|
||||||||
|
||
Mga sakuna at kamatayan, maiiwasan
KUNG magiging tapat ang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas sa trapiko at mga sasakyan, maiiwasan ang mga sakunang dahilan ng pagkasawi at pagkabalda ng mga motorista, mga naglalakad sa lansangan at iba pa.
Ito ang nagkakaisang pahayag nina dating Land Transport Franchising Regulatory Board Chair at Land Transportation Office Administrator Engr. Alberto Suansing, Dr. Ted Herbosa ng UP-PGH Emergency Room at Trauma Department, G. Johnny Angeles ng Automobile Association of the Philippines sa katatapos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.
Magaganap ito kung ang mga tsuper ay tunay na may kakayahang magmaneho ng mga sasakyang panglupa, magkakaroon ng maayos na maintenance ang mga sasakyan at madadaluhan ang pangangailangan ng mga tsuper at kawani ng transport companies at mga mananakay.
Ikinalungkot ni Johnny Angeles na magdiriwang ng kanyang ika-90 kaarawan sa taong 2016, na may mga sasakyang walang sapat na maintenance tulad ng mga bus na lumipad mula sa Skyway ilang buwan na ang nakalilipas. Bukod sa pagkakamali ng mga tsuper, kailangang tiyakin din na ligtas ang mga sasakyan sa mga mamamayan.
Para kay Dr. Herbosa, makakaiwas ang mga mamamayan, partikular ang mga tsuper, sa anumang sakuna kung may sapat na pagka-alam kung paano na magpahinga at kumain ng wastong pagkain sa kanilang pamamasada. Niliwanag pa niyang kailangan ang maasahang hanap-buhay sa Metro Manola sapagkat dito naipon ang mga nagmula sa mga lalawigan sa kanilang paghahanap ng trabaho.
Para kay dating LTFRB chair Suansing, napapanahong ipatupad ang nilalaman ng batas na nagpapalakas sa enforcement arm ng LTO sapagkat sa mga oras na ito, mangilan-ngilan lamang ang may kakayahang manghuli ng mga nagkakamali at nagsasamantalang mga lumalabag sa batas ng trapiko. Kailangan ding maliwanag sa pamahalaan kung hanggang saan makapaglalakbay o makakapamasada ang ibang mga sasakyan tulad ng mga tricycle at mga habal-habal.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |