Fiesta Pinoy Shanghai, tampok ang Lumad Mindanao at Tribu Hiligaynon
|
Nabuo nitong Abril lamang ang Lumad Mindano. Nagsimula ito bilang isang social group ng mga OFWs na mula sa rehiyon ng Mindanao at at karatig na mga lunsod sa Tsina.
Ang mga miyembro ng Lumad Mindanao sa tapat ng kanilang booth
Unang major activity ng Lumad Mindano ang pagsayaw sa Fiesta Pinoy Shanghai. Kanilang ipinakita ang mayamang kultura ng mga Lumad. Apat na sayaw ang kanilang inihanda: Pamaypay, Malong, Payong at Singkil. Lubos na kinalugdan ng mga dumalo ang kanilang presentasyon.
Si Dolei Acac (kaliwa), Founder ng Lumad Mindanao, at si Domir Borres (kanan), isa sa mga miyembro ng Lumad Mindanao
Ngayon balak ng grupo ang itatag ang isang kooperatiba na hangad ay ituro ang financial literacy sa mga OFWs na miyembro nito. Alamin ang mga detalye mula sa mga tagapagtatag na sina Dolei Acac at Domir Borres sa interview ni Mac Ramos.
Si Mark Ibanez, Core Group Fiesta Pinoy sa Shanghai at Head Captain ng Tribu Hiligaynon
Samantala, ibinahagi naman ni Mark Ibanez kung paano nabuo ang konsepto ng Fiesta Pinoy Shanghai. Bilang miyembro ng komite ng mga tagapag-organisa, ibinahagi ni Ibanez ang inspirasyon sa engrandeng pagtatanghal na nagtampok sa kultura ng Luzon, Visayas at Mindanao, ang mga deltalye ay mapapakinggan sa programang Mga Pinoy sa Tsina.