Pinoy Paddlers dumalaw sa Beijing
|
Sa episode ngayong araw ibabahagi po namin ang mga panayam hinggil sa ikatlong taon ng pagdaraos ng PingPong Diplomacy sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Ang event po ay walang iba kundi ang 2017 Friendly Exchange Activity between CUPES and FFCAP.
Ito ay magkasamang itinataguyod ng Capital University Physical Education and Sports (CUPES) School of Competitive Sports at Federation of Filipino Chinese Associations of the Philippines.
Mga batang manlalaro ng ping pong mula sa Pilipinas at Tsina.
Ang grupo ay binubuo ng mga kampeon ng 2017 Uni Orient Cup. 23 mga batang paddlers at 12 coach ang namalagi ng 5-araw sa Beijing para sa biyahe ng pakikipagpalitan sa mga manlalarong Tsino ng table tennis mula sa CUPES.
Si John Russel Misal ng National University Table Tennis Varsity Team
Si Coach Judit Yulde ng National University Table Tennis Varsity Team
Pambato ng Pilipinas sa friendly ping pong games ang 2017 MVP ng UAAP sa Table Tennis na si John Russel Misal. Sa panayam ibinahagi niyang dahil sa larong ito ay naging kompetetibo niya. Ang kanyang tatay ang nagturo sa kanyang maglaro ng table tennis. At ngayon matapos magtapos ng kanyang degree sa Sports Science sa National University, nais din niyang maging coach sa mga batang paddlers ng bansa.
Si Abbie Nuevo ng San Beda Table Tennis Varsity Team
Si Coach Jun Steve de Guzman ng San Beda Table Tennis Varsity Team
Ang ping pong ay para rin sa mga differently-abled athletes. Bingi man si Abbie Nuevo varsity player ng San Beda, ipinakita niyang walang hadlang para maging isang magaling na ping pong player patunay nito ang award bilang 2017 NCAA Women's Division MVP. Kasalukuyan siya ng Pinay na may pinakamataas na world ranking sa table tennis na nasa Number 16. Umaasa ang kanyang coach na si Jun Steve de Guzman na ang pagpunta ni Abbie sa Beijing ay magiging isang morale at skills booster para sa deaf ping pong player.
Pakinggan ang lahat ng mga interviews sa programang Mga Pinoy sa Tsina.