Tsina at mga bansang ASEAN, aktibong magsasanggunian hinggil sa teksto ng COC

CRI2018-02-08 17:23:46

Sinabi kahapon, Miyerkules, ika-7 ng Pebrero 2018, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa una at ikalawang araw ng susunod na Marso, idaraos ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang ika-23 pulong hinggil sa pagpapatupad ng Declaration on Conducts of the Parties in the South China Sea (DOC), sa Nha Trang, Biyetnam.

Ayon kay Geng, sa pulong na ito, patuloy na magpapalitan ng palagay ang iba't ibang panig, hinggil sa mga paksang kinabibilangan ng Code of Conduct in the South China Sea (COC).

Ipinahayag din ni Geng ang kahandaan ng Tsina, kasama ng mga bansang ASEAN, na aktibong magsanggunian hinggil sa teksto ng COC, para ito ay maging angkop sa aktuwal na kalagayan ng rehiyong ito, at makatugon sa pangangailangan ng iba't ibang bansa sa rehiyon.

Salin: Liu Kai

Not Found!(404)