FilCom Guangzhou
|
Nitong nakaraang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa lunsod ng Guangzhou, lalawigang Guangdong ng Tsina, nakilala ko po ang pangulo ng Filipino Community in Guangzhou na si Jonas Arcenal.
Si Jonas Arcenal
Sina Mac Ramos at Jonas Arcenal
Si Jonas (L) at ang kanyang wife na si Maria Donna B. Arcenal.
At sa aming kwentuhan, nalaman kong maraming proyekto ang grupo para sa charity. Isa na rito pagsuporta sa mga scholars ng World Vision.
Ang unang batch ng donasyon ng FilCom GZ para sa Milk for Marawi drive. Makikita sa larawan ang mga volunteers sa Iligan City na tumanggap ng donasyon at magdadala nito sa mga evacuation centers. Nakakalap ng Php 63,000 ang FilCom GZ para sa proyektong ito.
Para sa World Vision drive nagyong 2017, umabot sa Php 36,000 ang naibigay na donasyon ng FilCom GZ. Sa kasalukuyan may 2 scholars ang grupo at nakapagbigay ng 45 learner's kits sa isang eskwelahan.
At kamakailan, nagkaroon rin sila ng kampanya para mangalap ng pondo para suportahan ang Milk for Marawi project. Layon nitong bigyan ng gatas ang mga paslit na bakwit o yung mga refugees na lumikas at nanunuluyan ngayon sa Iligan City matapos magsimula ang bakbakan ng pamahalaan at Maute group sa Marawi.
Si Jonas Arcenal (R) kasama si Bruze Ordonio isa sa mga nagtatatag ng FilCom GZ noong 2006.
Ilan sa mga miyembro ng FilCom GZ
Sa episode ngayong araw ng Mga Pinoy sa Tsina ating alamin mula kay Ginoong Jonas Arcenal ang detalye ng mga mapagkawanggawang aktibidad ng Filipino Community in Guangzhou o FilCom GZ.