Bandung, Indonesia — Idinaos sa Maranatha Christian University nitong Martes, Mayo 23, 2017, ang Ika-3 Bandung Spirit Forum. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mahigit 150 kinatawan mula 12 Confucius Institute ng 8 bansang gaya ng Tsina, Pilipinas, Indonesia, Thailand, Myanmar, Laos, Malaysia, at Singapore, at mga kinatawan mula sa sirkulo ng edukasyon, kultura, at bahay-kalakal mula Indonesia at Tsina.
Sinabi ng Pangalawang Presidente ng nasabing unibersidad na ang layon ng pagdaraos ng porum ay pasulungin ang pag-uunawaan, pagkokoordinahan, at pagtutulungan ng isa't-isa. Ang temang pag-uusapan ay angkop sa komong pangangailangan ng mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road," aniya pa.
Sinabi naman ni Nurwardaniy, opisyal ng Ministri ng Edukasyon ng Indonesia, na ang "Belt and Road" Initiative ay umani ng pagtanggap at suporta ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Salin: Li Feng