ng pagsuperbisa at pamamahala sa pagkain at gamot, isinagawa ang malalim na pagsasaayos sa kaligtasan ng pagkain at gamot. Mahigpit na pinamahalaan ang kalidad ng milk powder ng mga sanggol at bata alinsunod sa kinauukulang pamantayan.
Ang taong 2013 ay taon ng paglikha ng gawaing diplomatiko na may bagong kayarian. Ang mga bagong lider ng Pamahalaan ay dumalo sa G20 Summit, Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng APEC, Shanghai Cooperation Organization (SCO) Summit, Pagtatagpo ng mga Lider ng BRICS, serye ng Pulong ng mga Lider ng Silangang Asya, at iba pang mahalagang multilateral na aktibidad, at dumalaw sila sa mga bansa, at natamo ang maraming bunga. Pumasok sa bagong yugto ang gawain ng diplomasiyang pangkapitbansa. Natamo ng diplomasiyang pangkabuhayan ang bagong progreso. Pumasok sa bagong yugto ang pakikipagtulungan at pakikipagpalitan sa mga umuunlad na bansa, matatag at umunlad ang relasyon sa mga malalaking bansa, gumanap ng responsibleng papel sa mga mahalagang suliraning panrehiyon at pandaigdig. Buong tatag na pinangalagaan ang soberanya at karapatang pandagat ng bansa. Ibayo pang tumaas ang impluwensya sa arenang pandaigdig.
Mga kinatawan!
Mahirap na natamo ang tagumpay noong isang taon. Sa ngalan ng Konseho ng Estado, ipinahahayag ko ang taos-pusong pasasalamat sa mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad, iba't ibang partidong diplomatiko, at mga personahe mula sa iba't-ibang sirkulo. Taos puso kong pinasasalamatan ang mga kababayan ng Hong Kong, Macau at Taiwan. Taos pusong pinasasalamatan ang mga pamahalaan, organisasyong pandaigdig at kaibigan ng iba't ibang bansa na inaasikaso at kinakatigan ang konstruksyong pang-modernisasyon ng Tsina.
Malinaw na nabatid namin na mayroong maraming kahirapan at problema sa landas ng pag-unlad. Ang mga ito ay: hindi pa matatag ang pag-unlad ng kabuhayan at kailangang palakasin ang tagapagpasulong na puwersang panloob. Mayroon pa ring krisis sa pisikal, pinansiya, at iba pang larangan, labis ang output ng ilang industriya, at mahirap ang makro-kontrol hinggil dito. Malaki ang kahirapan sa pagdaragdag ng output ng agrikultura at kita ng mga magsasaka. Malubha ang polusyon sa hangin, tubig, at lupain sa ilang rehiyon. Nagkakaroon pa rin ang mga mamamayan ng di-kasiyahan sa pabahay, kaligtasan ng pagkain at gamot, medikal, edukasyon, pamamahagi ng kita, kaligtasan ng lipunan, at iba pa. Hindi kompleto ang sistema ng kredito ng lipunan. Marami pa rin ang korupsyon. Sa harap ng nasabing mga problema, maghahanap ang pamahalaan ng dahilan at solusyon mula sa sarili, magsasagawa ng mga patakarang makakabuti sa mga mamamayan, para mabisang malutas ang mga problema.
Ikalawang Bahagi:
Ang kabuuang kahilingan sa gawain ng pamahalaan sa taong 2014 ay: panatilihin ang matatag na pag-unlad, pahalagahan ang inobasyon sa buong proseso ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, panatilihin ang patuloy at matatag na patakaran sa macro-economy, palakasin ang pangmatagalang prospek ng pagkontrol, komprehensibong palalimin ang reporma, patuloy na palawakin ang pagbubukas sa labas, pasiglahin ang inobasyon, igiit ang landas ng bagong pagsasa-industriya, pagsasa-impormasyon, pagsasalunsod, pagsasa-modernisasyong agrikultural, pabilisin ang pagbabago ng paraan, pagsasaayos ng estruktura, at pagpapasulong ng pag-u-upgrade, palakasin ang konstruksyon ng sistema ng pundamental na serbisyong pampubliko, buong lakas na pangalagaan at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan, totohanang pataasin ang kalidad at episiyensiya ng pag-unlad, buong tatag na pasulungin ang sosyalistang konstruksyon sa kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan, at sibilisasyong ekolohikal, at tupdin ang sustenable at malusog na pag-unlad ng kabuhayan, at harmonya at katatagan ng lipunan.
Ang pangunahing target ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa taong ito ay: aabot sa mga 7.5% ang paglaki ng GDP, makontrol sa mga 3.5% ang CPI, mahigit 10 milyong pang mamamayan sa lunsod at bayan ang magkakaroon ng trabaho, makokontrol sa loob ng 4.6% ang unemployment rate sa lunsod at bayan, lalaki nang sabay ang kita ng mga mamamayan at kabuhayan ng bansa.
Kaugnay ng paglaki ng kabuhayan, ang Tsina ay nananatili pa ring umuunlad na bansa, at nasa inisyal na yugto ng sosyalismo. Ang pag-unlad ay susi para malutas ang lahat ng mga problema. Kaya, dapat ituring ang pagpapaunlad ng kabuhayan bilang sentro at panatilihin ang resonableng bilis ng pagpapaunlad ng kabuhayan. Itatakda sa 7.5% ang target ng paglaki ng kabuhayan. Ito ay makakabuti sa pagpapalakas ng kompiyansa sa pamilihan at pagsasaayos at pagpapabuti ng estruktura ng kabuhayan. Ang matatag na paglaki ng kabuhayan ay maigagarantiya ang hanap-buhay at paglaki ng kita ng mga mamamayan.
