MPST
|
Ilulunsad sa Pilipinas sa darating na Mayo 24, 2017 ang Philippine Fujian Week. Kabilang sa mga aktibidad ay ang Fujian Food Festival sa Century Park Hotel sa Maynila, Business Forum at pagbisita sa Subic Bay Metropolitan Authority. Bubuksan din ang The Beauty of Fujian Photo Exhibition ng Foto-Grupo sa Lucky Chinatown Mall sa Binondo, Maynila sa May 27, 2017. At ang nasabing exhibit ay sabay ding makikita kasama ngcalligraphy exhibit sa tanggapan ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas sa Pilipinas simula May 30, 2017
Tampok sa episode ngayong araw ang isa pang miyembro ng FOTO GRUPO na naka base sa Xiamen, walang iba kundi si Bong Antivola.
Dalawa sa kanyang mga larawang itatanghal sa The Beauty of Fujian Photo Exhibition sa Pilipinas ay pawang mga collaborations ibang mga photographers. Sa panayam ng CRI Filipino Service, sinabi niyang ang kanyang photomontage ay naglalaman ng mga simbolo ng kulturang Pilipino at Tsino. Bukod dito representasyon din ang mga litrato ng mga karanasan ng isang dayuhang namumuhay sa Tsina.
Kung ihahambing sa istilo ng 3 pa niyang mga kasama sa exhibit na sina Dan Osillos, Dixx Gatpo at Cocoy Declaro, ang istilo ni Bong Antibola ay malayang paggamit ng iba't ibang techniques ng photography. Hindi maikakahon ito sa isang istilo lamang.
Sa panayam, naikuwento din niya ang isa pang nasalihang exbibit na ginanap sa Xiamen Zhang Xiong Museum sa pagisisimula ng taong 2017. Itinampok ni Bong Antivola ang installation art na nagpapakita ng mga bangkang nakadaong sa pampang ng ShiShi. Naiiba ito dahil kanyang ikinabit ang larawan sa isang metal mesh na nakabitin at hinayaang gumalaw-galaw.Lubos na kinagiliwan ito ng publiko.
Paano ba maipapakita ni Bong Antivola sa pamamagitan ng isang larawan ang kanyang pamumuhay sa Xiamen? Sagot niya larawan ng isang paraiso.
Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Bong Antivola sa kanyang opisina sa Yingke Vensco sa Xiamen.
Ang mga miyembro ng FOTO GRUPO kasama ang coverage team ng CRI Filipino Service.
Si Bong Antivola (kaliwa) kasama ang panauhing pandangal na si Cheng Ming (kanan), Deputy Director, Xiamen FOCAO, at si Consul General Julius Caesar Flores.
Mother Nature by Bong Ants & Lincoln Liu
Transitions by Bong Ants & Adam Deleu