Mga Pananaw sa Media Leaders Summit for Asia at 2018 Boao Forum for Asia
|
Pormal na binuksan Abril 9, 2018 sa Sanya, Hainan ang Media Leaders Summit for Asia, na idinaos sa sidelines ng 2018 Boao Forum for Asia (BFA). Ngayong taon ang tema ng summit ay "New Era of Asian Media Cooperation -- Interconnectivity and Innovation-driven Development."
Si Ginoong Alan Allanigue, Station Manager ng Radyo Pilipinas-Manila
Delegado ng Pilipinas si Ginoong Alan Allanigue, Station Manager ng Radyo Pilipinas-Manila.
Ipinahayag ni Allanigue, na napaka-inspiring at napakaganda ng mga ipinahayag ng mga media leaders at mga Chinese officials sa opening ceremonies ng forum. Aniya pa, "Very encouraging ito at ako'y positibo na ito ay higit pang makapagpapalakas ng ugnayan ng iba't ibang media organizations sa buong mundo."
Naging speaker rin si Ginoong Allanigue sa sub-forum na ginanap sa media summit. Nagbigay siya ng kanyang mga pananaw hinggil sa paksang "Makukulay na Sibilisasyon at Pagpapalitan sa Asya."
Bukod sa summit ang mga delegado ay dumalo rin sa Opening Ceremony ng Boao Forum for Asia Annual Conference, at kanilang napakinggan ang mga talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas.
Nagkaroon din ng pagkakataong makapanood ang mga delegado ng pagtatanghal na "Merry Rural Lives," na nagpakita ng kultura at pamumuhay ng mga taga-Hainan. Bukod dito ay sumali si Ginoong Allanigue kasama ng iba pang mga media delegates sa pamamasyal sa magagandang tanawin sa Sanya.