Hinggil sa CPI, ang target na 3.5% ay ipinakikita ang kapasiyahan at kompiyansa ng pamahalaan sa pagpigil ng inflection at paggarantiya sa pamumuhay ng mga mamamayan. Taun-taong lumalaki ang output ng agrikultura, mas malaki ang pagsuplay kaysa sa pangangailangan sa mga produktong industriyal, sapat ang reserba ng pagkain-butil at iba pang material, malakas ang kakayahan sa pagkontrol sa pagluluwas at pag-aangkat, kaya marami ang positibong elemento para mapanatili ang pangkalahatang lebel ng presyo ng mga paninda. Sa kabilang dako, mayroon pang mga elemento na makakapagpasulong sa pagtaas ng presyo sa taong ito. Kaya, dapat pabutihin ang mga gawain tungkol sa pagkontrol sa presyo ng paninda para maiwasan ang malaking epekto sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Para mapatupad ang target ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa taong ito, dapat gawin nang mabuti ang mga susunod na prinsipyo at patakaran.
Una, dapat palalimin ang reporma. Ang reporma ay ang pinakamalakas na puwersa sa pagpapasulong ng pag-unlad ng Tsina. Dapat muna isagawa ang reporma sa mga larangang pinag-uukulan ng pansin ng mga mamamayan; isagawa ang reporma sa mga mainit na isyu na lumalabag sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan; at isagawa ang reporma sa mga aspekto na narating ng nagkakaisang posisyon ng buong lipunan. Ang mga ito ay naglalayong patingkarin ang nukleong papel ng pamilihan sa pagsasaayos ng mga yaman at pabutihin ang papel ng pamahalaan para rito. Bukod dito, dapat rin aktibong pasulungin ang reporma sa pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, at paalisin ang mga hadlang sa enerhiya ng pamilihan at pagsasaayos ng mga yaman, para pasiglahin ang nakatagong lakas ng buong lipunan sa inobasyon, patingkarin ang katarungan at pagkakapantay-pantay, at magkakasamang makapagtamasa ng bunga ng reporma at kaunlaran ang lahat ng mga mamamayang Tsino.
Ikalawa, dapat panatilihin ang pagtakbo ng pambansang kabuhayan sa makatwirang saklaw. Sa taong 2014, pabubutihin ang balangkas ng makro-kontrol na patakaran. Patatatagin ang paglaki ng kabuhayan, pagkakataon ng hanap-buhay, at inflation. Patuloy na isasagawa ang proaktibong patakarang pinansyal at matatag na patakaran ng pananalapi. Ang kabuuang bolyum ng deficit sa taong 2014 ay nakatakdang umabot sa 1.35 bilyong yuan RMB na lumaki ng 150 bilyong yuan RMB kumpara sa taong 2013. Ang kabuuang bolyum ng deficit at national bond ay tataas kasabay ng paglaki ng GDP, pero ang deficit ratio ay mananatili sa 2.1% para ipagpatuloy ang umiiral na patakarang pinansiyal. Ang inaasahang target ng bahagdan ng paglaki ng M2 sa taong 2014 ay aabot sa 13%.
Ikatlo, dapat buong sikap na pataasin ang kalidad at episiyensiya ng pag-unlad ng kabuhayan at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan. Kasabay ng pananatili ng paglaki ng kabuhayan, dapat patingkarin ang pangunahing papel ng inobasyon sa pagpapasulong ng kabuhayan sa halip na paglaan ng mga pondo at bagay lamang; dapat patingkarin ang bentahe ng komprehensibong kompetisyon sa halip na pagdepende sa mga tradisyonal na bentahe lamang; dapat pataasin ang katayuan ng mga industriyang Tsino sa sistema ng paghahati ng paggawa sa daigdig; dapat pasulungin ang balanseng pag-unlad ng mga kanayunan at lunsod. Bukod dito, pabubutihin ang sistema ng pagtasa sa mga gawain ng pamahalaan. Walang humpay na daragdagan ang pagkakataon ng trabaho at kita ng mga mamamayan. Walang humpay na pabubutihin ang kapaligirang ekolohikal. Ang mga ito ay magpapasulong ng mas sustenable, episyente, at panay na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Part III Mga Pangunahing Gawain sa taong 2014
Kung maayos na isasakatuparan ang mga gawain ng pamahalaan sa taong 2014, dapat pasulungin ang reporma, pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Una, pasulungin ang breakthrough sa reporma ng mga mahalagang larangan
Ang reporma ay ang paunang gawain ng pamahalaan sa taong 2014. Ang diin ng reporma ay nasa sistemang pangkabuhayan. Buong sikap na pasusulungin ng pamahalaan ang aktuwal na progreso ng reporma para dagdagan ang mga benepisyo para sa mga mamamayan.
Dapat ibayo pang palalimin ang reporma sa sistemang administratibo. Ibayo pang bawasan ng pamahalaan ang mga yugto ng pagsusuri sa mga proyekto para bigyang kapangyarihan ang mga pamahalaang lokal at pasiglahin ang pamilihan. Sa taong 2014, kakanselahin ng pamahalaang sentral ang mga yugto sa pagsusuri ng mga proyekto at ililipat sa mga pamahalaang lokal ang mga kapangyarihan ng pagsusuri. Bukod dito, isasagawa ang reporma sa pagsusuri sa mga proyekto ng pamumuhunan para mapadali ang proseso ng pamumuhunan at pagpapasimula ng negosyo; at pasiglahin ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal. Komprehensibong mapapawi ang mga yugto ng pagsusuri na walang kaugnayan sa mga suliraning administratibo. Matatapos sa kabuuan ang reporma sa mga organo ng pamahalaang lokal. Patuloy na pasusulungin ang reporma sa mga institution na ari ng estado. Pabubutihin ang pambansang sistema ng pagrehistro ng mga bahay-kalakal para pasiglahin ang takbo ng pamilihan.
Pahihigpitin ang pagsusuperbisa at pangangasiwa sa mga suliraning administratibo. Padadaliin ang proseso ng mga gawaing administratibo. Isasagawa ang pagsubok sa pagkakaisang pagsusuperbisa at pangangasiwa sa pamilihan. Pabibilisin ang konstruksyon ng sistema ng kredibilidad na panlipunan. Pasusulungin ang pagbabahaginan ng impormasyong pampamahalaan. Itatatag ang sistema ng blacklist ng mga bahay-kalakal na lumalabag sa prinsipyo ng kompetisyon sa pamilihan at nakakapinsala sa karapatan at kapakanan ng mga mamimili.
