Pinoy Teens sa Xiamen
|
Si Justine Angelica Lim ay 18 taong gulang. Estudyante siya sa Manila Xiamen International School (MXIS) at ngayon ay nasa Grade 12. Tubong Antique si Justine at nag-aaral siya dati sa Assumption, bago magdesisyong pumasok sa IB Program ng MXIS. Ibinahagi niya ang malaking kaibhan sa kultura at ugali ng mga kabataang Pinoy at Tsino. Para sa teenager ito ang hamon sa kanyang 3 taong pamamalagi sa Xiamen. Mag-isang namumuhay sa Tsina si Justine dahil nasa Antique ang kanyang mga magulang.
Si Alexandra Nicole Tenorio
Samantala, si Alexandra Nicole Tenorio naman ay Grade 9 student sa MXIS. Walong taon na siyang naninirahan sa Xiamen kasama ang kanyang buong pamilya. Hilig ng dalagita ang arts.
Ang interview para sa Mga Pinoy sa Tsina ay nataon nang dumalo sina Nicole at Justin sa exhibition ni Rene Robles. Ani Nicole ang art para sa kanya ay expression ng feelings na inilalahad niya sa kanyang painting, drawing at sketch.
Si Justine Angelica Lim
"Art is an escape." Sagot naman ni Justine na nagkwentong dahil wala masyadong pwedeng paglibangan sa Antique, nakahiligan niya ang sining bilang isang libangan.
Manila Xiamen International School (MXIS)
Bukod sa kwentuhan tungkol sa art, nagbahagi rin ang 2 estudyante ng MXIS ng kanilang mga pananaw hinggil sa pamumuhay bilang mga Pinoy teens sa Xiamen.