Hans Sy: tiwala sa kanyang patuloy na pamumuhunan sa Tsina
|
Nitong weekend nagbukas ang pinakamalaking SM Mall sa buong Tsina. Ito ang SM Tianjin. Nanguna sa soft opening walang iba kundi si Ginoong Hans T. Sy, Chairman ng Executive Committee ng SM Prime Holdings.
Si Ginoong Hans T. Sy, Chairman ng Executive Committee ng SM Prime Holdings.
Alok ng pinakabagong SM na makikita sa Binhai New Area, malapit sa Tianjin Free Trade Zone ang subok naiibang shopping experience na napapaloob sa konseptong "All For You."
Gaya ng ibang mga SM Malls ito ay may SM Department Store, discovery park, theme shops, restaurants, Family Entertainment Center, makabagong sinehan at tindahan ng kilalang mga brands sa Tsina.
Si Hans Sy (gitna) kasama ang CRI Filipino Service Team.
Pinaunlakan ni Ginoong Hans Sy ang programang Mga Pinoy sa Tsina ng CRI Serbisyo Filipino ng exclusive interview.
Sa panayam ni Mac Ramos kanyang ibinahagi ang sikreto ng kanyang tagumpay. Sinabi niyang 3 bagay ang mahalaga: Stay focused. Stay hungry. Stay humble.
Paliwanag niya dapat malinaw ang hangarin at hindi dapat hayaan na maging balakid ang hamon. Kailangan handa kang karapin ito at patuloy na tupdin ang iyong mga pangarap. Kapag napasakamay ang tagumpay, manatiling mapagkumbaba.
Pakinggan natin ang damdamin ni Hans Sy sa kanyang bagong proyekto, kalagayan ng relasyong Pilipino-Sino, pagpapahalaga sa kapaligiran at mga balak pa sa hinaharap.
Si Stephen Tan, Senior Vice President ng SM Supermalls.
Samantala sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni Stephen Tan, Senior Vice President ng SM Supermalls na lubos na pinahahalagahan ng SM ang sining. Kaya kasabay ng soft opening ng SM Tianjin inilunsad din ang exhibit ni Chen Xiao isang artist na mula sa New Zealand. Sa panayam kanya ring ipinaliwanag ang ideya ng experiential malling ng SM. Ang buong panayam ay mapapakingan sa episode na ito ng Mga Pinoy sa Tsina.