Usec. Nora Terrado
|
Ginanap sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina ang Ika-14 na China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS) mula ika-12 hanggang ika-15 ng Setyembre.
Sa nasabing ekspo naislayan ang magkatuwang na pagsusulong ng dalawang panig para mapalakas ang pagtutulungan at magkakasamang pagtatatag ng Maritime Silk Road sa ika-21 siglo.
Si DTI Undersecretary Nora Terrado
Puno ng delegasyong Pilipino si DTI Undersecretary Nora Terrado. At sa panahon ng CAExpo, ekslusibong kinapanayam siya ang ilang kinatawan ng mediang Tsino.
Sa episode ngayong araw mapapakinggan po natin ang mga pahayag ni Usec. Terrado hinggil sa ilang mahalagang aspeto ng ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina, maging ang kanyang tugon hingil sa importanteng paksa gaya ng ugnayan ng ASEAN at Belt and Road Initiative ng Tsina.
Si Usec. Nora Terrado (dulong kanan) habang umiikot sa Philippine Pavilion sa CAExpo, kasama si Vice Chairman Liu Jun ng CPPCC Guangxi (dulong kaliwa)
Ang One Belt, One Road ay pinaikling termino ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road na isinusulong ng Tsina para sa komong kasaganaan sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng pag-uugnayan sa iba't ibang larangan. Ano ang masasabi ni Usec. Nora Terrado hinggil nito at ano ang bentaheng makukuha ng Pilipinas sa One Belt, One Road? Pakinggan po natin ang tugon ni Usec. Nora Terrado sa programang Mga Pinoy sa Tsina.