Pabubutihin ang reporma sa sistema ng piskal at buwis. Isasagawa ang komprehensibo, istandardisado, bukas at maliwanag na sistema ng budget. Dapat isapubliko ng mga pamahalaang lokal ang budget at final account. Pasusulungin ang reporma sa sistema ng buwis. Palalawakin ang saklaw ng value-added tax sa mga larangan ng transportasyon ng daambakal, serbisyo ng koreo, at tele-komunikasyon. Pabubutihin ang reporma sa mga buwis ng konsumo at yaman. Pabubutihin ang mga gawain ng paghahanda para sa lehislasyon ng buwis ng real estate at pangangalaga sa kapaligiran. Palalawakin ang saklaw ng preperensiyal na patakaran ng buwis para mapahupa ang pasanin ng mga maliit na bahay-kalakal.
Palalalimin ang reporma sa sistemang pinansiyal. Patuloy na pasusulungin ang pag-unlad ng pamilihan ng interes. Palalayain ang kapanyarihan ng mga organisasyong pinansiyal sa pagtakda ng presyo ng interes. Pananatilihin ang katatagan ng exchange rate ng RMB sa isang makawirang sona. Pasusulungin ang malayang pagpapalitan ng RMB. Pasusulungin ang pagtatatag ng pribadong pondo ng mga organisasyong pinansiyal na gaya ng maliit na bangko. Magbibigay-patnubay sa pamumuhunan ng pribadong pondo sa mga organisasyong pinansiyal at ahensiya ng serbisyo. Itatatag ang sistema ng seguro sa mga deposito. Pabubutihin ang sistema ng mga organisasyong pinansiyal sa pagharap sa mga panganib.
Pasisiglahin ang puwersa ng iba't ibang uri ng mga ekonomya. Pabubutihin ang kalagayan at estruktura ng ekonomya na ari ng estado. Pabibilisin ang pag-unlad ng ekonomya na magkasamang ari ng estado, pribado at dayuhan. Pabubutihin at itatatag ang modernong sistema ng bahay-kalakal at estruktura ng pangangasiwa sa pagtabo ng kompanya. Itatakda ang tadhana hinggil sa paglahok ng mga pondo na hindi ari ng estado sa mga proyekto ng bahay-kalakal na ari ng sentral na pamahalaan. Babalangkasin ang mga proyekto sa enerhiya at imprastruktura na pinahintulutan ang paglahok ng mga pondo na hindi ari ng estado. Isasagawa ang reporma sa sistema ng daambakal sa paghihikayat ng mga pondo. Bubuksan ang kompetisyon sa mga larangan na gaya ng tele-komunikasyon, koryente, petrolya, at serbisyong pampubliko. Pabubutihin ang sistema ng pangangalaga sa karapatan ng pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR).
Ikalawa, dapat pataasin ang antas ng pagbubukas sa labas sa bagong lebel
Dapat itatag ang bago at bukas na sistemang pangkabuhayan. Pasusulungin ang bagong round ng pagbubukas ng Tsina sa labas. Pahihigpitin ang malalim na reporma at pagsasaayos sa estruktura. Pabibilisin ang paghubog ng bagong bentahe sa kompetisyong pandaidig.
Lalakihan ang komprehensibo at aktibong pagbubukas sa labas. Igigiit ang aktibo at mabisang paggamit ng pondong dayuhan. Pasusulungin ang pagbubukas ng industriya ng serbisyo sa labas. Bubuuin ang kapaligiran ng komersyo na may patas na kompetisyon at pantay ang mga bahay-kalakal sa loob at labas na bansa, para panatilihin ang kabighanian ng Tsina sa pondong dayuhan. Pabubutihin ang konstruksyon at takbo ng malayang sonang pangkalakalan sa Shanghai para hanapin ang mga karanasan na palaganapin sa ibang mga lugar ng Tsina. Isasagawa ang mga bagong pilot project sa ibang lugar ng Tsina hinggil sa malayang sonang pangkalakalan.
Sa pananaw na estratehiko, pasusulungin ang pagtaas ng antas ng pagluluwas at pag-aangkat, at ang balanseng pag-unlad ng kalakalan. Tinatayang ang bahagdan ng paglaki ng kabuuang bolyum ng kalakalang panlabas sa taong 2014 ay aabot sa 7.5%. Dapat patatagin at pabutihin ang patakaran ng pagluluwas, mapadali ang pagpasok ng mga panindang inaangkat, at palawakin ang saklaw ng pilot project ng transnasyonal na e-commerce. Isasagawa ang patakaran ng pagpapasigla sa pag-aangkat, para dagdagan ang bolyum ng pag-aangkat ng mga produkto na kinakailangan ng pamilihang panloob.
Palalakasin ang kakayahang kompetibo sa pamamagitan ng "going out" policy. Pasusulungin ang reporma sa paraan ng pangangasiwa sa pamumuhunan sa ibayong dagat. Ibibigay sa mga pamahalaang lokal ang kapangyarihan sa pagsusuri at pagpapatibay ng mga proyekto ng pamumuhunan sa ibayong dagat. Pabubutihin ang serbisyo at garantiya na may kinalaman sa pinansiya, batas at diplomaya. Isasaayos ang proseso ng pamumuhunan sa ibayong dagat. Pasusulungin ang pagluluwas ng mga produktong Tsino, mga proyekto ng konstruksyon sa ibayong dagat at kooperasyon ng paggawa. Kikimkimin ang pagplano sa konstruksyon ng sonang pangkabuhayan ng Silk Road, Maritime Silk Road, sonang pangkabuhayan ng Bangladesh, Tsina, India, at Myanmar, sonang pangkabuhayan ng Tsina at Pakistan. Isasapubliko ang mga mahalagang proyekto. Pabibilisin ang konstruksyon ng transportasyon at komunikasyon sa pagitan ng Tsina at mga karatig na bansa. Palalawakin ang bagong espasyo ng pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya.
