MPST
|
Si Warren PalacioOfficer In Charge ng Department of Tourism (DOT) sa Shanghai
Tiwala ang bagong talagang Officer In Charge ng Department of Tourism (DOT) sa Shanghai na si Warren Palacio, na di malayong maabot ng Pilipinas ang target na isang milyong turista mula sa Tsina. Resulta ito aniya ng patuloy na pagganda ng relasyon ng Pilipinas at Tsina. Bagamat inamin niyang nakalulungkot ang ilang karahasang nagaganap sa Pilipinas at di maiiwasang makaapekto ito sa kabuuang kampanya ng DOT na umakit ng mas marami pang turista, nananalig siyang mananaig ang tunay na kagustuhan ng mga bakasyunistang makita at maranasan kung bakit "It's more fun in the Philippines."
Sa episode ngayong araw ng Mga Pinoy sa Tsina ibinahagi ni Ginoong Warren Palacio ang naka linyang mga aktibidad ng kanyang tanggapan para ipromote ang turismo sa Shanghai at karatig na lunsod na tulad ng Hangzhou, Chengdu at Guangzhou maging ang Hong Kong. Sinabi niyang ang Tsina ay mahalagang pamilihan at balak ng DOT na dagdagan pa ang mga destinasyon para sa mga bisitang Tsino. Sa kasalukuyan sikat ang Boracay at Cebu sa mga turistang Tsino.
Aniya pa, balak ding i-tap ng DOT ang mga niche market sa Tsina na kinabibilangan ng diving, health and wellness, senior citizens at mga mag-aaral ng wikang Ingles.
Ang buong detalye ay mapapakinggan sa programang Mga Pinoy sa Tsina kasama si Mac Ramos.