MPST
|
Sa Tsina maraming mga learning centers ang pinupuntahan ng mga estudyante, maging pre-school man o kaya ay adult professional, para mas gumaling sa wikang Ingles.
Ang Me & My English ay center na pag-aari ni Maria Faustino, isang Pinay. May dalawang taon na ring tumatakbo ang Me & My English Center sa Beijing.
Siyam na taong nang nagtatrabaho sa Tsina si Teacher Maria. Noong simula di niya linya ang pagtuturo, pero dahil sa sariling pagpupunyagi at tunay na hilig sa pagtuturo, ito na ang kanyang naging trabaho mula nang dumating sa Beijing. Kasalukuyan siyang full time teacher sa Beijing Royal School. Sa international school na ito Lead Teacher siya sa Kindergarden.
Nang magkaroon ng pagkakataong magbukas ng sariling center, di siya nagdawalang isip at sumige para patakbuhin ang kanyang first business venture sa Beijing.
Ibinubuhos niya ang libre niyang oras sa pagpapatakbo ng dalawang branches ng kanyang center. Sa panayam ibinahagi niyang di mapapantayan ang kanyang saya kapag tinuturuan ang mga bata, lalo pa't mother's approach ang kanyang istilo. Pahayag niya, iba ang galaw ng mga bata sa center kumpara sa school, at mas nafi-feel ang importansya niya di lang bilang guro kundi maging kaibigan o pangalawang ina.
Ano ang dahilan ng kanyang pagsubok sa negosyo? Una ang magkaroon ng bagong achievement sa buhay kung saan maipamamalas niya ang kanyang bagong mga kaalaman at kakayahan. Ikalawa ang malinaw na purpose sa buhay ang siya ring inspirasyon sa patuloy niyang pagpupunyagi sa Tsina.
May kaibhan ba ang turo sa Me & My English sa mga competitors sa Beijing? Sagot ni Teacher Maria dahil siya ang may-ari ng center, ibinubuhos niya ang lahat sa pagtuturo na di iniisip ang balik na pera.
Pakinggan ang iba pa niyang insights tungkol sa pagkakaroon ng sariling negosyo at ang pagtuturo ng wikang Ingles sa panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Maria Faustino
Si Maria Faustino kasama ang kanyang mga estudyante sa Me & My English Center.
Ang relaxed environment sa Me & My English Center ay nakakaambag sa masasyang pag-aaral ng mga bata.
Ang adult class sa Me & My English Center.
Kasama sa package na binabayaran ng mga bata ang learning materials na sa America pa binibili.
Isa sa mga multimedia teaching methods na ginagamit sa Me & My English.
Si Teacher Zara habang nagtuturo sa ilang kids ng Me & My English.
Si Darius ang business partner ni Maria sa Me & My English na nagtuturo rin sa kanyang libreng oras.