20170104 Rizal Day
|
Ipinagdiwang noong ika-29 ng Disyembre, 2016 sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing ang Rizal Day. Payak na paggunita sa Ika-20 Anibersaryo ng Pagkamartir ni Dr. Jose Rizal ang nasaksihan at punong-puno ito ng kabuluhan. Matapos awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas, sinundan ito ng pag-aalay ng bulaklak sa busto ng Pambansang Bayani. Pagkatapos sinumulan ni Second Secretary Irish Kay Kalaw-Ado ang programa sa pamamagitan ng pagbabasa ng ilang punto mula sa artikulong isinulat ni Esteban de Ocampo, dating Chairperson at Executive Director ng National Historical Commission of the Philippines na pinamagatang "Sino ang Pumuli kay Rizal bilang pambansang bayani at Balit?"
Si Second Secretary Irish Kay Kalaw-Ado
Ibinahagi ni Second Secretary Ado na walang isang tao o pangkat ang naghirang kay Rizal bilang pangunahing bayani. Ang mga kababayang Pilipino at mga dayuhang lubos na nakilala sa kanya ang sama-samang kumilala sa kanyang pagkamartir at pagkadakila bilang bayani.
Dagdag ni Second Secretary Kalaw-Ado may tatlong katangiang ang isang bayani: una, ang isang bayani ay nagkaroon ng natatanging papel sa isang pagkilos; ikalawa, may pambihirang katapangan o walang pangamba sa panganib; at ikatlo, pagkamatay, ang bayani ay dinakila ng madla dahil sa katangi-tanging paglilingkod sa sangkatauhan. Lahat ng ito ay mga katangian ni Dr. Jose Rizal.
Si Minister/Consul Rhenita Rodriguez kasama si Mac Ramos ng Serbisyo Filipino
Simple man ngunit tunay na makabuluhan ang paggunita ng Rizal Day sa Philippine Embassy. Ani Minister/Consul Rhenita Rodriguez nawa ay sa pamamagitan nito ay nagunita ng mga dumalo ang mga sakripisyo at at naiambag ni Rizal para isulong ang nasyonalismo at pagmamahal sa bayan.
Sinariwa rin ni Minister/Consul Rodriguez ang mga matagumpay ng cultural activities ng pasuguan nitong nakaraang taon na kinabibilangan ng mga pagdalaw ng mga mag-aaral Tsino at Pilipino sa Sentro Rizal, ang matagumpay na pagpapalabas ng mga historical films na Bonifacio at Heneral Luna, ang film-showing ng Bamboo Flowers, isang highly acclaimed Filipino film atbp.
Ang CRI Team kasama ang mga diplomatang Pilipino
Nanawagan siya sa Filipino Community sa Beijing at buong Tsina na patuloy na suportahan ang embahada sa katulad na mga aktibidad at sinabing ang mga diplomatang Pilipino ay handang maglingkod sa mga kababayan sa anumang panahon.
Sina Chen Yao (kaliwa) at Zhang Xueyan (kanan) mula sa Beijing Foreign Studies University
Dumalo rin sa nasabing Rizal Day activity and dalawang mag-aaral mula sa Beijing Foreign Studies University. Kasalukuyang kumukuha ng Filipino language elective sina Zhang Xueyan at Chen Yao. Kanilang ibinahagi ang mga natutunan hinggil kay Jose Rizal at kulturang Pinoy. Binasa rin ni Chen Yao ang tula ni Han Zi na pinamagatang Nakaharap sa Dagat, Namumulaklak sa Tag-sibol.
Mga ulam ng Pinoy na inihain noong Rizal Day
Mga panghimagas na Pinoy
Pakinggan ang buong panayam at maging ang buong tula sa programang Mga Pinoy sa Tsina ni Mac Ramos.