Pabubutihin ang ugnayan ng mga kooperasyong bilateral, multilateral, at panrehiyon. Pasusulungin ang mga talastasan hinggil sa serbisyo ng kalakalan, government purchasing, at teknolohiya ng impormasyon. Pabibilisin ang mga talastasan hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran, at e-commerce. Aktibong lalahok sa konstruksyon ng mga malayang sonang pangkalakalan sa mataas na antas. Pasusulungin ang mga talastasan hinggil sa kasunduang pampamumuhunan ng Tsina at Amerika, ng Tsina at Europa. Pabibilisin ding ang mga talastasan sa Timog Korea, Australia, at Lupong Pangkooperasyon ng Gulf hinggil sa malayang sonang pangkalakalan. Igigiit ang pagpapagsulong ng pagiging malaya at madali ng kalakalan at pamumuhunan para isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ng Tsina at ibang mga bansa sa daigdig, at magiging mainam ang magkasamang pag-unlad ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas.
Ikatlo, dapat palakasin ang pangunahing papel ng pangangailangang panloob sa pagpapasulong ng kabuhayan
Dapat gamitin ang konsumo bilang pangunahig paraan sa pagpapalawak ng pangangailangang panloob. Sa pamamagitan ng paglaki ng kita ng mga mamamayan at pagpapasigla sa kanilang hangarin sa konsumo, pabubutihin ang mga patakaran ng konsumo at huhubugin ang mga mainit na larangan ng konsumo. Dapat palawakin ang konsumo sa serbisyo; at katigan ang pagtatatag ng mga organisasyong panserbisyo. Pasusulungin, pangunahin na, ang mga serbisyo sa pag-aasikaso sa mga matatanda, kalusugan, turismo at kultura. Isasakatuparan ang patakaran ng bayad na bakasyon. Dapat pasulungin ang konsumo sa impormasyon; at pabilisin ang pag-unlad ng teknolohiya ng internet para ibayo pang pabutihin ang serbisyo ng internet sa mga kanayunan at lunsod.
Gagamitin ang pamumuhunan bilang susi sa pagpapatatag ng paglaki ng kabuhayan. Pabibilisin ang reporma sa sistema ng pamumuhunan at paghihikayat ng pondo. Pasusulungin ang pagiging depersipikado ng mga namumuhunan. Ayon sa national budget, itinakdang pataasin sa 457.6 biyong yuan RMB ang bolyum ng pamumuhunan ng pamahalaang sentral. Ang naturang pamumuhunan ay ilalaan, pangunahin na, sa mga proyekto ng indemnificatory apartments, agrikultura, mga malaking proyekto ng patubig, daambakal sa dakong Gitna at Hilagang kanluran ng bansa, pagtitipid ng enerhiya, pangangalaga sa kapaligiran, at mga usaping panlipunan. Ang mga ito ay naglalayong patingkarin ang kapuri-puring papel ng pamumuhunan ng pamahalaan.
Hububugin ang mga bagong lugar na pangkabuhayan bilang estratehikong pundasyon ng pag-unlad ng kabuhayan. Malalimang isasagawa ang pangkalahatang estratehiya ng pag-unlad na panrehiyon. Ipapauna ang paggagalugad sa gawing kanluran ng bansa. Komprehensibong pasisiglahin ang pag-unlad ng mga pambansang base ng industriya noong dati na gaya ng dakong hilagang silangan ng bansa. Buong sikap na pasusulungin ang pag-ahon ng dakong Gitna ng bansa. Kakatigan ang pagbabago at pagtaas ng estruktura ng kabuhayan sa dakong silangan ng bansa. Palalakasin ang pagtulong sa mga lugar na gaya ng rebolusyunaryong lugar bago itatag ang People's Republic of China (PRC), lugar ng mga pambansang minorya, lugar na panghanggahan, at mahihirap na lugar.
Ang rehiyong pandagat ay mahalagang bahagi ng teritoryo ng Tsina. Dapat igiit ang balanseng paggagalugad sa lupa at dagat; komprehensibong isagawa ang estratehiyang pandagat; pasulungin ang kabuhayang pandagat; at pangalagaan ang kapaligirang pandagat. Dapat ding buong tatag na pangalagaan ang pambansang kapakanan at karapatan sa dagat; at buong sikap na itatag ang isang malakas na bansang pandagat.
Ikaapat, dapat pasulungin ang pagmomodernisa ng agrikultura, pag-unlad at reporma sa mga kanayunan
Dapat ipauna ang paglutas sa tatlong isyu na may kinalaman sa agrikultura, kanayunan at pagsasaka; lubos na pahalagahan ang pambansang katiwasayan sa pagkaing-butil at paglaki ng kita ng mga magsasaka; at pasulungin ang pagmomodernisa ng agrikultura.
Palalakasin ang patakaran sa pangangalaga at pagkatig sa agrikultura. Patataasin ang presyo ng pagbili ng pamahalaan ng mga palay at butil. Patuloy na isagawa ang patakaran ng pansamantalang pagbili at pagreserba ng mais, rapeseed at asukal. Susubukin ang pagtatatag ng sistema ng presyo ng mga produktong agrikultura, ibig-sabihin, kung napakababa ng presyo ng mga produktong agrikultural, bibigyan ng subsidy ang mga tagapagprodyus, samantala, kung napakataas ng presyo ng mga produktong agrikultural, bibigyan ng subsidy ang mga mamimili.
Patatatagin ang pundasyon ng pag-unlad ng agrikultura at kanayunan. Sa taong 2014, itatatag ng bansang Tsina ang mga malaking proyekto ng patubig. Nakatakdang ilaan ang mahigit 70 bilyong yuan RMB para rito. Pabubutihin ang konstruksyon ng mga imprastruktura sa mga kanayunan na gaya ng tubig, koryente, lansangan, natural gas, at tele-komunikasyon. Babaguhin ang mga mapanganib na bahay ng 2.6 milyong pamilya sa mga kanayunan. Pabubutihin ang 200,000 kilometrong lansangan sa mga kanayunan. Dapat lubos na pahalagahan ang mga isyu na may kinalaman sa mga bata, kababaihan, at matatanda na iniiwan sa mga kanayunan. Sa taong ito, lulutasin ang isyu ng kaligtasan ng tubig-inumin na nakakaapekto sa 60 milyong populasyon sa mga kanayunan. Sa pamamagitan ng pagsisikap sa taong 2014 at 2015, maigagarantiya ang ligtas at malinis na tubig-inumin ng lahat ng mga populasyon sa mga kanayunan.
