Kinumpirma ngayong araw, Biyernes, ika-22 ng Hunyo 2018, sa Beijing, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idaraos ang ika-15 pulong ng mga mataas na opisyal hinggil sa pagpapatupad ng Declaration on Conducts of the Parties in the South China Sea (DOC), sa ika-27 ng buwang ito sa Changsha, lunsod sa gitnang Tsina.
Sinabi ni Geng, na sa pulong na ito, malalimang magpapalitan ng palagay ang panig Tsino at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa pagpapatupad ng DOC, pagpapasulong sa kooperasyon sa dagat, pagsasanggunian sa Code of Conduct in the South China Sea (COC), at iba pang isyu.
Binigyan din ni Geng ng mataas na pagtasa ang kasalukuyang matatag at mahinahong kalagayan sa South China Sea, na natamo sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansa sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai