MPST
|
Tampok sa episode ngayong araw sa programang Mga Pinoy sa Tsina si David Nye. Siya ay Foreign Editor sa dyaryong Global Times na naka base sa Beijing. Aniya isang dahilan kung bakit siya nagtrabaho sa peryodikong ito ay ang pagiging progresibo nito. Aniya, nilalabas ng Global Times ang mga istorya na hindi karaniwang nababasa sa mga diyaryong Tsino. Mahaba na ang karanasan ni David Nye sa media bukod sa Pilipinas, nagtrabaho na rin siya sa CCTV ng Tsina, TVB ng Hong Kong, Channel News Asia ng Singapore at Blue Ocean Network, cable network ng America na may studio sa Beijing. Kwento niya, iisa lang parati ang kanyang disposisyon pagdating sa pagbabalita, ito ang hindi pagkompromiso sa kanyang editing standards. Dahil kung ibaba ang pamantayan naniniwala siyang ito ay panlilinlang sa mga mambabasa ng peryodiko. Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos kay David Nye at alamin ang iba pa niyang opinyon hinggil sa galaw ng media sa Tsina at Pilipinas.
Si David Nye, Foreign Editor sa dyaryong Global Times.
Si David Nye, kinapanayam ni Machelle mula sa Filipino Service, China Radio International.