MST
|
Sa episode na ito hatid namin ang panayam sa tatlong puno ng government media ng Pilipinas na dumalaw sa Tsina bago magtapos ang 2016. Kabilang sila sa delegasyon na nakipagtagpo sa mga tanggapan ng mediang Tsino bilang unang hakbang sa mga planong pagpapalitan at kooperasyon sa pagitan ng dalawang panig.
Ang delegasyon mula sa Presidential Communications Office ng Malacanang ay pinamunuan ni Assistant Secretary Marie Banaag, kasama sina Dino Apolonio General Manager ng People's Television Network (PTV), Bong Aportadera Director ng Radyo ng Bayan (RNB) at Luis Morente, Executive Editor ng Philippine News Agency (PNA).
Pinaunlakan nina Ginoong Apolonio, Aportadera at Morente ng panayam si Mac Ramos at inilahad ang kanilang damdamin matapos makipagpulong kina Presidente Wang Gengniang ng CRI at kay Director An Xiaoyu ng CRI Southeast Asia Broadcasting Center kung saan kabilang ang Filipino Language Service.
Lubos na nagalak ang delegasyon sa mainit na pagtanggap ng mga puno ng CRI.
Sinabi ni Morente, interesado ang PNA sa pagpapalitan at aniya ito ay mutually beneficial at umaasang ang pagpapalitan ng balita ay magiging sustainable.
Dagdag ni Aportadera, bukod sa pagkakaroon ng correspondence sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, gusto ng Radyo ng Bayan na magkaroon ng pagpapalitan sa kaalamang panteknolohiya, best practices, at pagpapalitan ng mga tauhan gaya ng reporter para makakalap ng kaalaman.
Matapos ang pulong, balak ni Apolonio na gawin ang agad na aksyon para magkaroon ng bunga ang kanilang naging byahe sa Tsina. Long term ang nais niyang partnership sa mediang Tsino na sisimulan sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte at nawa ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon.
Pakinggan ang buong panayam sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Ang mga gentlemen sa litrato (L-R) ay sina Dino Apolonio, General Manager ng People's Television Network (PTV), Bong Aportadera Director ng Radyo ng Bayan (RNB) at Luis Morente, Executive Editor ng Philippine News Agency (PNA).
Si Presidente Wang Gengnian ng CRI (ika-4 mula sa kanan sa litrato) at delegasyong Pilipino.