MPSTvideo
|
MPSTvideo
|
Sa ekslusibong panayam ng Mga Pinoy sa Tsina, ibinahagi ni Consul General Wilfredo Cuyugan na mula Mayo 2016 nang mahalal si Pangulong Rodrigo Duterte, di maikakaila ang pagbuti ng relasyong Pilipino-Sino.
Mas lumaki ang interes di lamang ng pamahalaan, kundi ang pribadong sektor din ay nagpakita ng panibagong sigla matapos maibalik sa normal ang relasyon ng dalawang bansa.
Dadag pa ni ConGen Cuyugan, ang One Belt, One Road (OBOR) Initiative ng isinusulong ng Tsina ay isang napakagaling na plano na maguugnay sa pandaigdigang ekonomiya, pangkaunlarang mga proyekto na higit 60 bansa sa Asya, Europa at Africa.
Aniya pa, sa tulong ng OBOR ay magkakaroon ng konektibidad ang Pilipinas at Tsina, maging sa Europa. Angkop din ito sa programang pang imprastruktura ng Administrasyong Duterte.
Ang kanyang mga pahayag hinggil sa masiglang kalakalan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, maging ang maraming mga programa na magsusulong nang mabuting ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa ay mapapakinggan ng buo sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Consul General Wilfredo Cuyugan ng Pilipinas sa Shanghai