Jensen Moreno
|
Sa Hong Kong, nitong Nobyembre 11, 2017 tinanggap ni Jensen Moreno ang World Contemporary Artists Emerging Souls Special Award. Ang World Contemporary Artists ay isang grupo na layunin ay bigyan ang mga artists mula sa 143 bansa ng isang plataporma upang makipag-ugnayan sa larangan ng sining sa buong mundo.
Si Jensen Moreno
Jensen Moreno (ika-2 sa kanan) kasama ng Philippine Consul General Roderico Atienza (ika-2 sa kaliwa) ng Kunulada ng Pilipinas sa Hong Kong
Hangad ng organisasyon na paabutin sa 50,000 o higit pa ang mga miyembro sa loob ng darating na dalawang taon.
Ang mga alagad ng sining na ginwaran ng World Contemporary Artists ng pagkilala kamakailan sa Hong Kong
Si Jensen Moreno ay dating guro ng sining at ngayon ay full time artist sa Beijing. Ang Masterpieces exhibit ay isinagawa niya sa Pilipinas at maging sa Beijing. Kapwa matagumpay ang nasabing mga exhibitions.
Artist Jensen Moreno awarded by Mr. David Gault WCA Business Development Director at the WCA Launch and Awards Night in Hong Kong Hotel on November 24, 2017
Sa panayam ng Mga Pinoy sa Tsina, ibinahagi niya ang kagalakan sa tinanggap na pagkilala ng WCA. Naniniwala siyang malaki ang maiaambag ng karanasang ito sa kanyang karera bilang isang painter at portrait artist. Pakinggan ang interbyu kung saan ibinagi ni Jensen Moreno ang proseso ng kanyang pagsali sa WCA at maging ang kuntil butil na nais niyang ibahagi bilang inspirasyon sa mga tagapakinig.