Allan Vibar: Robinsons Land sa Xiamen
|
Matapos ang labingtatlong taong pagtatrabaho sa pinapasukang kumpanyan, nagdesisyon si Allan Vibar na panahon ng para sa pagbabago. Tyempo namang inalok siya ng dating manager ng trabaho sa ibang bansa. Di na nagdalawang isip at nagdesisyong simulan ang pagbabago na matagal na rin niyang iniisip. 2007 nagsimula ang bagong buhay ni Engineer Allan Vibar sa Chengdu sa bagong kumpanya – ang Robinsons Land – sa isang bagong bansa, Tsina.
Si Allan Vibar
Sa kanyang panayam sa programang Mga Pinoy sa Tsina isinalaysay si Engr. Allan Vibar ang mga proyekto ng Robinsons Land sa Chengdu, Chongqing, Xiamen, Shanghai, Suzhou at Taichang.
"The strength of a team is seen in the cooperation extended beyond the four walls of the office. Job done with a smile." Management principle na pinaniniwalaan ni Allan Vibar.
Ani Vibar na isang katangian ng Robinsons Land Xiamen ay pagtatayo ng isang kumpletong kumunidad. Di na kailangang lumayo, may mga gusali para sa mga opisina, buildings na pwedeng tirahan, kalapit na mall para mag shopping at leisure amenities na pwedeng pasyalan.
Si Engr. Allan Vibar kasama ang kanyang team sa Robinsons Land Xiamen.
Alamin kung bakit naging kaaya-aya ang pagtira ni Allan Vibar sa Xiamen sa episode ng Mga Pinoy sa Tsina.