Paggamit ng CRI sa New Media, inilahad sa Pinoy Media

(GMT+08:00) 2018-06-07 17:25:13       CRI2018-06-07 17:25:14

22 kinatawan mula sa pampamahalaan at pribadong media ng Pilipinas ang kasalakuyang lumalahok sa pagdalaw sa Tsina na tatagal hanggang Mayo 30, 2018.

Paggamit ng CRI sa New Media, inilahad sa Pinoy Media

Group picture ng delegasyon ng Mediang Pilipino

Mayo 18, 2018 pumasyal ang delegasyon sa China Radio International.Ang pagbisita sa CRI ay nagbigay ng oportunidad sa mga media officials, mamamahayag at information officers mula sa Pilipinas na malaman ang galaw ng mainstream media lalo na sa aspekto ng new media.

Paggamit ng CRI sa New Media, inilahad sa Pinoy Media

Si Noel Alamar, Reporter ng DZMM

Sa kanilang presentasyon inilahad nina Mo Han, host ng EZFM at Jade Xian, Direktor ng CRI Filipino Service, ang paggamit ng new media bilang plataporma ng kani-kanilang mga programa upang mas madaling maabot ang mga tagapakinig. Ibinahagi rin ni Jade Xian ang mga mahahalagang proyekto na isinasagawa ng CRI kasama ng mga media partners sa Pilipinas para isulong ang pagpapalitan ng impormasyon at kooperasyon na bunga ng mabuting ugnayang Sino-Pilipino.

Paggamit ng CRI sa New Media, inilahad sa Pinoy Media

Si King Anthony Perez, Online Editor ng Cebu Daily News

Ang pagdalaw ay itinataguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina. Bukod sa pagdalo sa mga lectures na magbibigay kaalaman hinggil sa iba't ibang paksa tungkol sa Tsina, ang grupo ay dumalaw din sa mga media organizations, economic zones at sa pagawaan ng Liwayway Oishi na matatagpuan sa lalawigan ng Jiangxi.

Paggamit ng CRI sa New Media, inilahad sa Pinoy Media

Si Marlon Simbahon, Program Director ng Radio Mindanao Network

Paggamit ng CRI sa New Media, inilahad sa Pinoy Media

Si Benjie Felipe, Direktor ng PCOO

Sa episode ng Mga Pinoy sa Tsina ibinahagi nina Noel Alamar, Reporter ng DZMM, King Anthony Perez, Online Editor ng Cebu Daily News, Marlon Simbajon, Program Director ng Radio Mindanao Network at Benjie Felipe, Direktor ng Presidential Communications Operations Office ang kanilang mga impressions sa delegation visit sa Tsina.

404 Not Found

404 Not Found


nginx