Roger Esguerra at ang Ogie's Choice Longganisa

CRI2017-09-19 18:56:14

Patuloy po sa Mga Pinoy sa Tsina ang serye ng mga Pinoy entrepreneurs sa ibat ibang lunsod ng bansang ito.

Sa episode po natin ngayon itatampok po natin ang Ogie's Choice, isang brand ng food products na nakabase sa Tianjin.

Roger Esguerra at ang Ogie's Choice Longganisa

Si Roger Esguerra

Ayon kay Roger Esguerra, founder ng negosyo nagustuhan ng kanyang asawang Tsino at kanilang anak ang longganisa. Dahil laging hinahanap hanap ang lasa at wala namang mabilhan sa lugar nila nagdesisyon si Ogie na gawin ito.

Roger Esguerra at ang Ogie's Choice Longganisa

Pinoy favorite, ngayon tinatangkilik sa Tianjin, Tsina, ang longganisa.

Nakatuwaan niyang ipost ito sa social media at birong inalok ang mga kaibigang bumili at tikman ang kilalang Pinoy food. Hindi siya naging handa sa positibong reaksyon at mataas na pagtangkilik sa kanyang home made longganisa. Ang kanyang unang order sa labas ng Tianjin ay sa Suzhou – malapit sa Shanghai. At syempre umabot din ang balita sa mga homesick na Pinoy sa Beijing, karatig lunsod ng Tianjin.

Sa ngayon ang Ogie's Choice ay may apat na variants ng longganisa at para mas magustuhan ng Chinese market, gumawa rin siya ng spicy longganisa.

Roger Esguerra at ang Ogie's Choice Longganisa

Sina Ogie at Lily Esguerra (3rd & 4th L), kasama ang mga ibang contestant sa cooking contest ng Tianjin TV.

Roger Esguerra at ang Ogie's Choice Longganisa

Sina Ogie at Lily habang ini-interview sa "Challenge Wei Zui Zi" ng Tianjin TV.

Kwento ni Ogie, malaki ang tulong ng social media para pasikatin ang kanyang mga produkto. Matapos gumawa ng offical account sa WeChat, napansin din sila ng Tianjin TV. Napanood sa TV show ang proseso ng paggawa ng longganisa at sumunod nito ay naanyayahan din silang itampok ang ulam sa isang cooking contest. Second place ang mag-asawang Ogie at Lily.

Roger Esguerra at ang Ogie's Choice Longganisa

Ogie's Choice longganisa ready for delivery sa Tsina.

Mula noon, mas nakilala ng Chinese consumers sa Tianjin ang longganisa. Sa ngayon meron naring embotido, daing na bangus at bagoong ang Ogie's Choice.

Pakinggan ang buong panayam at alamin ang mga payo ni Ogie sa mga kababayang OFW na may ideya para sa negosyo at nais simulan sa Tsina.

404 Not Found

404 Not Found


nginx