Maria Faustino: Global Kids sa Beijing
|
Hindi biro ang magpaaral ng mga anak sa Beijing. Kung dayuhan ang bata at di marunong magsalita ng wikang Tsino, isang option ay ang pag-aralin siya sa mga international schools. Pero napakamahal naman ng tuition sa mga eskwelahang ito.
Si Maria Faustino at ang kanyang tatlong anak na sina Simon, Reimon at Edmon. Si Simon ay nag-aaral sa Mapua ng kolehiyo samantalang sina Reimon at Edmon ay nag-aaral ng high school sa Beijing Royal School.
Para kay Maria Faustino, ang pagdadala ng 2 niyang mga anak sa Beijing ay dahil sa swerteng pagkakataon sa Beijing Royal School kung saan 4 na taon na siyang Kindergarten teacher.
Si Maria Faustino (kaliwa) kasama ang CEO ng Beijing Royal School na si Wang Guangfa (kanan) at ang mga anak niyang sina Reimon at Edmon Abraham.
Isa sa kanyang benepisyo ay ang libreng tuition para kina Reimon at Edmon, kasalukuyang nasa Grade 7 at Grade 9 sa Middle School ng Bejing Royal School.
Ang BRS Varsity Basketball Team kung saan naglalaro sina Reimon at Edmon Abraham
Medalyang napanalunan ni Edmon sa sportsfest ng BRS noong 2016 kung saan nanalo siya sa 100m dash
Sa episode ng Mga Pinoy sa Tsina ibinahagi ni Maria Faustino ang dahilan kung bakit nya gustong mapalawig ang kaisipan ng kanyang mga anak sa tulong ng pag-aaral sa international school sa Tsina.