Aktibong pasusulungin ang reporma sa mga kanayunan. Igigiit at pabubutihin ang saligang sistema ng pagpapatakbo ng mga kanayunan. Bibigyan ng mas maraming karapatan sa ari-arian ang mga magsasaka. Pasusulungin ang iba't ibang uri ng pagpoprodyus at takbong agrikultural. Ang mga reporma sa kanayunan ay dapat batay sa katotohanan, paggalang sa hangarin ng mga magsasaka, at matatag na pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga magsasaka.
Makikita ang mga bagong paraan sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap. Pabibilisin ang paggagalugad sa mga mahihirap na lugar at pagpawi ng kahirapan. Palalakasin ng pamahalaan ang pagkatig sa konstruksyon ng mga imprastruktura at kooperasyong pangkabuhayan sa naturang mga lugar. Pabubutihin ang gawaing pangangalaga sa kapaligiran at saligang serbisyong pampubliko roon. Sa taong 2014, balak ng pamahalaan na bawasan ng mahigit 10 milyon ang bilang ng mga mahihirap sa kanayunan.
Ikalima, dapat pasulungin ang bagong uri ng pagsasalunsod na "put people first"
Sa darating na takdang panahon, buong sikap na lulutasin ang tatlong isyu na may kinalaman sa 100 milyong populasyon. Ang mga ito ay kinabibilangan ng pagpapasulong ng pagiging residente sa mga lunsod ng 100 milyong migrant workers, pagbabago ng mga shanty ng 100 milyong populasyon sa lunsod, at pagpapasulong ng pagsasalunsod ng mga lugar sa dakong gitna at kanluran ng bansa na sumasaklaw ng 100 milyong populasyon.
Maayos na pasusulungin ang pagiging residente sa mga lunsod ng mga migrant workers. Dapat unti-unting baguhin ang mga mahusay na migrant workers at kanilang kamag-anak para maging residente ng lunsod alinsunod ng kanilang hangarin. Dapat matatag na pasulungin ang mga saligang serbisyong pampubliko na sumasaklaw sa mga tao na pangmatalagang nakatira sa lunsod, para magkasama at pantay na makapagtamasa ang mga residente ng lunsod at migrant workers ng bunga ng modernisasyon ng lunsod.
Palalakasin ang pagkatig sa bagong uri ng pagsasalunsod sa dakong gitna at kanluran ng bansa. Patataasin ang kakahayan sa pag-unlad ng mga industriya at paghihikayat ng mga migrante sa naturang mga lugar. Pasusulungin ang paghahanap-buhay ng mga magsasaka sa mga lunsod sa paligid nila. Pabibilisin ang konstruksyon ng mga imprastruktura na gaya ng transportasyon, komunikasyon, patubig, enerhiya, at mga serbisyong pampubliko.
Pahihigpitin ang inobasyon sa pangangasiwa, at konstruksyon ng mga sistema hinggil sa pagsasalunsod. Dapat palawakin ang saklaw ng pagbabago sa mga shanty sa lunsod; pataasin ang episyensiya ng paggamit ng mga lupa ng konstruksyon sa lunsod; ipauna ang pag-unlad ng transportasyong pampubliko; at pangalagaan ang mga tanawing pangkasaysayan, pangkultura at likas yaman.
Ikaanim, dapat pabutihin at pataasin ang estruktura ng kabuhayan sa pundasyon ng inobasyon
Ang inobasyon ay ang saligang puwersa sa pagpapabuti at pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan ng bansa. Dapat ilagay ang inobasyon sa nukleong katayuan ng pangkalahatang kalagayan ng pag-unlad ng bansa, para pasulungin ang magkasamang pag-unlad ng siyensiya, teknolohiya, kabuhayan at lipunan, at pataasin ang katayuan ng mga industriya ng Tsina sa mataas na antas sa pandaigdigang sistemang industriyal.
Pabibilisin ang reporma sa sistema ng siyensiya at teknolohiya. Pahihigpitin ang pangunahing katayuan ng mga bahay-kalakal sa inobasyon ng mga teknolohiya. Pasisiglahin ang pagtatatag ng mga bahay-kalakal ng mga organisasyon ng pananaliksik at pagyari. Palalawakin ang saklaw ng paglaan ng pamahalaan sa saligang pananaliksik, frontier techonology, teknolohiya hinggil sa commonwealth, at mga mahalaga at masusing teknolohiya. Pabubutihin ang plataporma ng serbisyong pampubliko para sa siyensiya at teknolohiya. Pabubutihin rin ang mekanismo ng pagsasagawa ng mga espesyal at mahalagang proyekto ng siyensiya at teknolohiya. Pahihigpitin ang pangangalaga at paggamit ng IPR. Palalalimin ang pagsasagawa ng plano ng pagtuturo sa mga talento.
Ang pagsasaayos ng estruktura ng industriya ay dapat depende sa reporma. Dapat ipauna ang pagpapaunlad ng industriya ng serbisyo, at pasulungin ang komprehensibong pagsubok ng reporma. Dapat ding pasulungin ang magkakasamang pag-unlad ng inobasyon ng kultura, serbisyo ng desenyo, at mga may-kinalamang industriya. Dapat pabilisin ang pagpapaunlad ng industriya ng serbisyo na gaya ng seguro, komersyo, at siyensiya't teknolohiya. Dapat igiit ang pagsasakatuparan ng pagtitira ng matibay sa pamamagitan ng kompetisyon sa pamilihan, at hikayatin ang pagsasasama-sama at pagrere-organisa ng mga bahay-kalakal. Para sa mga industriya na sobrang labis ang kakayahan ng produksyon, dapat palakasin ang mga pamantayan na gaya ng pangangalaga sa kapaligiran, konsumo ng enerhiya at teknolohiya.
