Christian Bautista
|
Dumating Disyembre 7, 2017 sa Zhengzhou, Henan, Tsina ang Asia's Romantic Balladeer na si Christian Baustista para lumahok sa 2017 China-ASEAN Friendship Concert.
Si Xtian Bautista, kasama ang mga mang-aawit ng mga bansang ASEAN, sa 2017 China-ASEAN Friendship Concert.
Sa panayam ng China Radio International Serbisyo Filipino, sinabi ni Christian Bautista na makabuluhan ang concert dahil alok nito'y pagkakataong magbahaginan ng kultura, mga kanta, pagkakaroon ng mga bagong kaibigan at koneksyon sa industriya. Diin niya ang 2017 China ASEAN Friendship Concert ay nagpapaalala sa kanyang sarili at maging sa lahat ng kasali, na lahat ay nagkakaisa o "We Are One."
Kinanta ni Xtian ang isa sa kanyang obra na "Kapit."
Tiniliian ang Pinoy balladeer nang kanyang inawit ang "Kapit" sa konsiyerto na ginanap Biyernes, Disyembre 8, Zhengzhou International Convention and Exhibition Center. Pinili niya ang awiting ito dahil panawagan itong huwag bumitiw sa panahon ng kahirapan at kumapit sa isa't isa sa pamamagitan ng kultura at sining sa panahon ng mga pagsubok na dinadanas ng maraming lugar sa iba't ibang panig ng daigdig.
Nakipag-duet si Xtian sa mang-aawit na Tsino na si Chen Xi, para sa isang awiting Tsino na "Because of Love."
Naka duet ni Christian ang Chinese singer na si Chen Xi para sa kantang Because of Love. Ang awiting ito ay kilalang kilala at malapit talaga sa puso ng mga Tsino. At ang rendition nina Christina Bautista at Chen Xi at tumagos din sa puso at tunay na naibigan ng mga music lovers na Tsino at dayuhan na nakapanood ng concert Sa Zhengzhou.
Tinanggap ni Xtian Bautista ang pagkilala bilang Cultural Ambassador of Zhengzhou mula sa Zhengzhou Municipal Government at CRI.
Kinapanayam si Xtian ni Machelle Ramos, senior reporter ng CRI Filipino Service.
Ang interview ni Mac Ramos kay Christian Bautista ay mapapakinggan sa episode na ito ng Mga Pinoy sa Tsina.