Mga Tradisyong Pambagong Taon ng Ilang Pinoy sa Xiamen
|
Bilang pagdiriwang sa Chinese New Year inalam ng Mga Pinoy sa Tsina ang mga natutunang tradisyon sa panahon ng Spring Festival ng ilang mga kababayan. Nagpaunlak ng interview ang mga opisyal ng Filipino Association in Xiamen o FAX.
Ang mga FAX officer, kasama si Mac Ramos ng Serbisyo Filipino
Sila po ay walang iba kundi sina Tecson Uy, Architect and Designer para sa Urban Works at 22 years ng resident sa China, Eric Dychauco, General Manager ng Boysen Paints Xiamen for the last 7 years, Edward Tenorio, Global Procurement Director ng isang computer company at 9 years na siya sa Xiamen at si Angel Austria, Product Designer ng Teammann Company at 15 years na siyang nagtatrabaho sa Tsina.
Si Eric Dychauco, Kasalukuyang Pangulo ng FAX
Si Tecson Uy, PRO ng FAX
Ayon sa mga FAX officers natutuhan nila ang tradisyon ng pagbibigay ng mga working adults ng hong bao o pulang envelop na laman ay pera sa mga bata at mga matatanda. Kakaiba sa tradisyon ng Pinoy na exchange gift kung saan lahat ay nakatatanggap ng regalo.
Si Edward Tenorio, Dating Pangulo ng FAX
Si Angel Austria, Dating Pangulo ng FAX
Naikwento din nila ang dahilan kung bakit ba nagpapaputok ang mga Tsino tuwing Chinese New Year. Anila itinataboy ng ingay ng paputok ang lahat ng kamalasan ng nagdaang taon.
Bukod sa Spring Festival traditions ikinuwento rin nila ang good and bad sa kanilang pamumuhay sa Xiamen at mga karanasan bilang Filipino professionals sa Tsina. Pakinggan po natin ang Chinese New Year Special ng Mga Pinoy sa Tsina.