Ika-pito: Palakasin ang edukasyon, kalusugan, kultura, at iba pang konstruksyong panlipunan
Pasulungin ang pagpapaunld ng usapin ng edukasyon. Patuloy na daragdagan ang laang-gugulin sa dakong gitnang silangan ng bansa at sa kanayunan, at dapat ding pasulungin ang balanseng pag-unlad ng kompulsaryong edukasyon. Dapat komprehensibong pabutihin ang kondisyon ng pag-aaral sa mga paarlaan sa mga mahihirap na lugar. Ang bilang ng mga estudyante sa mahihirap na lugar na nakakapasok sa pangunahing unibersidad ay dapat lumaki pa ng mahigit 10% para magkaroon ang mas maraming bata mula sa kanayunan ng pagkakataon makapag-aaral sa pamantasan. Dapat palakasin ang konstruksyon ng grupo ng mga guro sa mga malayo't mahirap na lugar, at palawakin ang saklaw ng mabuting yaman ng edukasyon, at pabutihin ang kalagayan ng pamumuhay ng mga bata sa mga mahihirap na lugar. Patuloy na daragdagan ng pinansiyang sentral ang laang-gugulin sa edukasyon, at patataasin ang espisiyensiya ng paggamit at mapalakas ang superbisyon.
Pasusulungin ang pag-unlad ng reporma sa medisina. Dapat patibayin ang pundamental na medical insurance sa mga mamamayan. Sa pamamagitan ng reporma, pagsasamahin ang pundamental na medical at insurance system ng mga residente sa mga lunsod at nayon. Dapat pabutihin ang mekanismo ng pangolekta ng pondo na makatwirang isasabalikat ng pamahalaan, mga unit, at indibiduwal sa pundamental na medical insurance. Itataas sa 320 Yuan RMB bawat tao ang financial subsidy ng pundamental na medical insurance sa mga residente sa lunsod at nayon. Pasusulungin ang pagsasagawa ng seguro ng malubhang sakit sa mga residente ng lunsod at nayon sa buong bansa. Dapat ding palakasin ang pagbibigay ng tulong na medikal, pagbibigay ng pangkagipitang tulong sa mga may-sakit sa mga lunsod at nayon. Ang bilang ng mga pampublikong ospital sa antas ng bayan na isasagawa ang komprehensibong reporma ay aabot sa isang libo, na sasaklaw sa 500 milyong populasyon sa kanayunan. Palalawakin din ang komprehensibong reporma sa mga pampublikong ospital sa mga lunsod.
Ang kultura ay dugo ng isang nasyon. Dapat pasulungin ang pagsasapamantayan ng pundamental na pampublikong serbisyong pangkultura, at paunlarin ang kultura at sining, brodkast, pelikula, telebisyon, at iba pang usapin. Dapat ding pataasin ang lebel ng pag-unlad ng industriya ng kultura, at paunlarin at istandardisahin ang pamilihang pangkultura. Dapat pahalagahan ang pangangalaga sa mga relikya.
Pasusulungin ang pagsasaayos at inobasyon sa lipunan. Dapat pahalagahan ang porma ng pamamahala alinsunod sa batas. Dapat pabutihin ang sistema ng demokratikong pamamahala, at patingkarin nang mas mabuti ng mga organisasyong panlipunan ang kanilang papel sa pampublikong serbisyo at pagsasaayos sa lipunan. Dapat palakasin ang pamamahala sa pagharap sa pangkagipitang suliranin, at pataasin ang pampublikong seguridad, at kakayahan ng pagpigil at pagbabawas ng mga kalamidad. Dapat pabutihin ang mga gawain tungkol sa lindol, meteorolohiya, at iba pa. Dapat malalimang isagawa ang edukasyon ng pagpapalaganap ng batas, at palakasin ang pagbibigay ng tulong na pambatas. Dapat palakasin ang komprehensibong pagsasaayos sa panlipunang seguridad, at buong tatag na bigyang-dagok ang mga teroristikong aksyon para mapangalagaan ang seguridad ng estado, maitatag ang mainam na kaayusang panlipunan, at magkakasamang maitayo ang ligtas na Tsina.
Ika-walo: Pabutihin ang gawain ng paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan
Ang pundamental na layon ng gawain ng pamahalaan ay magkaroon ang lahat ng mamamayan ng mabuting pamumuhay, at igarantiya ang pundamental na pamumuhay ng mga mamamayan, at walang humpay na pataasin ang lebel at kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ang paghahanap-buhay ay ugat ng pamumuhay ng mamamayan. Dapat igiit ang pagsasagawa ng estratehiya ng pagpapauna ng paghahanap-buhay, at mas positibong patakaran hinggil sa paghahanap-buhay. Dapat ding pabutihin ang kapaligiran ng paghahanap-buhay at pagsisimula ng negosyo. Pauunlarin ang pagsisimula ng negosyo sa pamamagitan ng inobasyon, at pasisiglahin ang paghahanap-buhay sa pamamagitan ng pagsisimula ng negosyo. Aabot sa 7.27 milyon ang bilang ng mga magtatapos ng pag-aaral sa unibersidad sa taong ito, at dapat galugarin ang mas maraming trabaho, at isagawa ang walang tigil na serbisyo hinggil sa paghahanap-buhay at pagsisimula ng negosyo para mapataas ang proporsiyon ng paghahanap-buhay at pagsisimula ng negosyo ng mga undergraduate. Dapat palakasin ang pagbibigay-tulong sa populasyon sa mga lunsod at bayan na hirap makahanap ng trabaho.
Ang kita ay pinag-uugatan ng pamumuhay ng mga mamamayan. Dapat palalimin ang reporma sa sistema ng pagbabahaginan ng kita, at puspusang paliitin ang agwat ng kita. Dapat kumpletuhin ang mekanismo ng pagpapasiya at normal na paglaki ng kita ng mga manggagawa ng mga bahay-kalakal, at pasulungin ang kolektibong pagsasanggunian tungkol sa kita para maitatag ang may harmoniyang labour relation. Dapat dagdagan ang kita ng mga low-income labourers sa maraming tsanel, at walang humpay na palawakin ang proporsiyon ng mga middile-income labourers. Dapat isakatuparan ang paglaki nang sabay ng kita ng mga residente sa lunsod at nayon at kabuhayan ng bansa para mabigyang-kapakanan ang mga mamamayan.
Ang segurong panlipunan ay pundasyon ng pamumuhay ng mga mamamayan. Ang pokus nito ay dapat pasulungin ang reporma sa panlipunang sistema ng pagbibigay-tulong, at patuloy na pataasin ang lebel ng mababang-seguro sa mga lunsod at nayon. Dapat ding komprehensibong isagawa ang sistema ng pansamantalang pagbibigay-tulong, at magkaloob ng garantiya sa pundamental na pamumuhay ng mga mahihirap na mamamayan. Dapat paunlarin ang usapin ng pagtanda, at igarantiya ang karapatan at interes ng kababaihan, at bigyang-pansin ang pag-unlad ng mga bata. Dapat palakasin ang pangangalaga sa mga minor de edad at paggarantiya sa mga mahihirap na pamilya, at pabutihin ang pundamental na pampublikong serbisyo para sa mga may kapansanan, at katigan ang pag-unlad ng pagkakawanggawa para makuha ng lahat ng mahirap na tao ang pagmamahal mula sa lipunan.
Dapat pabutihin ang mekanismo ng paggarantiya sa pabahay. Upang maisakatuparan ang target ng paglutas sa problema ng pabahay ng lahat ng mga mamamayan, dapat isagawa ang mga hakbangin, at palakasin ang konstruksyon ng proyekto ng garantisadong bahay. Sisimulan ang konstruksyon ng mahigit 7 milyong garantisadong bahay sa taong ito. Dapat pataasin ang proporsiyon ng mga garantisadong bahay sa mga malalaking lunsod, at pasulungin ang sabay na pagsasa-operasyon ng public-rental housing at low-cost housing. Sa loob ng kasalukuyang taon, tatapusin sa kabuuan ang konstruksyon ng halos 4.8 milyong garantisadong bahay. Bilang tugon sa iba't-ibang kalagayan ng mga lunsod, dapat isagawa ang mga katugong hakbangin para mapasulong ang sustenable at malusog na pag-unlad ng real estate market.
Dapat mahigpit na tupdin ang mga batas at regulasyon na may-kinalaman sa work safety, at komprehensibong isakatuparan ang sistema ng responsibilidad ng work safety para buong tatag na pigilin ang pagganap ng grabeng aksidente. Dapat buong sikap na isaayos at istandardisahin ang kaayusan ng pamilihan, at patuloy na isagawa ang espesyal na pagsasaayos, at buong tinding bigyang-dagok ang kilos ng paglikha at pagbenta ng mga pekeng bilihin.
Ika-siyam: Puspusang itayo ang magandang lupang-tinubuan na may sibilisasyong ekolohikal
Dapa isagawa ang mahigpit na hakbangin para sa pagpigil sa polusyon. Sa mga malalaking lunsod at rehiyon na grabe ang problema sa kapaligiran, puspusang isasaayos ang problema sa PM2.5 at PM10. Dapat kumpletuhin ang bagong mekanismo ng magkakasamang paglahok ng pamahalaan, bahay-kalakal, at publiko, at isagawa ang hakbangin ng magkakasamang pagpigil sa polusyon, at malalimang isagawa ang plano ng aksyon sa pagpigil at pagsasaayos sa polusyon sa hangin at kapaligiran.
Dapat pasulungin ang pagbabago sa produksyon ng enerhiya at porma ng konsumo. Dapat ding palakasin ang pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga, at kontrulin ang kabuuang bolyum ng konsumo ng enerhiya.
Dapat ding pasulungin ang pangangalaga at konstruksyon ng kapaligirang ekolohikal. Dapat patuloy na isagawa ang mga malalaking proyektong ekolohikal.
Mga kinatawan!
Upang mapabuti ang gawain ng pamahalaan, dapat palakasin ang sariling reporma at konstruksyon. Dapat tupdin ng mga pamahalaan sa iba't-ibang antas ang responsibilidad at tungkulin na ibinibigay ng konstitusyon at batas. Ayon sa kahilingan ng bansa na pasulungin ang modernisasyon ng sistema at kakayahan ng pamamahala, dapat pabilisin ng mga pamahalaan sa iba't-ibang antas ang konstruksyon ng malinis at mapanlikhang pamahalaan na pangangasiwaan alinsunod sa batas, at puspusang magkaloob ng mainam at mabisang serbisyo para sa mga mamamayan.
Dapat malalimang isakatuparan ang pundamental na estratehiya ng pamamahala sa estado alinsunod sa batas. Dapat baguhin ang ideya at porma ng pangangasiwa ng pamahalaan, at pasulungin ang reporma sa pagbili ng pamahalaan ng serbisyo mula sa lipunan. Dapat palakasin ang konstruksyon ng mga civil servant, at komprehensibong pataasin ang kalidad ng mga kawani ng pamahalaan. Dapat ipauna ng lahat ng civil servant ang interes ng mga mamamayan para maging mabuting alagad ng mga mamamayan.
Dapat igiit ng mga pamahalaan sa iba't-ibang antas ang pagtitipid, at tutulan ang pag-aaksaya. Dapat malalimang pasulungin ang konstruksyon ng sistema ng paglaban sa korupsyon at pagtataguyod ng kalinisan, at buong tinding suriin at parusahan ang mga kasong may-kinalaman sa korupsyon. Dapat ding mahigpit na parusahan ang mga nasusuhulang opisyal.
Dapat kusang-loob na tanggapin ng mga pamahalaan sa iba't-ibang antas ang superbisyon ng kongresong bayan na pareho ang lebel, at pirmihang lupon nito, at tanggapin ang demokratikong superbisyon mula sa pulitikal na konsultatibong lupon ng mga mamamayan, at mataimtim na pakinggan ang mga mungkahi mula sa mga kinatawan ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), mga demokratikong partido, pederasyon ng industriya at komersyo, at mga personaheng hindi kaanib ng anumang partido. Dapat palakasin ang pagbubukas ng mga suliraning pulitikal, at kumpletuhin ang sistema ng tagapagsalita, at agarang tugunan ang pagkabahala ng lipunan.
