Aurora Province
|
Dumalaw sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi si Vice Governor Rommel Angara para lumahok sa 2017 China ASEAN Expo. Itinampok din ang Aurora bilang Charm Province at dahil dito nabigyan ng pagkakataon ang mga pinuno ng lalawigan para ipakilala sa mga opisyal at negosyanteng Tsino ang mga oportunidad para sa kooperasyon.
Si Vice Governor Rommel Angara
Sa interview ng Mga Pinoy sa Tsina, turismo ang pangunahing inialok ng Aurora. Ayon kay Vice Gov Angara isang destinasyon ang Aurora para mag dive, trek and revel. Ang Aurora ay kilala bilang surfing capital ng Central Luzon at ang baybayon nito ay nasa gawing Karagatang Pasipiko.
Sa pamamagitan ng China-ASEAN Expo (CAExpo), naipakilala ng Aurora Province ang mga kooperasyon na maaaring isagawa ng lalawigan at Tsina sa sektor ng turismo, pamumuhunan at kalakalan.
Para naman sa mga di masyadong adventurous, inanyayahan ni Angara na subukan ang espesyal na mga putahe at kariktan ng kalikasan sa lalawigan.
Sa pavillon ng Aurora makikita ang mga produkto mula sa "sabutan" na nakaakit ng interes mga Tsino. Kung mai –export ito sa Tsina malaki ang maitutulong nito sa weaving industry ng Aurora.
Kinapanayam ni Mac Ramos ng Serbisyo Filipino si Vice Governor Rommel Angara.
Inaasahan ni Vice Governor Angara ang pagtatapos ng proyektong pang-impreastruktura tulad ng SLEX at Baler Airport upang maging handa sa pagdating mga turista at mga investors matapos ang paglahok sa CAEXPO. Pakinggan ang buong panayam sa Mga Pinoy sa Tsina.