Sentro Rizal ng Kunsulado ng Pilipinas sa Xiamen
|
Sentro Rizal sa loob ng Kunsolado ng Pilipinas sa Xiamen
Sa mga taon interesado sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, binuksan kamakailan sa kunsulado ang Sentro Rizal. Ang Sentro Rizal ay aklatan may mga materyales hinggil sa iba't ibat aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Maari ring makakuha ng impormasyon dito hinggil sa turismo at pamumuhunan sa Pilipinas. May Chinoy Corner din para sa nais magkaroon ng kaalaman hinggil sa kasaysayan ng mga Tsino na nanirahan sa Pilipinas mula panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan.Si Consul General Julius Caesar Flores
Bukod sa mga aklat, kapansin-pansin ang mga likhang sining sa kunsulado. Ang Heroes Hall ay nagpupugay kina Rizal, Bonifacio at Mabini.Sina ConGen Flores at Machelle Ramos ng CRI
Ani ConGen Flores, ang heart and soul ng isang bansa ay makikilala sa pamamagitan ng kultura. At ito ay itinataguyod ng sining at mga alagad nito. Kaya naman maraming mga art works ang prominenteng naka display sa ibat ibang bahagi ng tanggapan. Ang mga artworks ay likha ng mga Pilipino artists na sina Rene Robles at mag-amang artists na sina Aris at Del Bagtas.Harapan ng Kunsolado ng Pilipinas sa Xiamen
Parul San Fernando, minsang itinampok ng konsulado bilang bahagi ng mga aktibidad pang kultura nito sa Xiamen
May pagkakataon din ang mga artistically inclined na Pinoy sa Xiamen para ipakita ang kanilang taglay na talento. Sumasali sila sa mga art fairs ng lunsod. Bilang pagdiriwang sa ika 20 Anibersaryo ng Kunsulado, idinaos ang logo making contest at nagwagi sa timpalak na ito ang disenyo ni Bong Antivola. Ang disenyo ay ginagamit ng kunsulado sa marami nitong mga promo materials tulad ng souvenir items at give aways.Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos kay Consul General Julius Flores sa programang Mga Pinoy sa Tsina.