Mga kinatawan!
Ang ating bansa ay isang nagkakaisang bansa na may maraming nasyonalidad, at ang iba't-ibang nasyonalidad ay pawang pantay na miyembro ng Nasyong Tsino. Dapat komprehensibo at tumpak na isakatuparan ang patakaran ng partido sa mga nasyonalidad, igiit at pabutihin ang autonomous system sa mga lugar ng nasyonalidad para mapasulong ang pagkakaisa, pag-unlad, at magkakasamang kasaganaan ng iba't-ibang nasyonalidad. Dapat mataimtim na isakatuparan ang mga patakaran at hakbangin ng Komite Sentral ng CPC hinggil sa pagkatig sa pag-unlad ng rehiyon ng pambansang minoriya. Dapat ding katigan ang pag-unlad ng nasyonalidad na may maliit na populsyon, at patuloy na isagawa ang aksyon ng pagpapa-ahon sa purok-panghanggahan at pagpapayaman ng mga mamamayan. Dapat pangalagaan at paunlarin ang mahusay na tradisyonal na kultura ng pambansang minoriya.
Dapat komprehensibong isakatuparan ang pundamental na patakaran ng partido sa gawaing pangrelihiyon, at pasulungin ang harmoniya ng relasyong pangrelihiyon. Dapat ding patingkarin ang positibong papel ng mga personahe mula sa sirkulo ng relihiyon at mga banal na mamamayan sa pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa.
Dapat maki-isa sa mga overseas at ethnic Chinese at mga nagbalikbayan na overseas Chinese, at patingkarin ang espesyal na papel ng mga overseas Chinese sa pakikilahok sa konstruksyon ng modernisasyon ng bansa, pagpapasulong ng mapayapang unipikasyon ng bansa, at pagpapasulong ng pakikipagpalitang pangkultura sa ibang bansa para walang humpay na mapalakas ang nagkakaisang puwersa ng Nasyong Tsino.
Mga kinatawan!
Noong isang taon, matatag na pinasulong ang konstruksyon ng tanggulang bansa at hukbo. Sa bagong taon, ayon sa target ng partido na palakasin ang konstruksyon ng hukbo sa bagong kalagayan, dapat walang humpay na pataasin ang battle effectiveness ng hukbo sa ilalim ng kondisyon ng pagpapalaganap ng impormasyon. Dapat buong tatag na tapusin ang mga tungkulin na gaya ng gawaing panaklolo pagkatapos ng kalamidad, paglaban sa terorismo, pangangalaga sa katatagan, tungkuling pamayapa, at paghawak sa pangkagipitang insidente, at aktibong lahukan at suportahan ang konstruksyong pangkabuhayan ng bansa.
Mga kinatawan!
Buong tatag na igigiit namin ang patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema," komprehensibo at tumpak na isasakatuparan ang saligang batas para mapanatili ang pangmalayuang kasaganaan, at katatagan ng Hong Kong at Macau. Kakatigan ang mga punong ehekutibo at pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong at Macau sa pangangasiwa alinsunod sa batas, puspusang pagpapaunlad ng kabuhayan, mabisang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagpapasulong ng demokrasiya ayon sa batas, at pangangalaga sa harmoniyang panlipunan. Ibayo pang palalawakin ang kooperasyon sa pagitan ng Mainland at Hong Kong at Macau para mapasulong ang sariling kakayahang kompetitibo ng Hong Kong at Macao.
Komprehensibong isasakatuparan namin ang patakaran sa Taiwan, at igigiit ang "Komong Palagay Noong 1992," at pangangalagaan ang balangkas ng "Isang Tsina." Patuloy na patitibayin at pahihigpitin ang pagtitiwalaang pulitikal ng magkabilang pampang, pasusulungin ang pakikisangsangkot sa kabuhayan, pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan, isasagawa ang pagsasanggunian at talastasan para mapanatili ang damdamin ng mga kababayan ng magkabilang pampang, at maisakatuparan ang dakilang usapin ng mapayapang unipikasyon ng bansa.
Mga kinatawan!
Ngayong taon ay ika-60 anibersaryo ng pagharap ng Limang Prinsipyo ng Mapayapang Pakikipamuhayan. Minamahal ng mga mamamayang Tsino ang kapayapaan. Nangangailangan ang konstruksyon ng modernisasyon ng ating bansa ng pangmalayuang matatag na kapaligirang pandaigdig. Patuloy na tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pagunlad, at patuloy na igigiit ang bukas na estratehiyang may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation. Buong tatag na pangangalagaan ang soberanya, seguridad, at kapakanan ng pag-unlad ng bansa, at totohanang pangangalagaan ang lehitimong karapatan at interes ng mga mamamayang Tsino sa ibayong dagat. Komprehensibong pasusulungin ang diplomasiya sa mga kapitbansa, patatatagin ang pagkakaibigan sa mga kapitbansa at palalalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Pangangalagaan din namin ang bunga ng tagumpay ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at kaayusang pandaigdig pagkatapos ng digmaan. Palalakasin ang pagkakaisa at pakikipagkooperasyon sa mga umuunlad na bansa, at pangangalagaan ang komong interes ng mga umuunlad na bansa. Palalalimin ang estratehikong diyalogo at pragmatikong pakikipagtulungan sa iba't-ibang malalaking bansa, at pasusulungin ang pagtatatag ng pangmalayuang matatag, at malusog na relasyon sa malalaking bansa. Ang Tsina ay isang responsableng malaking bansa, at aktibong makikilahok ang Tsina sa multilateral na suliraning pandaigdig, at patitingkarin ang konstruktibong papel para malutas ang mga isyung pandaigdig at maiinit na isyu, at totohanang mapangalagaan ang pagkakapantay-pantay at katarungang pandaigdig, at mapasulong ang pag-unlad ng kaayusang pandaigdig tungo sa mas makatuwiran at makatarungang direksyon. Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng iba't-ibang bansa sa daigdig para mapasulong ang pangmalayuang kapayapaan ng sangkatauhan, at maisakatuparan ang komong pag-unlad at kasaganaan.