Sa Ika-8 Summit of the Americas sa Lima, ipinahayag Sabado, Abril 14, 2018, ni Ministrong Panlabas Bruno Rodriguez ng Cuba na sapul nang pasimulan ang proseso ng normalisasyon ng relasyon ng Cuba at Amerika noong 2014, natamo nito ang progreso. Ngunit, hindi aniyang yuyukod ang Cuba sa mga isyung may kinalaman sa prinsipyo.
Sinabi niya na ayon sa mga karanasang historikal, maisasagawa ang normalisasyon ng relasyon ng Cuba at Amerika. Pero, umaasa aniya siyang igagalang ng Amerika ang karapatan ng iba't-ibang bansa sa malayang pagpili ng kani-kanilang sistemang pulitikal, ekonomiko, panlipunan, at pangkultura, at hindi ito magsasagawa ng polisya sa mga bansang Latin-Amerikano sa patnubay ng ideyang "Monroe Doctrine."
Salin: Li Feng