Chef Jack Melivo
Chef Jack Melivo
|
Kasalukuyang Spring Festival sa Tsina, at panahon ngayon para sa mga parties, family gatherings at pagbabakasyon. Sa ganitong festive na panahon, gaya ng kapaskuhan sa Pilipinas, napaka busy ni Jack Melivo, isang caterer. Kinse anyos pa lang si Chef Jack nahilig na siya sa pagluluto. Bilang propesyon, sa Middle East niya unang ipinamalas ang galing sa kusina. At 2008 sinubukan niya ang kapalaran sa Beijing. Nang magkapamilya, minabuti ni Chef Jack na maging "stay home" dad at naisipang mag-cater na lang sa libreng oras. Pero dahil sa tindi ng demand sa Beijing, lalo na ng Filipino community para sa Filipino food, sinimulan niya taong 2012 ang kanyang catering business. Pakinggan natin ang kwento ni Chef Jack kung paano niya pinalago ang kanyang negosyo sa Beijing sa episode ngayong araw ng Mga Pinoy sa Tsina.
Si Chef Jack Melivo
Bestseller na pangmiryenda ni Chef Jack
Lumpiang Sariwa
Lechon, na pangunahing inoorder ng mga Pinoy sa Beijing
Catering sa Philippine Embassy sa Beijing
Ang pamilya Melivo na itinataguyod ni Chef Jack at kanyang catering business sa Beijing