Fritz Labinghisa: 4th Anniversary ng Beijing Salsa Club
|
Sa Beijing, kilala si Fritz Labinghisa bilang Salsa Royalty. Pagdating sa sayawan, lalo na sa salsa, bachatta at kizomba, higit isang dekada na niyang ipinamamalas ang angking talento sa pagpe perform at maging sa pagtuturo. Kamakailan ipinagdiwang ang ika apat na taong anibersaryo ng Beijing Salsa Club na dinaluhan ng mga dancing enthusiasts na Tsino at dayuhan. Sa episode ngayong araw ng Mga Pinoy sa Tsina alamin natin kung anu-ano ang mga natupad niyang mga pangarap at ang pinagyayamang pamumuhay ni Fritz Labinghisa salamat sa pagsasayaw.
Mga estudyante nila Fritz at Joy Labinghisa na dumalo sa 4th Anniversary ng Beijing Salsa Club.
Si Fritz Labinghisa.
Ang pagsasayaw para kay Dorina Camenschi ay nangangahulugang dapat kaya mong ipahayag ang sarili sa pamamagitan ng anu mang uri ng sayaw. Importante na kilalanin ang sarili para magawa ito. Si Dorina ay taga Moldova at ilang buwan pa lang siyang nag-aaral ng Kizomba sa Beijing Salsa Club.
Tatlong taon nang estudyante ni Fritz si Joey Lyu. Kumpara sa pagpunta sa gym, mas masaya ang pagsasayaw ani Lyu at marami pa siyang nakikilalang mga bagong kaibigan na mahilig ding magsayaw.
Si Holly Wu ay isang independent at driven na career woman, pero pagdating sa dance floor hindi siya pwedeng maging dominante dahil aniya lalaki dapat ang magdala sa babae habang nagsasayaw. Kakaibang karanasan ito para sa kaniya.
Taga England si Stephen, at may isang taon na siyang miyembro ng Beijing Salsa Club. Aniya magaling na guro si Fritz kaya masaya ang bawat workshop nila.
Inanyayahan ng Beijing Salsa Club si Theodore Awadzi, mula Ghana upang magturo ng Kizomba. Makikita sa larawan ang sabay nilang pagde-demo ni Joy Labinghisa.