Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino at mga kasama, nararapat magpaliwanag

(GMT+08:00) 2015-02-16 18:26:00       CRI

Matinding trapiko, malaking kawalan sa ekonomiya ng bansa

MALAKING KAWALAN SA EKONOMIYA DALA NG TRAPIKO.  Ipinaliliwanag ni G. Sergio Ortiz Luis (may mikropono) ng Employers Confederation of the Philippines na malaki ang nawawala sa productivity ng mga mangagawa at mga kumpanya dahil sa matinding traffic.  Ayon sa mga ekonomista, hindi bababa sa P 179 milyon ang nawawala sa ekonomiya sa bawat araw.  Ito ang paksa sa katatapos na "Tapatan sa Aristocrat" na dinaluhan din ni Engr. Bert Suansing, dating LTFRB Chair and LTO Administrator, Dr. Ted Herbosa ng UP-PGH ER and Trauma Department, Sr. Supt. Sheldon Jacaban ng Highway Patrol Group ng PNP, Johhny Angeles ng Automobile Association of the Philippines at Atty. Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers.  (Melo M. Acuna)

MALAKI ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa matinding daloy ng mga sasakyan. Sinabi ni G. Sergio Ortiz-Luis ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na apektado ang mga kumpanya sa kakulangan ng productivity ng mga manggagawa dala ng matinding traffic. Ito rin ang sinabi ni Atty. Sonny Matula, at mayroon nang mga kawani na natanggal sa tradaho dahil pagkabalam ng biyahe mula sa kanilang mga tahanan patungo sa kanilang work area.

Ayon kay dating NSO Administrator Carmelita Nuguid Ericta, hindi bababa sa P 179 milyon ang nawawala sa Metro Manila sa araw-araw dahil sa matinding traffic.

Kapwa naniniwala sina G. Ortiz-Luis at Atty. Matula na ang tanging paraan ay ang pagtatayo ng mga mass transport facilities upang mapakinabangan ng mga mamamayan.

Idinagdag pa ni G. Ortiz-Luis na ang pinakawalang-kwentang sasakyan ay ang kotse sapagkat mangilan-ngilan lamang ang nakakasakay. Hindi rin niya maunawaan kung bakit hindi pa inaalis ang number coding ng mga sasakyan sapagkat nagdulot ito ng mas maraming sasakyan sa lansangan sapagkat umiiwas sa pagbabawal kaya't nakakabili ng dagdag na sasakyan upang magamit din ng anim na araw sa bawat linggo.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>