BFSU
|
Nitong nagdaang Abril, itinanghal sa Beijing Foreign Studies University ang Honed in Tradition: Philippines Weaves Exhibition.
Ang aktibidad ay itinaguyod ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing at National Commission for Culture and the Arts.
Si Ambassador Jose Santiago L. Sta. Romana habang nagbibigay ng remarks sa pagbubukas ng Honed in Tradition: Philippines Weaves Exhibition sa BFSU
Sa pamamagitan ng pagtatangahal ng mga uri ng tela at tradisyon ng paghahabi, hangad ng Pasuguan ng Pilipinas na ibahagi ang likas na pagkamalikhain ng mga Pilipino.
Ipinakikita rin nito kung paano ipinamamalas ng mga Pilipino ang mga paniniwala, kaugalian at maging ang estrukturang panlipunan ng grupo ng mga mamamayan sa bansa.
Group photo ng mga dumalo sa pagbubukas ng Honed in Tradition: Philippines Weaves Exhibition sa BFSU
Setyembre 2017 binuksan sa BFSU ang Philippine Studies program. Sa ngayon ay may 14 na estudyante ang kumukuha ng nasabing degree.
Dalawang mag-aaral na Tsino na nasa unang taon ng kanilang pag-aaral ng Philippine Studies ang nagpaunlak ng interbyu para sa Mga Pinoy sa Tsina.
Ani Wang Ziming, limitado sa libro ang kaalaman niya hinggil sa Pilipinas. Sa tulong ng exhibit nagkaroon siya ng pagkakataon para makita ang mga tradisyonal na tela. Naniniwala siyang magandang pundasyon ang kaalaman sa kultura para sa mas magandang komunikasyon sa hinaharap.
Si Ambassador Jose Santiago L. Sta. Romana (ika-4 mula sa kanan) ng Pilipinas sa Tsina, kasama si Prof. Yan Guohua (ika-4 mula sa kaliwa), Vice President of Beijing Foreign Studies University, at ang mga kinatawan ng BFSU
Samantala ang kaklase namang si Cui Qianxun ay natuto ng bagong salita sa wikang Filipino gaya ng blusa at pinya. Aniya ang exhibit ay isang pagkakataong malaman ang kasaysayan at tradiayon.
Hangad ni Cui Qianxun na makapag-suot ng mga damit-Pinoy dahil talagang naiiba ito kumpara sa Thailand o Vietnam. Si Wang Ziming naman ay gustong subukang isuot ang Barong Tagalog dahil ito ang nakitang larawan ng modelo sa exhibit ay mukhang makisig.
Ang mas maraming pananaw nila Wang Ziming at Cui Qianxun ay mapapakinggan sa buong programa ng Mga Pinoy sa Tsina.