Filipino Association in Xiamen
|
May 20 taon na ang grupong Filipino Association in Xiamen o FAX, Sa episode ngayong araw ng programang Mga Pinoy sa Tsina ipinaliwanag ng grupo kung paano nila isinasagawa ang pinakamalaking event nito na inaabangan sa Xiamen. Ito ay walang iba kundi ang FAX Christmas Party. Halos 500 katao ang dumadalo noong 2017 at patuloy itong lumalaki at sinusuportahan ng mga Pinoy at kaibigang Tsino at dayuhan.
Sunday Funday Bingo na inorganisa ng FAX kamakailan sa Kunsulado ng Pilipinas sa Xiamen
Mula sa 10 partners, ngayon ang FAX ay may higit 40 sponsors na katuwang upang maging matagumpay ang kanilang event. Bunga ito ani ng mga opisyal ng malalim na tiwala ng business sector ng Xiamen sa FAX.
Si Eric Dychauco (kanan) kasalukuyang pangulo ng FAX kasama sina Consul General Julius Flores ng Kunsulada ng Pilipinas (gitna) at si Erward Tenorio (kaliwa) dating pangulo ng samahan. Ang larawan ay kinuha sa FAX Christmas Party 2017.
Si Angel Austria kasama ang mga iba pang opisyal at miyembro ng FAX
Kasama sa interview ang past presidents ng FAX na sina si Angel Austria, Product Designer ng Teammann Company at 15 years nang nagtatrabaho sa Tsina at Edward Tenorio, Global Procurement Director ng isang computer company at 9 years na siya sa Xiamen.
Ang FAX Christmas Party ay isa sa pinaka-aabangang event na Xiamen na dinadaluhan di lamang ng mga Pinoy kundi mga kaibigang dayuhan din. Nitong 2017 halos 500 ang naging bisita sa event na sama-samang ipinagdiwang ang diwa ng kapaskuhan.
Ang X-Over Band, isa sa mga pioneer entertainers sa Xiamen, habang nagbibigay saya sa FAX Christmas Party.
Mapapakinggan din ang current president ng FAX na si Eric Dychauco, General Manager ng Boysen Paints Xiamen for the last 7 years, at ang PRO ng grupo na si Tecson Uy, Architect and Designer para sa Urban Works at 22 years ng resident sa China.