Masiglang pagpapalitan ng Pilipinas at Tsina sa sektor ng edukasyon
|
Dumalaw sa Beijing Foreign Studies University (BFSU) ang delegasyong Pilipino na binubuo ng 14 na mag-aaral at 3 guro mula sa Ateneo de Manila University (ADMU), De La Salle University (DLSU) at University of Sto. Tomas (UST) nitong nagdaang taglagas. Ang pagdalaw sa Tsina ay bahagi ng isang aktibidad na itinaguyod ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas at naglalayong isulong ang kultural na komunikasyon sa pagitan ng mga kabataang Tsino at Pilipino.
Si Prof. Ma Zhongwu, Vice Dean ng School of Asian & African Studies ng BFSU (kanan) at si Prof. Xu Hanyi, guro ng Philippines Studies Program (kaliwa).
Malugod na tinanggap ni Prof. Ma Zhonglu, Vice Dean ng School of Asian & African Studies ng BFSU ang mga bisita. Sa kanyang mensaheng panalubong, sinabi ni Prof. Ma na napakahalaga ng pagkakatatag ng Philippine Studies Program sa kanyang pamantasan ngayong taon. Kasalukuyan, kumpleto na ang lahat ng kurso sa wika ng mga bansa sa Timogsilangang Asya. Dagdag niya, sa hinaharap, umaasa siyang maitatag din ang isang sentro ng pananaliksik para sa pag-aaral ng Pilipinas. At umaasa siyang magkakaroon ng masiglang pagpapalitan ang BFSU sa mga pamantasan sa Pilipinas.
Pagpapalawig ng oportunidad para sa pagpapalitan ng mga pamantasan
Ibinahagi ng tatlong faculty na mula sa Pilipinas na hindi basta-basta ang pagsasagawa ng mga kooperasyon sa mga malalaking pamantasan sa Tsina. Sinabi ni Dr. Marica Estrada ng UST bukas ang kanyang unibersidad sa pagkakaroon ng ugnayan sa mga pamantasan sa Tsina at sa pamamagitan ng Youth China Tour mas mapapalawig ang relasyon at magkaroon ng oportunidad ang parehong panig hinggil sa adhikaing ito.
Sina Sidney Bata ng ADMU (kaliwa), Elaine Tolentino ng DLSU (gitna) at si Dr. Marica Estrada ng UST.
Kumpara sa UST at DLSU, ang ADMU ay may mas maraming programa na kasalukuyang tumatakbo sa ilang mga pamantasan sa Tsina. Partikular ang Philippine Studies Exchange program kung saan ipinadadala sa Peking University ang Pilipinong faculty at kada 4 na taon ay nag-aaral naman sa Katipunan campus ang mga mga mag-aaral na Tsino sa nasabing kurso.
Ayon kay Sidney Bata, Director ng Ricardo Leung Center for Chinese Studies na umaasa ang Ateneo na magkakaroon din ng exchange program ang BFSU at ADMU sa hinaharap. Hinggil naman sa bentahe ng pagdalaw na ito para sa kanyang pamantasan, sinabi ni Bata na na nais ng ADMU na pataasin ng 10% ang bilang ng dayuhang mag-aaral at sa pamamagitan ng sa ibang bansa linkages mabilis itong maipapatupad. Makakatutulong din aniya ito sa pagpapataas ng ranking at internationalization ng Ateneo.
Delegasyong Pilipino kasama ang mga guro at estudyante ng BFSU.
Sa panig naman ng DLSU, sinabi ni Elaine Tolentino, sinabi niyang ang patuloy na pagganda ng relasyon ng Tsina at Pilipinas nawa ay magbubunga ng mas madalas na people to people exchanges sa mga estudyante, faculty at maging mga kawani ng mga pamantasan na limitado ang pagkakataong sumali sa katulad na byahe sa labas ng bansa.
Mapapakinggan ang buong panayam sa episode na ito ng Mga Pinoy sa Tsina.