Love Knows no Border International Charity Sale

CRI2018-01-06 19:21:15

Sa episode ngayong araw ibabahagi po namin ang highlights ng taunang charity event na itinataguyod ng Ministry of Foreign Affairs ng Tsina, ito po ay walang iba kundi ang Love Knows No Border International Charity Sale. Sakto po ang mensahe ng event na ito dahil tayo po ay nagdiriwang ng kapaskuhan sa Pilipinas.

Ang tema ngayong taon ay "Building Healthy Villages in Yunnan." 100 booths ang inihanda ng 77 foreign embassies, representative offices ng international organizations sa Tsina maging ang 20 domestic enterprises and public institutions na Tsino ay lumahok din.

Love Knows no Border International Charity Sale

Si Ambassador Jose Santiago Sta. Romana (ikalawa sa kanan), kasama ang mga diplomata at kawani ng Philippine Embassy na sumali sa Love Knows No Borders.

Love Knows no Border International Charity Sale

Intersadong intersado ang mga mamimili sa mga panindang Pilipino

Dumalo si Opening Ceremony sina Foreign Minister Wang Yi, Secretary of the Communist Party of China (CPC) Committee of the Foreign Ministry and Vice Foreign Minister Zhang Yesui, Vice Foreign Minister Wang Chao at kanyang asawa, Assistant Foreign Minister Qian Hongshan at kanyang may-bahay, Assistant Foreign Minister Chen Xiaodong at kanyang asawa pati ang 140 kinatawan ng foreign embassies at international organizations na nakabase sa Tsina.

Sa ngalan ni Foreign Minister Wang Yi, pinasalamatan ni Mme. Qian Wei maybahay ni Minister Wang ang mga diplomatang naki-isa sa event at patuloy na sumusuporta sa poverty alleviation initiatives ng Tsina.

Sa kanyang remarks sinabi niyang sa loob ng 9 na taon na pagsasagawa ng "Love Knows No Border" International Charity Sale, naitayo ang mga tulay sa kanayunan, pibuti ang kalagayan sa mga mahihirap na parte ng bansa at naipagamaot mga batang may sakit sa puso sa mga lalawigan ng Yunnan, Gansu, Hebei, Henan at Guizhou. Sa tulong ng charity sale napalaganap ang kabutihan at pinasidhi ang pag-asa sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa.

Love Knows no Border International Charity Sale

Love Knows no Border International Charity Sale

Love Knows no Border International Charity Sale

Mga paninda sa booth ng Pilipinas

Sa ngalan naman ng Diplomatic Corps sa Tsina, nagbigay ng pahayag si UK Ambassador to China Barbara Janet Woodward. Sinabi niyang ang charity sale ay kumakatig sa pagkakaisa ng lahat upang tulungan ang mahihirap na mamamayan sa Tsina.

Ayon na website ng Ministry of Foreign Affairs, ngayong taon higit 4 million RMB ang nakalap mula sa charity booths ng iba't ibang embassy at international organizations. Ang pondo ay gagamitin para itayo ang mga clinic sa Jinping County, Honghe Prefecture sa Malipo County at Wenshan Prefecture sa Yunnan Province.

Love Knows no Border International Charity Sale

Si Amb. Jose Santiago Sta. Romana habang kinapanayam ni Machelle Ramos ng Serbisyo Filipino ng CRI.

Aktibong lumalahok ang Pasuguan ng Pilipinas sa Love Knows no Border taon taon. Ibinahagi ni Ambassador Jose Santiago Sta. Romana Na ang kahirapan ay problemang wala ring borders o hanggahan. Ang paglaban dito ay pandaigdigang pagsisikap. Sa Pilipinas ito ay isang mahalagang isyu at nangangailangan ng magkakatuwang na pagpupunyagi. Mayroon aniyang matututunan ang Pilipinas sa aktibidad na ito. Ang Pilipinas ay handang sumuporta sa adhikain ng Ministry of Foreign Affairs ng Tsina. Ang kanyang buong panayam ay mapapakinggan sa Mga Pinoy sa Tsina.

404 Not Found

404 Not Found


nginx