Allan Vibar: Flash mob pinauso sa Xiamen
|
May kasabihan po tayong mga Pinoy na all work and no play makes Juan a dull boy. Sa kaso ni Engineer Allan Vibar, importante sa kanya ang paggigiit ng personal time matapos ang isang very hectic day sa trabaho.
Si Engineer Allan Vibar
Si Engr. Vibar ay Quantity Survey Manager sa Robinsons Land China at may 10 taong nang nakabase sa lunsod ng Xiamen, lalawigang Fujian ng Tsina.
Si Allan Vibar kasama ang grupong nagsimula ng First flashmob sa Xiamen.
Sa aming kwentuhan nalaman kong siya at ang kanyang mga dayuhang kaibigan ang nagpa uso ng flash mob sa Xiamen at dahil dito na front page pa siya sa dyaryo!
Ang flashmob na choreographed ni Allan Vibar na lumikha ng trend sa Xiamen.
Bukod sa kanyang hilig sa pagsasayaw, minsan ding nai feature si Allan, suot hindi hard hat kundi isang chef's hat sa isang restaurant commercial dahil may talento din siya sa pagluluto.
Balitang balita ang kauna unahang flashmob sa Xiamen na inorganisa ni Allan Vibar kasama ang kanyang mga kaibigan.
Kakaiba talaga ang galing ng Pinoy. Kumustahin natin ang pamumuhay niya sa Xiamen sa episode na ito ng programang Mga Pinoy sa Tsina.
Mapapanood ang buong flashmob na pinangunahan ng grupo ni Allan Vibar sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=ntIuuq4Kk4I&feature=youtu.be